Chapter 2

22 4 0
                                    

nagulat ako pagka gising ko sa umaga!

teka!nasaan ako??

nag panic akong inikot ang mata sa buong paligid..

ni check ko din ang katawan ko kung may damit ba ako oh anu!

Oh gas!buti may damit pa!

bumalik lang ako sa katinuan ng maalala ko na andito pala ako sa bahay nila Jake HAHAHA!

ohh kayyy...lukaret talaga ako.

bumangon ako at tinignan ang oras sa cellphone..7:30am palang pala..

naghilamos na ako sa banyo sa loob ng guestroom at nagpalit ng damit..nagtoothbrush narin siyempre ako..

bumaba ako pero walang ni anino man lang ng kahit isa sa apat na lalaking kasama ko..

gusto ko sana gisingin si Jake pero hindi ko naman alam kung saan ang kwarto niya.

ayoko namang mag ala dora the explorer dahil baka kung kanino pang kwarto ang mabuksan ko.,.

so nagpasya nalang akong bumaba sa kitchen at magluto ng almusal..

binuksan ko ang ref at kumuha ng hotdog,eggs and bacon..

nagsaing narin ako para gawing friedrice mamaya..

Oo..marunong ako mag luto..

tinuruan kasi ako ni mommy nung nabubuhay pa siya..

i miss you mom :(

sana di ka nalang namatay..edi sana walang bruhilda sa buhay ko..

natapos na akong magluto at inayos ko na ang lamesa..

"Goodmorning Liz!" bati saakin ni Aki

"goodmorning Aki..tara kain ka"

"pasensya na Liz ha..di ka na dapat nag abalang magluto..ako ang gumagawa niyan dito.."

"ah ganun ba?ako nalang magluluto mula ngayon..para naman makatulong ako sainyo"

sabay sabay naman ang pagdating ng tatlo..

"Wow!aga pa ha..handa na agad ang breakfast?akala ko maghihintay na naman kaming mag alas diyes para makakain ng almusal" pabirong sabi ni Jerald

"ulol!si Liz kasi ang nagluto" pagpapaliwanag ni Aki

"Hmmmm!sa wakas di na ako kakain ng sunog" masayang sabi ni Caleb at umupo na..

"upo na tayo..nang makakain na" sabi ko sakanila

ang sarap sa pakiramdam ng maraming ka salo sa pagkain..dati kasi kami lang ni mommy ang sabay..nung namatay naman siya..hindi na ako sumasabay sa pag kain nila bruhilda..

pinaglagyan ko ng pagkain si Jake sa plato niya..katabi ko siya

"How sweeeeeeeeeeeeeeeeeet!" pang aasar ni Jerald

"Tumahimik ka..inggit ka lang" -Jake

"Liz!ako rin pleaseeee!" pa cute na sabi ni Caleb

"tssss"-jake

natapos kaming kumain at nagpaalam sila na magpapractice daw..may gig kasi sila sa Friday..

naiwan kami ni Rom since hindi nga daw siya kasali..

"Ako na jan Liz..panoorin mo nalang sila sa taas" kinuha niya saakin ang mga pinagkainan

"Rom ako nalang..nakakahiya naman sayo..ako na nga tong nakikitira tas magpapaka princessa pa ako" nag matigas talaga ako kaya wala na siyang nagawa..

"Sige na Rom..doon ka na sakanila..ako na bahala dito"

"Di wag na..dito nalang ako..magkkwento ka pa diba"

"Kaw talaga..di mo pa pinalampas yun!oo sige eto na"

so yun kinuwento ko nga saknya ang buong pangyayare..nakakatawa nga siya eh..kung ano anong reaksyon pa at side comments ang ginawa niya..

"eh prinsesa ka naman pala talaga Liz eh" sabi niya

"Huh?bakit naman?"

"eh kasi para kang si Cinderella..di ba may evil stepmom and sisters siya..un nga lang isa lang yung evil stepsister mo"

"baliw!ikaw ah!bading ka nuh?may alam ka pang disney princess dyan!umamin ka nga bading ka nuh??" pang aasar ko saknya

"ba naman!sa gwapo kong ito?!bading ako?Liz naman!"

"yabang!!Joke lang!pero bakit ka nga kasi nanonood ng disney princess?kaw ah!"

"Dati yun"

"Teka!wag mo sabihing!!!!BABAE KA TALAGA??AT NGAYON NAGPAPAKALALAKI KALANG!!!!TOMBOY KA????????"

ano pa nga ba?naku!kaya pala ganito nalang ito ka gwapo!yun pala babae!sayang gwapo mo Rom!tsk tsk tsk

humagalpak naman siya sa tawa..as in tawang tawa siya..naluluha na nga eh!kumag ka!ano ba?pinagllaruan mo ba ako??

"grabe naman to kung maka tawa!wagas!" naiinis kong sabi saknya sabay walk out

"Uy uy!Liz!sorry na!!ikaw naman kasi..di ko lang talaga inakalang iniisip mo pala yun"

"tse!" patuloy parin sa pag wawalkout hanggang makarating sa garden

"Liz wag ka na magalit"

di ko parin siya pinapansin..nakatalikod lang ako sakanya

"Ano kasi...si Maggie..siya yung uhm..nanonood nun dati..paborito niya nga yun eh"

"Maggie?sino yun?girlfriend mo??"

"hindi.uhm..ah..ka--kapatid" tapos yumuko siya bigla

may kapatid pa pala silang babae!Jake talaga!wala man lang talagang balak sabihin sakin!

"may kapatid pa pala kayong babae!nasaan ba siya?gusto ko siya makilala!..ah alam ko na..nandon din siya sa abroad nuh?kasama parents nyo.."

"No Liz..she's uh..already dead" bakas ang lungkot sakanyang mga mata

WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAATTTTT????HOW???WHEN?????

"I'm...i'm so sorry Rom" nahiya tuloy ako bigla..hays ang daldal ko kasi

"It was a year ago..she died in a car accident...kasama niya nun si Jake...Jake blames himself for what happened...sobrang mahal niya si Maggie..they were so close..hindi iyon natanggap ni Jake,,that's why umalis siya dito..at pumuntang province..kaya rin na disband ang FLAME..sinisisi niya ang sarili niya sa nangyare..kaya lumayo siya dito"

wala akong masabi..

nalulungkot ako para sakanila..para kay Jake..

ayoko nang magtanung pa..baka lalo lang silang malungkot..

"Ah..Rom tara nood tayo practice" ngumiti ako sakanya tas ngumiti rin siya..

sabay kaming pumasok at pumunta kila Jake

SIGURO...Where stories live. Discover now