Hinawakan ko ‘yung kamay ni Kyle at lalo lang bumigat ‘yung pakiramdam ko. Alam kong gusto niya ulit makakita. Masyado pa siyang bata para mawalan ng paningin. Ngumiti ako sa kanya kahit hindi niya ako nakikita.

“Opo. Sige na, magpahinga ka na rin.”

Nagpaalam ako sa kanilang dalawa at umuwi muna ako sa bahay. Pagdating ko, bumagsak agad ako sa kama at nakatulog sa sobrang pagod.

***

Nagising ako dahil sa tunog ng phone ko. Pagdilat ko, sobrang dilim sa kwarto. Mukhang gabi na. Kinuha ko ‘yung phone ko sa tabi ko at nakita kong tumatawag si Francine kaya agad-agad kong sinagot.

“Hello Fran—”

“Lei! Si Andrew...” tapos narinig ko siyang umiyak. No. Don’t tell me...

“A-anong...anong nangyari?”

“Successful ‘yung operation! Pero after 36 to 48 hours pa raw siya magigising.”

Bumagsak ako sa kama pagkarinig ko nun. Para akong nabunutan ng malaking tinik at naiyak na lang ako sa saya. Hindi na ako makapagsalita dahil sa dami ng  emosyon na nararamdaman ko ngayon.

Gustung-gusto kong pumunta ngayon sa ospital pero nanginginig ‘yung buong katawan ko. Sinabi sa akin ni Francine na pauwi na raw sila ni Alleine at bukas na lang ako pumunta. Nandoon naman kasi ‘yung parents ni Andrew para bantayan siya.

Kinabukasan, pumunta agad ako sa ospital. Tumigil muna ako sa room ni Kyle at chinecheck-up ulit siya ng mga doctor. Basta raw kasi may donor na ay sisimulan na ang surgery niya.

After that ay dumiretso ako sa room ni Andrew pero bawal pa raw pumasok kaya nakatingin lang ako mula doon sa salamin. Naiyak ako nung nakita kong stable ‘yung heartbeat niya. Gustung-gusto ko na siyang yakapin.

Sana magising ka na, Andrew.

***

Pagkalipas ng isang araw, nilipat na siya sa private room niya. Sabi ng mga doktor niya, bukas raw ay posibleng magising na siya. Binantayan ko siya ngayong araw at kinuwentuhan ko siya ng kung anu-ano. Lahat ng moments namin nung 4th year high school kami pati nung nagstart kami ng college. Kahit na hindi siya nagrerespond, alam ko at nararamdaman ko na nakikinig siya. Naririnig niya lahat ng sinasabi ko.

Sabay kaming umuwi ni Mama after that pero hindi ako masyadong makatulog. Ilang oras na lang at posibleng magising na si Andrew. Makakasama ko na ulit siya.

Kinabukasan, nagising ako na wala na si Mama. Nag-iwan siya ng note na nauna na siya sa ospital at sumunod na lang daw ako kaya agad akong nagprepare. Excited at kinakabahan ako at the same time. Makikita ko na ulit si Andrew.

Paglabas ko ng bahay ay naglakad ako papunta sa ospital. Nung malapit na ako ay biglang nagring ‘yung phone ko at nakita kong tumatawag si Alleine.

“Lei! Lei! Gising na si Andrew! Gising na siya!”

“T-talaga?!”

“Oo kaya—”

Bigla naman akong nakarinig ng ingay sa bandang gilid ko. Pagtingin ko, may pagewang-gewang na sasakyan ang nasa highway habang...habang may bata doon sa sidewalk. Walang railings ‘yung sidewalk at malapit sa side nung bata ‘yung sasakyan.

Sobrang kinabahan ako nung malapit na ‘yung sasakyan sa kanya.

“Bata!”

“Lei? Lei? Anong nangyayari dyan?”

Tumakbo ako papunta sa kanya at tinulak ko siya palayo doon sa sasakyan. Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid. Pero nakita kong papunta sa akin ang sasakyan...at tumama ang katawan ko doon.

“Diyos ko, ‘yung babae! Tulungan niyo!”

“Pati ‘yung bata! Tumawag kayo ng ambulansya!”

“Lei? Lei?! Ano bang nangyayari sa’yo?! Lei!”

A-andrew...

Bakit...bakit kung kailan malapit na kitang makita...b-b-bakit...

***

Getting Over You (Over, #1)Where stories live. Discover now