2-names

18.1K 396 2
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok ha)

 2

Hindi pinansin ni Marcus si Aya sa school, paano ba naman maghapon na nagtatalak ang Nanay niya dahil sa sumbong nito.

"Hoi Marcus Kilay, paturo ng assignment ko sa Math." Si Marcus naman kasi ang pinakamatalino sa kanila sa Mathematics, madalas, kahit nung nasa elementarya pa lang siya ay ito na ang tagagawa niya ng assignment.

"Marcus?"

Parang wala itong narinig. Sina Ruel at Aron naman ay may pinuntahan saglit. 

"Sorry na Marcus Kilay, ‘wag mo na kasi akong inaasar-asar sa mga period period na yan." Wala pa rin itong imik.

"Oi, ngingiti na yan, sige ka, papangit ka lalo pag ‘di ka ngingiti." Matigas pa rin ito, parang di siya nag eexist.

"Ah ganun ha, ayaw mo akong pansinin ha." Umalis ito saglit. Nagsalubong naman ang mga kilay ng binata, saan na naman pupunta si kutong-lupa?

"Hello girls", sabi pa nito sa mga babaeng nag chichikahan sa may mangga. "Marcus got a problem, I dunno why, but I guess na nuno siya sa punso, ayaw magsalita, anybody here who is willing to hug or kiss him at ng matauhan." 

Anak ng! Ang abnormal talaga ng kapatid ni Aron! 

"Hoi Aya, tigilan mo nga yan." Biglang sabi niya.

Alexie smiled. Akala niya ha, madadala siya sa drama. Samantala, may mga engot din na nagvolunteer para humalik at yumakap rito, akala ng mga ito ay papayag rin siya.

"Akin na nga yang assignment mo" Sigaw ulit nito.

"Sorry girls, mukhang natauhan na si Marcus Kilay. Better luck next time.” Pagbababay niya pa sa mga babae. 

"Marcus! Akala ko na nuno ka na eh." Sabay alis ng mga ito. Si Marcus naman ay walang nagawa kundi tulungan sa kanyang asignatura ang kapatid ng kaibigan. Isa talaga itong brat! Habang tinuturuan niya ito ay saka naman dumating ang dalawang magkaibigan. 

"O, mukhang sweet na naman kayo ah." Asar ni Ruel. "Tapos mamaya niyan World War III na naman." 

"Hayaan mo na nga yang dalawang yan. Pare, nakita mo na ba yung transferee sa Fortitude, wow! She's pretty pare, maputi at sexy." Si Aron.

"And she's taken." Kahit nakikinig kay Marcus ay nagawa pa ring sumingit ni Alexie sa usapan ng kapatid at ni Ruel.

"Anog taken ka jan." 

"Taken na kaya yun, narinig ko kanina, sinagot na raw niya si Harold, yung batcom ng CAT natin"

"’Di pa kasi niya kami nakilala my dear sister."

"Bahala kayo kung ayaw ninyong maniwala, ‘di pa nga kayo nakakapag move on sa pagbasted ng bisita ni aling Nena, dumidiskarte na naman kayo."

"Wag ka na kasing makiaalam Aya, usapang binata ito."

"Usapang binata ka jan Marcus Kilay, ikaw ba may nagkakagusto na ba sayo?" When she asked that she was so confused because she doesn’t want to hear the answer.

"My dear Aya, kung gugustuhin ko lang, ‘di ko na kailangan magpakandahirap para lang sa mga nobya na yan."

"Kapal Pare!"

Totoo namang hindi na talaga nila kailangan na magpa cute pa sa mga.babae dahil madalas na sila ang hinahabol. Tatlo silang magkakaibigan, si Ruel ang pinakababaero sa lahat, wala itong pinapalampas na pagkakataon basta naka palda.

Si Aron Miguel na kapatid ni Alexie na masyado ring friendly sa babae. Si Marcus lang talaga ang hindi ganoon ka babaero sa lahat.

Plus factor pa na basketball varsity players  kahit pa nga hindi naman gaanong katangkaran si Ruel pero magaling ito. Student leaders din sila, masyadong active sa school at sa mga co at extra-curricular activities.

 Parehong negosyante ang magulang ni Ruel Acquino at Aron Miguel, si Marcus Saavedra naman ay simpleng tauhan lamang ang mga magulang niya ng Mama at Papa ni Aron subalit hindi.yun naging hadlang para sa pagkakaibigan nila.

MarXieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon