Baliw Sa'yo: 4

9.8K 246 14
                                    

N/N:

Ito na ang ikaapat na pagkabaliw ni Aki! Musta naman kayo? HAHAHA, nakakabaliw talaga 'to gawin grabe.

Baliw Sa'yo: 4

Aki's Point of View

Natulog ako ng gabi na iyon na parang wala lang, yung natulog ka pero parang gising.. Oh ganito, naranasan mo na yung matulog pero yung utak mo may iniisip? Bakit kasi hindi siya maalis sa utak ko.. Para siyang naka-glue, naka-mighty bond at naka-epoxy.

Hanggang sa naramdaman kong tumunog at nag-vibrate na ang cellphone ko... Ito na peste ang aga-aga para mag-alarm. Tss.. Inaantok pa talaga ko.. Pero no choice kaya tumayo na din ako sa pagkakahiga medyo nahihilo pa ko pero ganun talaga, kailangan pumayag..

"KAKAYANIN SIR!" Ang sigaw ko sabay stretch ng kamay at nag-bend ng likod.

Pumasok na ako sa banyo at sinimula ko nang maligo.. Dahan-dahan pa 'ko sa pagbubuhos at dinadama ang lamig na tubig na lumalabas sa shower.. Nanginginig ang katawan ko pero ok lang naman kaya, GO lang.

Pero habang kinukuskos ko ang ulo ko ng shampoo, pumasok ulit sa utak ko si Juan Miguel, ok lang kaya siya... Inalagaan kaya siya mabuti ng graveyard shift na naka-assign sa kanya..? Binuksan ko na lang ulit ang shower at nagbanlaw na rin. Lumabas ako sa banyo ng nanginginig, baka kasi malamig 'di ba?

Mabilis lang akong nagbihis, pero tumitig ako sa salamin at tinignan ang mata kong ang lalim ng eyebag, kinuha ko ang garnier ko sa drawer at naglagay muna ako sa mata.. Nang matapos akong mag-ayos ay bumaba na rin ako, ano pa bang gagawin ko, wala na 'di ba.. Kaya ayun.

Paglabas ko ng bahay ay nagulat pa ako actually, dahil nasa labas si Jacob at nakasandal sa kotse nito.. Tumingin ito sa akin at ngumiti.. Unti-unti itong lumapit at nakita kong napasimangot ito.

"Natulog ka ba?" Sabi niya habang hawak ang mukha at tinitignan ito ng mabuti.

"Bakit mo natanong at tsaka bakit ka nandito?" Tanong ko at inalis ang pagkakahawak nito sa mukha ko.

"Sinusundo ka, parang badtrip ka yata Aki." Medyo naiinis niyang sabi sa'kin.. Hindi ko alam, sadyang badtrip lang talaga 'ko pag walang tulog.

"Halika na nga." Sabi ko sabay sakay sa kotse niya.. Ayaw ko na rin naman kasing humaba ang pagtatalo namin dahil nga wala rin naman ako sa mood.

Pumunta na rin siya sa driver's seat at nagsimula ng mag-drive, tahimik lang siya.. Hindi naman ako makapag-open up ng topic kasi dahil dun sa ginawa ko sa kanya kanina..

"I'm sorry." Seryoso nitong wika sabay tingin sa'kin at binalik ulit sa kalye.

"Ako dapat ang mag-sorry Jacob, hindi lang kasi talaga ko nakatulog eh."

Ngumiti siya habang nagdra-drive, tumingin siya sa'kin ng nakangiti pa rin.. Pero bakit ganun iba pa in ang ngiting ibinigay sa'kin ni Juan Miguel.

"Ok lang 'yun, nag-almusal ka na ba, may niluto ako para sa'yo.." Nagulat ako sa sinabi nito.. Siya magluluto para sa'kin never ko pa ngang nakitang naghugas siya ng pinggan eh.

"Ikaw magluluto?" Tanong ko habang nakasalubong ang kilay.

"Oo, inaral ko ang favorite mong food na Sinigang.." Na-touch naman ako sa ginawa niya.

"Makakain ba 'yan, HAHAHA.." Pabiro kong sagot dito at natawa ako sa mukha niya dahil napasimangot naman siya sa sinabi ko.

"Malamang, alam mo ba na ikaw pa lang ang pinapagluto ko? Tapos ganyan ka pa sa'kin?" Sabi niya sabay nguso.

Baliw na Pag-Ibig  (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora