16

14.6K 360 20
                                    

16

Habang nakikipagkuwentuhan sila sa mga dating kaklase ay hindi mapakali si Marcus. Napansin na iyon ng dalawang kaibigan.

“Hoy! Ano bang problema mo, Pare? Kanina ka pa di mapakali ah.” Puna ni Aron Miguel.

“Ha? Wala.”

“nagseselos lang yan.” Tukso ni Ruel.

“Kanino?”

“Baliw! Wag nga ako ang pagtripan mo ha, Ruel.”

“Kita mo na, Aron Miguel, napipikon na siya ngayon? Anong ibig sabihin niyan? Masyado na siyang affected ng mga nararamdaman niya.

Si Aron Miguel naman ang nambatok kay Ruel. Alam na nito ang tinutukoy ng kaibigan. Kung makaasar talaga ito, harap-harapan.

“May pinag-usapan tayo, Marcus, I hope susunod ka dun. Usapang lalaki at usapang kaibigan yun.” Paalala ni Aron Miguel.

Seryosong sumagot si Marcus. “I will, Aron Miguel. Maghihintay ako ng tamang panahon.”

“And remember, hahayaan mo siyang mag-enjoy. Kailangan niya ring magtapos. Yun lang naman ang hinihingi ko, Marcus. Ngayon kung gugustuhin ka niya, di ako mangingialam.”

Napakamot na lang ng ulo si Ruel. Heto na naman ang dalawa, seryoso na naman ang pinag-uusapan. Nakakadugo ng utak. Ilang beses na ba nilang ginawa yun? Unang beses nga na nag-usap ang dalawa ng yun ang topic ay biglang binugbog ni Aron Miguel si Marcus. Bugbog kasi tanggap ng tanggap lang naman ng suntok si Marcus. Ni hindi ito lumaban, akala nga niya eh di na magkakasundo ang dalawa.

Hay pag-ibig nga naman, nakaka corny.

MarXieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon