Chapter 1

37 4 0
                                    

"Eunice thankyou so much sa pagpapatuloy mo saakin dito" niyakap ko si Eunice bilang pagpapasalamat sakanya

"Nako anu kba Liz!wala yun!alam mo namang nandito lang naman ako palagi para sayo diba" lalo niya pang hinigpitan ang pagyakap saakin

"Haay mamimiss kita bestfriend" kumawala na ako sa pagyayakapan namin dahil narinig ko na ang pag busina ng kotse ni Jake

"Kelan ang balik mo dito?hay naku kung pwede lang talagang sumama narin ako sayo sa Manila para dun na mag college!" pagrereklamo niya

"Kung pwede nga lang talaga Eunice..pero mas mapapabuti ka naman sa America eh" Oo, sa America na mag-aaral si Eunice..doon narin kasi nakatira ang mommy at daddy niya at ngayon kinukuha na siya

"Oo nga eh ang masama niyan mapapalayo ako sa bestfriend ko!dagdagan mo pa nang uulit na naman ako ng highschool!hmmpf!" pagrereklamo niya muli pero sa pagkakataong ito ay may nakita na akong tumulong luha mula sa mga mata niya..pinunasan niya agad ito para di ko mahalata.

"Eunice mamimiss din kita ng sobra, salamat sa lahat" di ko narin napigilan ang pag iyak ko habang nakayakap ako sakanya.

naramdaman ko naman na nababasa na ang likuran ko..panigurado umiiyak na ito ayaw niya lang ipahalata saakin..

*Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep*

"O siya sige na hinihintay ka na ng mahal na hari sa kanyang mahiwagang karawahe" pinunasan niya ang mga luha niya at pinunasan rin yung akin

"Bye Eunice" i waved at her habang palabas na ako ng pinto at naglalakad na papuntang karawahe ni Jake sabi ni Eunice xD

"Mag-iingat ka Liz! at uhm..yung BATAAN!wag isuko!!"

"Alam ko!BALIW!"

bruha talagang Eunice yon..haha pero alam ko naman na concerned lang siya saakin.

binuksan ko ang kotse at naupo sa frontseat..

kahit kailan talaga walang dugong gentleman ang kumag na to..

pero okay lang love ko naman hehehe :)

saka sanay na rin ako dito eh..

"seatbelt mo" he said coldly at ipinihit na ang susi

nilapit ko ang mukha ko sakanya at hinalikan muli siya sa labi

"Jake, wag kana magtampo oh..alam mo naman na hindi pa pwede diba? hindi pa tayo kasal, mga bata pa tayo pero hindi naman ibig sabihin nun ay hindi na kita mahal..mahal na mahal kita Jake at kung mahal mo talaga ako maghihintay ka"

nagbuntong-hiniga siya at hinarap ako

"so--sorry Liz..uhm..mahal na mahal din kita..i'm sorry okay?i love you" hinalikan niya ako sa labi ng mabilis

haaay Jake sana talaga makaya mong maghintay..mahal na mahal kita.

pinaandar niya na ang kotse at nagbyahe na kami papuntang Manila..malayo sa lugar na ito...malayo sa bruhildang stepmom ko at stepsister ko..sa Manila kung saan magbabagong buhay ako..tatayo mag-isa bilang si Erliza Kaye Tan.

6 hours ang byahe papuntang Manila at buong byahe ay tulog lang ako..

nagising nalang ako sa maiingay na busina ng mga kotse at pagmulat ko ay tumambad saakin ang bright lights of Manila..lels

finally we're here..

"Oh gising ka na pala" ibinaling niya sakin ang tingin niya sandali at ibinalik naman agad ito sa kalsada.

SIGURO...Where stories live. Discover now