Chapter 36: Get Ye Gem

Magsimula sa umpisa
                                    

"I am the Goddess within you. You lost me the day you hid your true self."

Napatakip ako sa aking bibig dahil sa narinig.

So kausap ko ang aking sarili?

"You didn't paid attention to yourself instead you focused on less important things. You forgot about your obligations. Your responsibility as a Goddess. Fear corrupted you."

"And now I'm here to be part of you again. Once the goddess within you wakes up, you won't be worrying about blood drops anymore. Because the true goddess does not hurt her people. For the people is her strenght."

"I am so sorry" hagulhul lang ang sumunod pang tinig ko dahil sa mga nalaman ko ngayon.

Alam kong ginawa ko lang ang tama pero di ko alam na may mas malaki pala itong epekto sa akin. Nakalimutan kong bantayan ang aking sarili. Mas pinagtuunan ko ng pansin ang pagtatago.

"You and me are one. I feel you. That's why I'm here to bring you back. That is if you accept your quest back as a goddess."

Agad akong nagtaas ng tingin at ipinikit ang aking mata bago nagsalita.

"I will"

Eris' POV:

Masaya kami habang kumakain pero pansin kong panay tingin ni Mio sa paligid gayun din ang kambal. Tahimik lang si Lune pero alam kong hindi rin siya comportable. Sanay na ako kapag ganito ang moment naming magbabarkada. Dahil nga hindi ako element holder hindi ako nakakaramdam ng disturbance sa mga naka palibot sa akin. Silang apat lang dahil element holder sila.

Ngayon alam kong malaki ang problema dahil sa mga itsura palang nila ngayon na halos hindi na maipinta.

"Shit!" Malutong na Mura ni Mio na tumayo bigla sabay padyak ng kanyang kanang paa. Agad na nag bago ang kulay ng mata ni Mio galing itim ay naghalong Brown at Black.

Naalerto rin kami kaya agad akong tumayo at dumistansya ng ilang metro mula sa mga element holders. Mahirap na.

Kung matigas na ang sahig ng hall ay tila mas tumigas pa ito ngayon. May iilang mga maliliit na bato ang nahuhulog mula sa kisame ng hall.

Agad din naman akong napayoko dahil sa isang bato na paparating sakin. Ngayon ko lang napansin na medyo mahangin na pala ang loob ng hall kahit na walang bintana at sarado rin ang pinto.

Nakita ko naman ang kambal na lumulutang sa ere. Iba na rin ang kulay ng kanilang mga mata. Matingkad na kulay blue na ang mga ito mula sa natural nitong kulay na black.

Si Lune naman ay prente lang na nakaupo sa mesa at patuloy na kumakain.

Nanatili kami sa ganung posisyon ng ilang minuto nang biglang nagpakawala ng malakas na pwersa ng hangin ang kambal dahilan para magsitalsikan ang mga iilang mesa sa hall. Nagpakawala din si Mio ng malakas na pwersa.

Kasabay ng mga ito ay ang isang pagsabog mula sa labas ng great tree.

Kumalma naman ang mga kaibigan ko at dali-dali kaming nagtungo sa field.

Naabutan namin ang field na puno ng nagpapanic na mga estudyante. Habang malubha naman ang lagay ng Barrier. Nagpapalit palit ang kulay nito ibigsabihin ay malakas ang impact na natamo nito.

Nagkatinginan lang kaming apat na tila binabasa ang isip ng bawat isa. Mga expression palang ng mga ito ay gets ko na agad ang ibig na ipahiwatig nila. Nagsitanguan kami at agad na naghiwa-hiwalay. Nagteleport ako sa may center ng lake na kung saan nakalitaw ang maliit na island. I raised my right hand ang thought about the enchanted key at nag pop out naman ito sa aking kamay. Ililibing ko na sana ito nang biglang isa pang pagsabog ang nangyari.

Naya Academy: Return of the GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon