Tama ba ang sinasabi nila na mali magmahal ng sobra? At pano naman naging mali ang pagmamahal kasi sa pagkakaalam ko walang mali kapag nagmamahal ka ng tunay at tapat, lahat ng iyon ay tama kasi ang ginagawa mo ay mapasaya ang taong mahal mo. Alin ang mali don?
Oh! Joshua. Si Joshua Ortega ang nag-iisang lalaki na minahal ko. Sa kanya ko narasan ang mga bagay na di ko pa naranasan sa tanang buhay ko. Sa kanya ko natutunan tumawa abot sa tainga. Sa kanya ko rin natutunan na wag matakot sumugal kong alam mong wala kang natatapakan at tama ang mga ginawa mo at sa kanya ko din nadama kong pano magmahal, minahal at masaktan.
That man gave me the real meaning of life and world, gave the real meaning of forever and infinity in a day, month and years and give me the real meaning why I live.
Dati sya ang mundo ko hanggang ngayon pero ako rin ba kaya mundo nya? Sa tadhana ko nalang iaasa ang lahat ng mga ito, lahat ng mga katanungan ko ay masasagot din sa tamang panahon balang araw.
"Ely matagal ka pa ba dyan? Di ka ba magla-lunch?" tanong saki ni Manny na bestfriend ko simula nung nagcross ang landas namin sa college. Isa sya sa mga mabuting kaibigan ko na napaglalabasan ng mga hinanakit at sama ng loob.
"Mauna ka na sa canteen susunod din ako maya-maya may tatapusin lang ako, Manny" sagot ko sa kanya.
"Sige basta susunod ka ah. Maghihintay ako sayo."
"Oo nga sabi eh. Ang kulit mo talaga kahit kailan hahahaha."
"Maganda naman." at nagtawanan naman kaming dalawa at saka umalis na din sya.
Inayos ko muna ang mga gamit ko ayaw ko kasi na magulo yung working place ko, kumbaga nawawalan ako ng gana magtrabaho kapag kapag ganun. Pagkatapos ko mag-ayos ay tinungo ko na ang canteen dito sa school kung saan ako nagtatrabaho.
Pagkarating ko sa canteen ay nakita ko agad si Manny dahil may dalawang bahagi ang canteen dito sa school na pinagtatrabahuan ko, ang unang bahagi ay para lamang sa mga estudyante at ang ikalawang bahagi ay para lamang sa mga faculty at staff.
"Binilhan na pala kita ng makakain dahil takot akong maubusan ka, lunch time pa naman ibig sabihin rush hour at maraming mga staff at faculty ang nagsisibabaan dito sa canteen." Sabi nya ng makarating ako sa mesa namin. "Wag kang mag-alala, Elle maybayad yan okay. Wag masyadong maflatter! Wag assuming." dahil sa sinabi nya ay agad ko sya'ng nabatukan na ikinatawa naming dalawa.
"Bestfriend talaga kita! Walang halong pagdududa."
"Naghahanap ng mga bagong teacher at administrative aide ang school natin ngayon." Sabi ni Manny habang kumakain na kami. "Next week pala magsisimula yung gaganapin na interview." dugtong nya. Si Manny pala isang guidance counselor dito sa school kaya may mga alam sya sa mga pangyayari dito sa school.
"Mabuti kung ganun para naman para next semester ay madadagdagan na ang mga guro ng mabawasan ang mga load ko.
"Okay class get one whole yellow pad."Yan ang bungad ko sa klase ko pagkapasok ko. "Done? This is not a surprise quiz nagsabi na ako last meeting na mag-q-quiz tayo." dugtong ko.
"Maam, absent po ako last meeting kaya hindi ko alam." ang sabi ni Leo isa sa mga estudyante ko.
"Well, sino ang estudyante sa ating dalawa?" tanong ko sa kanya.
"Ako po, Maam." at yumuko sya
"Well, sino ang may responsibility para malaman kung ano ang discussion last meeting?" tanong ko ulit.
"Ako po, Maam."
"Dahil?" at tinaasan ko ng kilay.
"Dahil ako po yung estudyante. Dahil wala na po kami sa high school na yung mga guro ang gumagawa ng paraan para lang makapasa ang isang estudyante." sagot nya.
"Alam mo naman pala. Okay number one. What is Standard Deviation?" alam na alam na ng mga estudyante ko ang linyang yun kasi yun parati ang sermon ko sa kanila kapag nag-aasal bata na naman sila.
Pagkatapos ng quiz ay may natitirang oras pa at nagbigay nalang ako ng assignment para next meeting. Once a week lang kasi kami nag-m-meet sa section na 'to.
"Class, study about probability distribution and make a summary of what you've learn about that topic. Quiz next meeting about probability distribution and will discuss the coverage of your exam." at inayos ko na din ang gamit ko.
"Yes, Maam" sagot nilang lahat.
"May tanong pa ba kayo, kung wala na you may go." at nagsitayuan na silang lahat at lumabas na sa silid-aralan.
Ganon parin ang nangyari sa mga sumunod ko na class kasi same lesson lang lahat ng mga class na hinahaakan ko. Masaya naman maging guro kahit na nag-aaral ka ulit para sa lesson plan na gagawin mo. Learning is fun.
Kaninang 6 PM palang tapos ang class ko pero andito ako sa school--particularly dito sa office ni Manny. May meeting pa kasi sya na sinalihan tungkol daw sa gaganapin na pag-i-interview sa mga bagong guro next week dito sa school.
Manny and I lived together. I mean we lived in same village not in the same house magkatabi lang ang bahay naming dalawa.
"Ang tagal naman matapos ng meeting nila gutom na ako." Sabay lang kasi kami umuuwi kapag pumapasok kasi kami iisang sasakyan lang ang dinadala namin kapag sa school lang namana ng punta.
"Ugh! Its already 7 in the evening. I'm starving baby." hindi parin tapos ang meeting nina Manny at ako lang mag-isa dito sa office nya at nakakabagot din naman no. Kanina pa kasi sila dun sa board room.
Nagulat naman ako nung may kumatok sa pinto. "Sorry the gui--." Hindi ko natapos ang sasbihin ko dahil mas nagulat ako sa taong kumatok na pumasok na mismo sa office ni Manny.
"Landon? Landon Riley Turtoga!" at nakatitig lang sya sa'kin. "Ikaw ba talaga yan?" tanong ko na nagbigay guhit sa kanyang labi.
"Oo. Ako nga ito Elyphant." At tumawa na sya.
"Kailan ka pa andito, I mean kailan ka pa nakabalik dito sa Cagayan de Oro?" tanong ko ulit.
"Noong isang araw lang. Asan pala si Manny?" Tanong nya na kinawala ng sigla sa mukha nya.
"Alam nya ba na andito ka na? Nasa board room may meeting sila, gutom nga ako kasi kanina pa ako dito naghihintay sa kanya." sagot ko naman.
"Tara kain tayo, libre ko." Ngisi nya.
"Grabe ka naman alam na alam mo talaga kung saan ako sasaya hahahaha." at tumayo na ako at kinuha lang ang susi sa office ni Manny, may duplicate key kasi ako dito sa office nya at phone ko baka kasi makabalik na sya dito nawala pa ako.
"Hindi pa alam ni Manny na andito na ako sa Cagayan de Oro." panimula nya habang naglalakad kami sa pasilyo ng school palabas at tango lamang ang ibinigay ko na sagot.
Madami kaming napag-usapan ni Landon lalo na tungkol kay Manny. Hinatid nya lang ako sa labas ng school namin hindi na sya pumasok dahil umurong na naman ang kanyang dila at paa dahil sa pangyayari noon.
"Asan ka ba ng galing?" bungad na tanong ni Manny sakin pagkapasok ko sa office nya.
"Kanina ka pa ba naghihintay?" Tanong ko.
"Hindi naman gaano. Sakto lang."
"Pumunta lang ako sa wash room."
"May gagawin ka pa ba? Uwi na tayo." pag-aaya nya sakin
----
A/N
SANA po ay magustuhan nyo ang kwento ko :) hindi man po ako magaling magsulat pero nagsusulat po ako galing sa puso
YOU ARE READING
Everything Has Change
Teen FictionPAANO KUNG ANG LALAKING MINAHAL MO NG TODO YUNG FEELING NA KAYA MONG IBIGAY ANG LAHAT SA KANYA PATI PAGKATAO MO AY BINALIWALA LANG NYA. PAANO KUNG NALAMAN MONG HABANG NILILIGAWAN KA NYA AY MAY KA LONG DISTANCE RELATIONSHIP PALA SYA AT ONE YEAR AND H...
