Finale

11.9K 312 176
                                    

N/N:

I'm glad na kahit papano natupad ko ang goal ko for this sembreak, sana magustuhan niyo ang ending. Isinulat ko dito ang feelings ko, kaya sana maramdaman niyo rin.. si JACOB yung nasa right. Magcomment po kayo dito, kahit na 'wag kayo mag-vote basta may comment, yun lang bayad na ang pagod ko at pagpupuyat ko tuwing gabi..

Dedicated ito sa isang tao na ngayon nalilito ako kung mahal ko na ba siya o hindi, nababaliw na din ako ng dahil sa pesteng Pag-ibig na yan! Pero alam mo yung nasasaktan ka na? So ito na ang ending ! ^_^

Baliw na Baliw Sa'yo: Finale


"Nakakabaliw ang magpanggap na hindi mo mahal ang isang tao, tulad ni Louisse kay Brent.. Pero ang hanggang kailan nga ba siya magpapanggap, hanggang kailan niya ipaglalaban ang nakakabaliw na pag-ibig? Hanggang kailan?"

Louisse Point of View:


"Si-si Brent?" Nagimbal ang katawan ko sa narinig ko..


"Oo Louisse, paakyat na daw sila dito.." Taratang sagoti ni Aki na parang natataranta na..


"Shit, halika na Louisse.. Aki alam mo ba ang daan palabas, yung sa likod?" sabi ni JM na nakatayo na..


"Oo, halika na.." Sabi ni Aki, sabay labas na ng pinto.. Sumunod na kami ni JM..


Lakad takbo ang ginagawa namin, nasa likod ko lang si JM, kailangan na naming tumakas para kahit papano ay maging maligaya naman ako sa buong buhay ko.. Nakababa kami at hinahanap pa ni Aki kung saan ang pinto sa labas.. Si Jacob naman ay may binabaklas sa pader..


"JM, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita.. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.. Thank you kahit na bakla ako, minahal mo ko.. Proud ka sa'kin, kaya lahat kaya kong gawin para sa'yo, kahati kita sa salitang forever.."


"Louisse, ano ba sinasabi mo? Kahit na nabaliw ako ng dalawang taon, masaya ako kasi alam kong totoo ang pagmamahal ko sa'yo, true love kita.. Ako nga ang kahati mo sa salitang forever.. At tsaka naniniwala ako sa salitang happy ending, I love you Louisse, mahal na mahal kita.." He said and he gave me a peck.


"Halika na, lumabas na tayo.." sabi ni Aki, halata naman na kahit papano ay nagkagusto rin siya kay JM ko, hindi ko lang sinasabi.. Nakikita ko kasi sa mata niya na may konting sakit... Alam mo na para siyang nalilito pa, confused ika nga..


Nakalabas kami ng building at nakita ko ang parang gubat, madilim at maraming halaman.. Halata mong luma na.. Naglakad-lakad na kami and si Aki at Jacob ay halata mong masaya na.. Sana sila din ang magkatuluyan..


Nakarating kami sa medyo naiilawang parte ng likod ng building na iyon, may mga halaman at bato, isang common part sa likod ng isang building pwede itong tambayan.. Hanggang sa may nakita akong anino ng isang lalaki..


"Saan kayo pupunta?" sabi ng boses.


Pumunta siya kung saan may liwanag.. Sabi na nga ba, hinawakan ako ni JM sa kamay ko ng mahigpit at alam kong may awayan na magaganap, si Jacob ay nakaabay kay Aki na alam mong natatakot na din..


"Hayop ka Brent!" Sigaw ni JM, humawak ako sa kamay niya, sign na 'wag na siyang pumatol.


"Juan Miguel, akalain mo 'yun nabaliw ka ng dahil lang sa pangto-torture ko sa'yo?" sabi niya at humalakhak na parang gago.

Baliw na Pag-Ibig  (COMPLETED)Where stories live. Discover now