Lumapit ako at sisipol sipol pang ngumisi ang unggoy sa akin. Akala mo kung sinong gwapo samantalang punong puno naman ng kahanginan ang katawan. Binaling ko ang atensyon kay Fritz na hawak hawak ang isang lalaki. May sugat na ito sa ulo at nagpupumiglas pa mula kay fritz.

"ikaw!" sigaw ko sa walang hiyang humabol sa akin "sinong nag utos sayo!"

Hindi umimik yung lalaki na ikinainis ko kaya naman hinigit ko siya sa kaniyang buhok at iniharap sa akin.

"Sino!?" inis kong sabi.

"tinatakot mo naman ee kaya ayaw magsalita" singit nung asungot na si Basil, sinamaan ko naman siya ng tingin. "chillax lang. Laging maunit ulo mo kaya lalo kang pumapangit ee"

"ano? Ako panget?! Nahiya naman ako sayo eh noh?!"

"mamaya na kayo magligawan. Tch." singit ni Fritz. Bigla naman akong namula sa sinabi niya kaya sumimangot na lang ako. Hmp!

Muli kong kinuha ang aking baril at marahas itong itinutok sa baba nung nahuli namin.

"magsasalita ka o sasabog ang panga mo?!"

"r-royal! Sa royal ako nagtratr-" hindi ko na siya pinatapos pa at agad na binaril sa dibdib. Tch... Talagang kinakalaban kami ng royal mafia ah...

"tapon mo na yan." ngisi ni Basil bago dumiretso sa kotse niya. Iniwan ko na rin sila doon at sumakay sa aking motor.




Hiro pov

"m-mom..." pagkababa pa lang ng kotse ay natanaw ko agad si mommy na nakatayo sa doorstep ng mansyon.

"Hix, darling!" yakap niya sa akin. "i was worried about you! Nasaan ang kambal mo? Bakit di mo siya kasama? May nangyari na ba?" mabilis na tanong ni mommy at napailing na lang ako.



"she's with someone, mom. And she's okay." sa ngayon... Pero hindi ko alam kung magiging okay pa siya pagdating ng kaarawan namin.


"buti naman bumalik ka na. I missed you so badly" halik niya sa noo ko. Ngumiti naman ako at sumabay na sa kaniya pagpasok.




Walang pinagbago ang mansyon. Gano'n pa rin simula ng umalis ako. Kung hindi lang sana naging manipulator si daddy ay hindi ako nag rebelde at umalis, pero kahit na gano'n siya... He is a loving husband and father. Hindi lang talaga nawawala sa dugo niya ang pagiging mafioso.




"m-mom..." tawag ko sa kaniya ng nagpunta siya sa kusina "si Sora... She's with the younger sumiyoshi. At alam naman nating galit sila sa royal."

"does he like her?"


"no... I think..." mahina kong sagot at tinulungan siyang ilabas yung pagkain sa ref.




"sora will be fine. She will." mahinang sabi ni mom. Pero alam ko kahit siya ay nag aalala. "hi love, binigyan mo na din ba si chief ng invitation?" baling niya kay dad na kakapasok lang.




"yes love." ngiti naman ni dad. "and son... I'm sorry. Alam kong kaibigan mo ang mga sumiyoshi at kailangan mo pang itago ang pagkatao mo. Pero may mga bagay na dapat rin nilang malaman."

"dad. I joined them dahil gusto ko ring tumulong. Dahil gusto kong tapusin ang away sa pagitan ninyo. They thought you killed her sister!"

"i know son." tanging sagot lang ni dad na ikinainis ko.



"pero bakit wala kang ginawa? Dad?"




"soon. Soon hiro."



Dahan dahan akong tumango at hinarap si mommy pagkaalis ni dad. Si chief... Kailangan rin namin siya para maayos ang lahat. Pero alam ko, magagalit rin sa kaniya ang mga sumiyoshi dahil naglihim si chief. Kaunting oras na lang ang natitira... Sigurado ako... Magkakagulo ang lahat.


"stop worrying son. Go call Cello, sabihin mo maghahapunan na." napasimangot ako bigla. Isa sa kinaiinis ko kay dad ay hinayaan niya ang sarili na magka anak sa iba, at si mommy naman parang wala namang pakielam sa nangyari.





*****

So far... Medyo sinisipag ako mag UD... :)

Anong masasabi niyo na sa mga nangyayari?

#shinra
#GF

Lovelots...
Pinkiepurpy

Ps.

Dont't forget to vote and comment

The Mafia And The Golden Fairy IOnde as histórias ganham vida. Descobre agora