Baliw Sa'yo: 5

10.2K 233 21
                                    

N/N:

Maraming dahilan kung bakit tayo, tinatamad HAHAHAH.. Madaling mag-isip mahirap i-type.. Request ko lang po na mag-COMMENT kayo.. Para naman alam kong may-response kayo HAHAHAHA.. Kung nagagandahan ba kayo sa'kin or what HAHAHAH..

Dedicated to: JhunEggy natutuwa lang ako sa story ni Den, wahahahaha :D


Baliw Sa'yo: 5

Somebody's Point of View

"Dude, its been 2 years, wala ka pa rin bang tiwala sa pagmamahal ni Louisse sa'yo?" Tanong niya sa'kin na parang nanunumbat na ang boses.

"Hindi sapat na mahal ko siya at mahal niya 'ko, kailangan na matali na kami sa isa't isa and siguraduhing wala na si JM sa landas ko." I said, ganito kasi talaga dapat. Kailangan talagang wala nang hadlang sa pag-ibig namin ni Louisse.

"Ewan ko ba bakit ka pa pumatol sa bakla, ang daming babae diyan." Sagot nito sa'kin sabay pantig na tenga ko sa narinig ko.

Kwinelyuhan ko siya at sinapak, kung ano-anong sinasabi. Tangina, pinaka ayoko sa lahat yung ginaganito ako.

"Don't you ever judge my love for Louisse, sinanla ko sa demonyo ang lahat-lahat para makuha lang siya kay JM, so shut the hell up.." Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya at pinunasan niya ang dugo sa bibig niya.

Nasaan na kaya si JM, siguro naman wala na siyang planong agawin sa'kin si Louisse.. Iniwan ko na ang kaibigan ko at sumakay na ng kotse, sandaling biyahe lang naman ang tatahakin ko bago ko makauwi.. Sa panandaliang biyahe na 'yun ay pumapasok pa rin sa utak ko si JM, paano kung nandyan lang pala siya sa tabi-tabi, kahit sabihin mong 2 taon na ang nakakalipas, hindi pa rin ako mapalagay.

Nang makarating ako sa bahay ay kumuha ako ng gin at umakyat sa magulo kong kwarto, tinignan ang cellphone at nakita ko ang text ni Louisse at sinabing nasa bahay na siya. Uminom na lang ako at sa di kalaunan ay nilamon na ng antok.

Aki's Point of View

"Doc, bihira na lang ang pagwawala niya and I think it's good sign kasi umiinom na rin siya ng gamot and kahit papano nagigjng conscious na siya sa paligid." Sabi ko sa head psychiatrist namin.

"Well, base sa sinabi mo.. May improvement na nga siya and I think konti na lang he will recover sa trauma na inabot niya.."

"Talaga po? Mga months lang po ba ang iintayin?" I said blazing with excitement, bakit ko ba dapat maramdaman 'yun.. Hindi nga kami magkaibigan.

"I don't know, kailangan niya lang talaga ng masinsinan na pag-aalaga, katulad ng ginagawa mo Mr. Dela Fuente.." Sagot nito sa'kin.

Ngumiti na lang ako, hindi naman ako na-flatter sa sinabi niya, ginagawa ko lang naman ang trabaho ko as a psychologist and he is suffering too much depression and trauma before, pero bakit kaya ano kaya ang nangyari sa kanila nung Louisse.

"Sige po, mauuna na 'ko.. Baka tapos na po kasi si Claire (Graveyard).."

"Ah, yes sige thank you Mr. Dela Fuente." She said at lumakad na ko palabas ng office niya.

Pagkalabas ko ay saktong naglalakad si Claire, ngumiti lang ito at tinuro ang room ni Juan Miguel, ngumiti na lang ako at tumango, no need for words.

Pagpasok ko sa kwarto niya ay nakita ko siyang napangiti, sa isang linggo kong pagtra-trabaho dito, ngayon ko lang naisip kung bakit lagi akong naapektuhan sa mga ginagawa niya sa'kin, never ko pa 'tong naramdaman bukod nung naging crush ko si Jacob, pero hindi pwede 'to kasi may buhay siya sa labas. Parang nakakulong lang, hindi ko rin maiwasan ang mapangiti..

Baliw na Pag-Ibig  (COMPLETED)Where stories live. Discover now