"Ano 'yun, kung may sasabihin ka sabihin mo na." sabi ko sa kanya and he smiled.

"Pinapapunta kasi tayo ni Aki sa Mental na pinagtratrabahuhan niya mamaya? Ok lang ba sa'yo?" Tanong niya.

I've been into institution or 1 year, kaya hindi ko alam kung bakit nagpapapunta dun si Aki, kahit naman na psych graduate kami eh pwede na kami pumasok dun.. Hindi naman kami dun nagtratrabaho eh.

"Bakit daw? Hindi tayo pwede dun ah!" Sagot ko sa kanya.

"Actually hindi ko rin alam eh.." Nagkamot siya ng batok after.

"Ano pupunta ka ba? Dali na oh, pampalakas ko din 'to kay Aki." Pagbibigyan ko nga 'tong hampaslupa na 'to.

"Oo na, Leche ka!" sabi ko sa kanya and narinig ko ang mahinang "Yes."

Time na rin ng first subject namin and sa tingin ko, hindi pa ako handa kasi medyo mahirap din ang pag pre-premed.. Hindi siya madali!

Hanggang sa natapos na ang klase namin na 'yun, medyo sabog na rin ang utak ko at alam kong pagod at haggardness ang kakauwian ko nito pag-uwi ko at sana wag nang pumunta si Brent.

"Halika na?" Kumain muna at ngayon tapos na..

"Sige, halika na." sabi ko.

Mablis kaming nakarating ng Mental Hospital, hindi gaanong matao, private institution pala 'to.. Hindi katulad sa pinagtrababuhuhan ko before, sobrang dami ng taong dumadalaw akala mo wala ng bukas..Nakakaloka!

"Saan dito sila Aki?" tanong ko sa kanya, pero non sense na rin dahil nakita ko na si Aki na nag-aantay sa labas ng entrance katabi ni Manong Guard.

"In 10 minutes start na ng Duty ko sa graveyard.. Hintay lang tayo dito.." sabi ni Aki sabay ngiti sa'kin.

Bakit parang kinakabahan ako na ewan? Tangina magkaka-mens yata ako HAHAH joke lang, Ganito yung nararamdaman ko nun nung panahong nasa kaguluhan pa ang buhay ko sa piling ni Brent. Nakakaloka rin palang maramdaman 'to ulit.. Ayoko na eh, bakit nagparamdam pa ulit..?

"Aki bakit mo ba kami pinapaunta dito?" Tanong ni Jacob.

"At tsaka bakit wala ka sa quarters niyo?" Dagdag ko pang tanong.

"Isa-isa lang mga fre, kaya ako nandito kasi hinihintay ko kayo and kaya ko kayo pinapunta dito is because.. Ahhhm surprise na nga lang HAHAHA." Pota, mas lalo akong kinakabahan..

"Tara na, duty ko na.." Dagdag pa ni Aki.

Ninenerbyos at may nginig-nginig pa akong nararamdaman, hindi dahil sa multo kung hindi parang may kakaibang nangyayari.. Nakarating kami sa 3rd floor.. Isa-isa akong tumitingin sa kwarto and nakikita ko naman na maayos ang mga ito.. Pumasok si Aki sa isang kwarto at sumunod si Jacob..

Pagpasok ko ay nakita ko ang isang taong nakatungo at parang galit na galit sa mundo.. Yung puso ko bakit ganun ang kabog? Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng saya.. Nanaginip ba ako?

"JM?" I said habang may lumalabas na luha sa mga mata ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Nakita ko ang gulat sa mukha ni Aki..

"Juan Miguel, nakikilala mo siya?" Medyo shock na shock talagang tanong ni Aki.

"Ken Louisse Conde, my fucking ex boyfriend.." Mas lalo akong napaluha nun.. Nabaliw siya ng dalawang taon?

"Nasa katinuan ka na Juan Miguel?" Tanong ni Aki.

Si Jacob naman ay parang gets na ang nangyayari kaya nakaakbay lang siya ni Aki.

"Yes, and I want to thank you Aki, sa pagtitiyaga mo sa'kin.." Sabi ni JM and tumigin siya sa'kin.

"JM, I know galit ka pa rin sa'kin.." sabi ko and lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya.

Baliw na Pag-Ibig  (COMPLETED)Where stories live. Discover now