Baliw Sa'yo: 2

11.1K 290 17
  • इन्हें समर्पित: malebolge
                                    

N/N:

Oh yeah ito na ang Chapter 2.. Dedicated to malebolge wag mo nang intindihin yun! Smile ka na :) Sana ay ma-enjoy niyo ang chapter na ito!

Si Aki yung nasa right :))

Baliw Sa'yo: 2

Aki's Point of View

Dalawang araw na rin ang nakalipas simula nung matanggap na 'ko sa trabaho. Excited na rin naman ako kaya maaga akong nagising ngayon.. Gusto ko kasi maging presentable sa mga magiging katrabaho ko.. Habang kakasuot ko pa lang ng salamin ko ay nakita kong may tumatawag sa cellphone ko.. Sinagot ko ito ng hindi tumitingin sa pangalan kung sino ang tumatawag.

"Hello?"

"Hello, goodmorning Aki." masayang bati ni Jacob sa kabilang linya.

"Oh Jacob ang aga mo namang napatawag." Sabi ko sa kanya..

"Hahatid sana kita." Sabi nito sa'kin na parang kinilabutan ako.

"'Wag na baliw. Nasa condo mo pa yata ikaw eh." sabi ko sa kanya habang inaayos na ang gamit ko.

"Andito na 'ko sa baba ng apartment mo, baba ka na.." sabay pa nito at in-end na ang tawag.

Bumaba na ako dahil alam kong no choice na rin naman kung hindi sumabay kay Jacob, bakit ganun parang nag-iba talaga siya.. So weird!

"Goodmorning ulit." Sabi nito sa'kin sabay bigay niya ng napakaganda niyan ngiti.

Yung ngiting yun, yun yung kahit na sinong babae, ibibigay ang bataan.. Siya, siya lang naman ang nakakagawa nun eh.. Yung mga maninipis niyang mapulang labi, yung katawan niyang athletic hay ano pa nga ba ang mahihiling ko sa isang Jacob Sy? Pero alam ko naman na noong college pa lang kami ay wala ng pag-asa, kaya ayun nawala na din ang pagka-crush ko sa kanya, yes you read it right.. Naging crush ko rin naman si Jacob eh, kaso alam kong hanggang parausan lang.

"Ready ka na ba sa work mo?" tanong niya habang kukunin ang bag ko pero iniwas ko.

"Ako na ang magdadala niyan para malagay ko na sa kotse." Sabi niya pa at tuluyan ng nakuha ang bag ko.

Tangina naman, ano bang nangyayari dito sa lalaking 'to?

"Jacob, may sakit ka ba?" tanong ko sa kanya habang binubuksan ang driver's seat.

"Wala naman.." sagot nito sa'kin pagsakay niya sa kotse.

Sa biyahe namin, matipid at halos wala nga kaming pinapagusapan.. Kasalanan ko bang nakaka-awkward yung mga tingin niya, at laging nakakasalubong ang mga ngiti kong parang buang?

"Jacob, dito na lang ako.. Malapit na rin nanaman 'to sa Mental eh.." sabi ko sa kanya..

"Sus, hatid na kita." Sabi nito sa'kin.

Nyetang buhay 'yan.. Nakaka-2 points na siya sakin ngayong araw na ito.

So ayun na nga, wala na rin akong nagawa at nakarating naman kami dun, hindi pa ko late.. I still have 30 minutes para mag-ready, since dayshift naman ako.. Wala pa namang graveyard duty kaya keribells pa rin naman sa'kin.

"Bye na, Aki.." sabi ni Jacob, sabay bigay ulit ng ngiti.

"Bye na rin." Sabi ko at sumakay na siya sa kotse.

Naiwan akong nakatayo sa tapat ng Mental, habang minamasdan ko siyang papaalis..So wala na rin naman akong gagawin kaya pumasok na lang din ako.

Pagpasok ko, nakita ko ang mga Psych. na graveyard shift, ngumiti sila sa'kin.. Diyos ko naman syempre bigay din ng magandang ngiti.

"Bago ka? Andun yung mga ka-shift mo.." sabi nila at sabay turo ng kwarto.

"Thank you po." Sabi ko sa tumuro, ngumiti lang ito sakin at gumora na rin ako.

Pagpasok ko ay nakita ko silang naghahanda na rin.. Ngumiti sila sa'kin.. Medyo madami din naman sila, pero eh basta ok lang naman.

"Hi, ikaw ba yung bago? Ako nga pala si Kris.." sabi nung boy, sus boy nga ba? HAHAHAH

"Opo, ako po si Aki." Sagot ko sa kanya.

"Oh GUYSSS! AKI DAW PANGALAN NIYA." Sigaw niya sa mga kasama niya.

"'Wag ka nang mailing samin Aki, siya si Sandy, Minna, Jay at Claude." Sabi niya habang tinuturo ang mga ka shift ko.

Maayos naman silang kasama, natapos ang oras namin kaka-kwentuhan ng mga bagay-bagay.. Yung iba katulad ko na gusto talagang magtrabaho dito.. Yung iba sadyang napadpad sa course na psycho nung college, kaya ayun.

Lumabas na kami n quarters at nae-excite ako na parang ewan.. This is it!

Jacob's Point of View

Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ang mga bagay na yun sa kanya.. Ito na ba yun..? Ito na ba ang tinatawag nilang love..? Pero bakit ganun naguguluhan ako.

"Alam mo dude, wag mong dibdibin yan!" sabi ni Charles.

"Paanong hindi ko didibdibin eh ngayon ko lang 'to naramdaman?" Sabay salubong ng kilay.

Oo, I never had a girlfriend.. Dahil 'yun kay Aki.. He fulfils kung ano ang ibinibigay ng girlfriend.. SEX, oo yung una ayun lang naman talaga yung habol ko sa kanya eh.. Pero hindi ko alam na parang sa'twing ginagawa namin yun.. Nilalagayan ko na ng pag-iingat..

"Alam mo bro, sa tinagal-tagal ng panahon, ngayon mo lang nararamdaman yan.. Ganun ka ba ka manhid?" sabi naman ni Rico

Andito kasi ngayon sa University kung saan kaming 3 ay magpre-pre-med.. Mostly ang graduate dito ay highly competitive in the field of medicine kaya dito namin napili.

"Hindi ko rin alam eh." Sabi ko sa kanila.

Tumawa lang si Rico at Charles, sabay bato sa'kin ng tissue.

"Gago kayo." Sabi ko

"Kasi ang labo mo.." sabi ni Charles.

Mahal ko nga ba siya? Baka naman dahil lang 'to sa pagiging FUBU namin?

Aki's Point of View

Nasa duty na ako.. Ito na yung sinasabi nilang fulfilment, masaya kasi ako sa ginagawa ko. Naka-duty kasi ako sa isang pasyenteng babae na nabaliw dahil sa kinuha ang mga anak niya ng asawa niya... Ito kasi ang isang gusto ko.. Kung bakit dito ko gustong mag-trabaho.. Ang dami kong natutunan HAHAH..

"Diyan ka lang ah..Punta lang ako ng quarters.." sabi ko sa kanya.. Nanatiling wala siyang reaksyon.. Ngumiti na lang ako at lumabas na.

"Ano, ayaw niya nanaman uminom ng gamot?" sabi ni Sandy kay Jay.

"Oo, alam mo naman 'yan.. Ayun nanaman siya at nagwawala." Sagot naman ni Jay.

"Parang awaaaa niyo na ilabas niyo si Louisse.."

"Ilabas niyo na ko dito..."

Rinig kong hagulgol niya habang nasa loob ang iba ko pang kasama.. Hindi na ko nakasilip at tanging room niya lang ang nakita ko.. Room 314..

Parang gusto ko tuloy siyang makilala...

Ano kaya ang nangyari sa kanya?

Baliw na Pag-Ibig  (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें