Simula

52 4 0
                                    

Ang sabi nila GOOD GIRLS LOVE BAD BOYS.

Oo agree ako diyan..

yan kasi nangyare sakin eh..

I fell for a bad boy.

pero hindi ko lubos akalain na ito ang magiging dahilan ng mga mangyayari sa buhay ko.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Liz, ready kana ba?" tanong saakin ni Jake

"Oo wait lang. di ko mahanap yung lotion ko..nakita mo ba?"

kanina ko pa hinahanap yung lotion ko para ilagay na sa inimpake kong mga gamit..

YES! nag iimpake ako..

pano ba naman..pinalayas ako ng bruhilda kong stepmother and evil stepsister sa SARILI KONG BAHAY!

alam ko naman na hindi kami nagkakasundo at alam kong kating kati na sila na masolo ang kayamanan ng PAMILYA KO kaya naman talagang naghahanap sila ng paraan para mapatalsik nila ako sa pamamahay ko.

and this time they succeded.

nakunan kasi nila ako ng picture habang nandun kami ni Jake sa tapat ng gate namin at hinalikan niya ako..

Geez!it was just a freakin smack!

pero siyempre kapagka kuha na ng camera lumalawak na ang meaning nito..

papalabasin na may mas higit pang nangyare kahit wala naman talaga.

so ayun nga..

pinakita si bruhilda ang picture na yun sa daddy ko at kung ano anu pang kwento shop ang ginawa nila..galing nuh?parang photoshop lang kung makapag edit..WAGAS!

kesyo ang landi landi ko daw, kesyo ganito ganyan, kesyo may nangyare na daw samin ni Jake at pinapapasok ko daw si Jake sa kwarto ko para gumawa ng milagro!

heto namang magaling kong ama paniwalang paniwala naman kay bruhilda..

galit na galit siya sakin!

I tried to explain pero di niya ako pinapakinggan..

masyado siyang inlove sa bruhilda na iyon na hindi niya na pinapaniwalaan ang sarili niyang dugo't laman.

oo sige tanggap ko naman yun..

tanggap ko na kung mas papaniwalaan niya ang babaeng yun pero ang ITAKWIL ako ng sarili kong ama..hinding hindi ko iyon matatanggap.

bukod sa pagpapalayas saakin sinara niya rin ang savings account ko. pati credit cards at ATM cards ko wala naring silbi.

so heto ako sa bahay ni Eunice na bestfriend ko..

nag iimpake ako dahil sasama na ako kay Jake sa Manila..doon na kasi siya mag-aaral and sakto naman daw at ibabalik niya ang na disband nilang banda..

"Ang tagal naman ng baby ko" narinig kong sambit ni Jake

"Sandali lang naman po!yung lotion ko eh" pagrereklamo ko sakanya

naramdaman kong yumakap siya saakin mula sa likuran.

"Hayaan mo na yun, gusto na kitang ma solo" bulong niya sa tenga ko sabay halik sa batok ko

haaaay ito talagang si Jake! kahit pa napaka pasaway nito ay ubod parin ng sweet.

ay siya nga pala!

siya si Jacob De Vera a.k.a Jake

siya ang boyfriend ko..

first boyfriend ko siya pero ako ewan ko kung pang ilan na niya ako..

bad boy kasi si Jake pero sa tingin ko ay tumino naman siya ng kaunti noong naging kami na.

pero hindi parin maiwasan ang minsan minsan niyang paglalandi sa mga babae na nagiging ugat ng mga awayan namin..oo he's a flirt pero unti unti na naman na siyang nagbabago..kung dati ay halos araw-araw kaming nag aaway..ngayon ay madalan nalang..pero kahit naman nasasaktan niya ako, handa parin akong patawarin siya..eto na SIGURO yung sinasabi nilang LOVE.

.pero hindi naman puro pait ang mararansan mo sa pagmamahal sa isang "bad boy"..

marami naman na siyempre kaming magagandang experiences..

 sa anim na buwan naming pagsasama ay talagang napamahal na siya saakin at SIGURO siya na talaga ang para saakin..wala na akong gustong iba..si Jake na talaga :)

"oo sige na!nanlalandi ka na naman diyan eh" sabay harap ko sakanya at halik sa labi niya.

ngumuso siya saakin at papalit palit ng tingin sa kama pabalik saakin..binigyan niya naman ako ng malokong ngiti at hinawakan ako sa beywang..

"Nako Jacob De Vera!tigil tigilan mo nga ako dyan!alam ko ang iniisip mo!and my answer is still a big NO!"

aba kahit gaano kita kamahal hindi ko naman sayo basta basta isusuko ang pagkababae ko! saka na pag kasal na tayo hihihihihihihihihi :D

sumimangot siya at sinarhan na ang maleta ko at hinila na ito palabas..

"hintayin nalang kita sa kotse" walang buhay niyang sabi

hay naku nagtatampo na naman ang bata :p

SIGURO...Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin