Chapter 8

9 3 0
                                    

Nag tex sakin si Jake na baka around 10pm pa daw sila makaka uwi ng mga ka banda niya kaya walang tao sa bahay..

tiningnan ko ang orasan...8pm palang at may dalawang oras pa bago umuwe sina Jake kaya napag pasyahan namin ni Rom na mamaya nalang rin umuwi..mag eenjoy pa muna kami sa labas hehehe..

naka upo parin kami ngayon ni Rom at nakikinig lang sa mga tumutugtog na banda...

nang biglang may lumapit saamin na matabang lalaki..naka suot siya ng maayos na polo at mukhang mayaman...

"Hello Ms.Liz, my name is Darren Ochoco" tapos naglahad siya ng kamay saakin

syempre para naman hindi rude ang dating ko ay nilahad ko rin ang kamay ko pero with confusion on my face.lels

narinig kong bumuntong hininga si Rom..

"uhm..hello Mr. Darren?" buong pagtataka kong sagot sakanya

"Darren nalang..ako nga pala ang may-ari ng bar and resto na ito and manager din ng banda na regular dito"

"ganun po ba?" haha di ko talaga alam ang isasagot ko dito eh

"And uh..if it's okay with you..i would like to invite you to join the band..malakas kasi ang hatak mo sa audience and ngayon ko lang nakitang sobrang enjoy ng mga customer dito"

binalingan ko ng tingin si Rom na nagkibit-balikat lang..

"Ah and by the way,,1000 ang bawat gabi..3 days a week ang tugtog nung band na yun..MWF"

nabuhayan naman ako bigla at tumingin ulit kay Rom na kita din ang sigla sa mukha..

finally!may mapagkakakitaan na..infairness okay na ang sweldo ah

"ahm..anu po bang band yun Sir Darren?" tanong ko sakanya

"sila yung LUCID..oh eto na pala sila" tapos may nagsidatingan na grupo

"OMG!!galing mo kumanta girl!" sabi sakin nung isang babae na blonde ang hair,maputi pero filipina..may dala siyang drumsticks so i guess siya ang drummer

"By the way siya si Cher..ang drummer" singit ni sir Darren

nag smile naman sakin si Cher at nilahad ang kamay

pinakilala niya pa sakin ang sa keyboards na si Cleo at ang sa guitar na si Tami

mukha naman silang mababait..pansin ko namang itong si Cleo na todo tingin kay Rom..haha mukhang nagwapuhan ata..sino ba naman ang hindi mabibighani sa lalaking ito..(lol mabibighani talaga xD)

"Nasaan na naman ba si Lane?" naiinis na tanong ni sir Darren

"hay nako boss alam niyo namang pasaway yun di pa kayo nasanay!" natatawang sabi ni Cher

ohwww..may isa pa palang member ang LUCID..Lane ang name..must be their vocalist..matanong nga :D

"Ahm..sino po ba yung Lane?vocalist niyo?" pagtatanong ko

"Ah yeah..Lane is the lead vocalist..wag ka mag alala kahit pasaway un mabait naman siya" sabi ni Cher

I see...this must be an all girls band..buti naman atleast lahat kami babae sa banda

"So miss Liz?what do you think?payag ka na ba?" pag uusisa ni sir Darren

"ah opo!opo!kelan po ba ang gig?" hindi naman halatang masaya ako nuh?hahaha

"well as I've said..MWF ang tugtog..so bukas meron na gig pero kung hindi ka pa ready okay lang na wag ka muna sumama bukas..pero pwede kang manood..sumabay ka nalang sa next practice nila para sa susunod ay makasama ka na sa gig" sagot ni Sir Darren

"sige po..anung oras po ba bukas?"

"well 10 kami lagi tumutugtog..but if you want punta ka muna sa rehearsal bukas sa bahay nila Lane..sabay ka samin" pag aaya ni Cher

"Ahm next time nalang siguro..pero manonood ako sainyo dito bukas ng 10"

"Okaaaaaay! uhm we have to go na pala..may pupuntahan pa kami eh..wanna come?" pag aaya ni Cher

"Ahm gabi na kasi eh..kailangan na naming umuwi" well kailangan na talaga naming umuwi...pero napansin ko yung disappointed look ni Cleo..I really think that she has an eye for Rom..

teka nga!ang bastos lang ha!di ko man lang pala napakilala si Rom sakanila

"Pasensya na ha kung di na kami makakasama..by the way ito nga pala si Rom" tapos lumapit si Rom sakanila at nakipag kamay..si Cleo naman namula pa hehe..

matapos nun ay umalis na sila..tapos si Sir Darren may pinapirma pa saakin na mga papeles..contrata yun ng pag sali ko sa band. after nun nag paalam na si Sir Darren at nagpasya narin kaming umuwi ni Rom..siguro naman andun na sila Jake ngayon.

nagkwentuhan lang kami ni Rom habang nagddrive siya pauwi..inasar ko pa nga siya tungkol kay Cleo..pero as usual napikon lang siya HAHAHA

pagka dating namin sa bahay naabutan namin sina Jake sa sala na nag uusap usap..agad ko namang nilapitan si Jake at hinalikan ito sa pisngi..

"Hi babe I missed you!" sabi ko sabay yakap sakanya

ngumiti siya ng matipid at hinalikan ako sa noo sabay paalam na aakyat na daw siya at matutulog na..

"Anyare dun?" tanong ko kay Caleb pero nagkibit balikat lang siya

tumayo ako at nag aambang na sundan si Jake sa kwarto pero pinigilan ako ni Rom

"Liz, hayaan mo na si Jake pagod lang yun..tingnan mo bukas okay na ulit yun" paninigurado ni Rom sakin

haaaaay!okie payn..iintindihin ko nalang si Jake..mukha ngang pagod talaga siya..pasalamat ka mahal kita Jake!hmp!kahit pa nakakapagtampo kana talaga minsan keri lang..

so ayun nagpasya nalang din ako na umakyat na at matulog na din..alot has happened today na nagpaubos talaga ng energy ko, although syempre may good news hehe..nag goodnight na ako sakanila at umakyat na patungong kwarto ko..pero bago ako pumasok sa kwarto ko..pupunta muna ako kay Jake para mag goodnight sakanya..kakatok na sana ako sa pinto nang bigla akong makarinig ng masigabong halakhak..pero syempre joke lang..pero seryoso naririning ko si Jake na may kausap ata sa phone at tawang tawa pa ito..my heart felt like splitting that very moment..ako nga hindi niya man lang nagawang kibuin kanina tapos ngayon may kausap pa siyang enjoy na enjoy siya.gusto kong magalit pero ayokong mag away kaming dalawa dahil lang dun..napaka babaw naman nun para pag awayan namin yun ni Jake so I decided nalang to keep it to myslef at kalimutan nalang ito..

papunta na ako sa kwarto nang makasalubong ko si Caleb na papunta narin ata sa kwarto niya..

"Oh Liz, bakit ka naman nakabusangot diyan?" nagtatakang tanong niya saakin

ganun ba ako ka obyus??may gasss naman oh!

pinilit kong ngumiti at nilagpasan nalang siya para pumasok sa kwarto ko..halos nasa tapat narin naman kasi kami nun..binuksan ko na ang pinto ngunit bago ko iyon masara may narinig akong sinabi ni Caleb

"Si Jake ba Liz?" tapos nakita kong nakakuyom ang mga palad niya..anyareh dito?

"Ah--ano kaba!Caleb talaga oh..wala ito simpleng tampo lang..sige na goodnight!tulog na tayo hihihi" i tried to sound as jolly as possible..I closed the door pero bumagabag sa isipan ko ang naging reaksyon ni Caleb..bakit kaya ganun nalang yun kung maka react?

SIGURO...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon