Tumigil siya sa kaheheadbang at itinaas niya ang paningin niya sa akin. Agad lumapad ang ngisi niya nang makita ako. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Damn Ferell. Ngiting pang umaga ni Nero Sebastian Ferell. Umayos ka namang Shokoy ka, halos magbabad na ako sa yelo kanina.

Gusto ko nang magpapadyak, bakit sobrang gwapo mo naman kasi Nero?



"Good morning Miss Almero, how's your sleep?" kumindat siya sa akin habang masayang naglalakad papalapit sa akin. Gusto ko siyang sipain sa tanong niya.

Inilahad niya ang kamay niya sa akin at na agad ko namang inabot. Dinala niya ako sa aking upuan at pinaghila niya pa ako ng nito. Agad kong naramdaman ang paghalik niya sa ibabaw ng ulo ko habang umuupo ako.



"Okay naman ang tulog ko" sagot ko na lang sa kanya.



"Good then, ayokong pinapagod ka" ngayon naman ay bumulong siya sa akin mula sa likuran. Pinilit kong magpatay malisya nang maramdaman kong kumagat na naman siya sa tenga ko.

God Nero! Not in front of manang! Anong sinabi niya? Ayaw akong pagurin? What the fuck?



"Agang aga namamapak ka na naman apo" malamig na boses ni LG. Ramdam ko ang distansyang ginawa ni Nero nang marinig ang boses ng lolo niya.

Akala ko talaga ay masisira na ang ngisi ng hari ng mga Shokoy pero sobrang tamis pa rin ng ngiti niya sa lolo niya.



"Good morning LG!" kita ko ang bahagyang pag awang ng bibig ni LG sa ngiti ni Nero.

Hindi naman kasi ngumingiti ng ganyan si Nero Ferell, tipid na tipid lang kung ngumiti ang Shokoy na 'yan. At sa ginagawa niya ngayon aakalain siyang nakadrugs.

Kung sa normal na umaga baka nakaupo lang si Nero sa kanyang upuan habang may kunot na noo dahil hindi na naman makahalik sa akin.



Mabilis pinaghila ni Nero si LG ng upuan, kita ko ang taka sa mga mata ni LG habang pinagmamasdan ang apo niyang Shokoy. Napapabuntong hininga na lang ako. Masayang masaya talaga si Nero Ferell. Haist.



"Anong nangyari sa apo ko Matilda?" tanong ni LG kay manang na nagkibit balikat lang.



"Nabaguhan nga ako, tinulungan ako sa kusina. Mukhang masaya ang apo niyo Don Ferell" sagot naman ni Manang.

Opo, masayang masaya po talaga si Nero. Gusto kong sumagot pero nanahimik na lang ako.



"Come on people, wag nyo akong pag usapan. Nasa harapan nyo ako, hindi ba baby?" ngising tanong sa akin ni Nero Ferell. Napapangiwi na talaga ako, tang ina ka Nero umayos ka. Mahahalata tayo. Ang lakas mong makababy.



"Maupo ka na Nero, kumain ka na rin" sabi sa kanya ni LG.

Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon