2nd Chapter

151K 3.3K 454
                                    

**revised chapter**

***

Uy? Magreply ka nmn. Huhu. I miss u so much.

Friday na ngayon. Almost one week na rin ang nakakaraan nung nakipag-break siya sa akin. At one week na rin siyang hindi nagrereply sa kahit ano pa mang text ko. Alam kong nakukulitan na siya sa akin, pero kasi, gusto ko talaga siyang itext eh. At isa pa, hindi ko pa rin talaga tanggap na wala na kami. Feeling ko nga, panaginip lang lahat ng ‘to.

“Lei!” pagtingin ko, si Francine pala yung tumatawag sa akin.

“Bakit?”

“Nag-aral ka na ba sa Physics?” sus. Akala ko naman kung ano na.

“Oo. Kagabi pa. Bakit ikaw ba?”

“Hindi pa! Huhuhu! Nawawala yung filler ko eh!”

“Hay naku. Burara ka kasi eh. Hanapin mo sa drawer mo, baka andun lang yun.”

“Tss. Oo na!”

Okay, alam kong nag-break kami ni Andrew at brokenhearted ako. Pero kahit ganun, hindi ko pa rin naman pinapabayaan ang pag-aaral ko. Mahal ko rin ang parents ko kaya kailangan kong mag-aral ng mabuti. Medyo mahirap nga lang ngayon kasi nga naiisip ko lagi si Andrew.

Umalis naman agad si Francine at mag-aaral na raw siya. Since nakapag-aral naman na ako kagabi, hindi ko siya sinamahan pabalik ng apartment. Naglakad-lakad na lang ako at saktong may nakita akong sunflower sa daan. Marami kasing tanim na sunflower ang university na ‘to pag patapos na ang school year. Kinuha ko yung sunflower at umarangkada na naman ang kaadikan ng kaluluwa ko.

  

Magkakabalikaan pa kami.

Over na.

Magkakabalikan pa kami.

Over na.

 Isa-isa kong tinatanggal yung petals ng sunflower pero andami palang petals nito! Pero sige, push pa rin.

Magkakabalikan pa kami.

Over na.

Magkakabalika pa kami.

Over na?

Over na? No way! Bakit kulang ng isang petal?! Tsk! Dahil dinadaya ako ng bulaklak na ‘to, sinama ko na lang sa bilang yung tangkay.

Magkakabalikan pa kami.

YEHEY! Magkakabalikan pa kami ni Andrew! Bwahahaha! And the crazy award goes to me! Shit lang. Nababaliw na naman ako. Tinignan ko yung mga nalagas na petals at napabuntung-hininga na lang. Nagkalat pa ako dito sa campus. Tinuloy ko na lang ulit yung paglalakad ko kahit nanghihinayang ako sa sinira kong flower. Pero napahinto rin agad ako nung may nakita ako sa kabilang building. Si Andrew ba yun? Shocks, si Andrew nga! Bigla siyang napatingin sa akin pero iniwas niya rin agad yung mata niya at tumingin sa ibang direksyon. Tatawagin ko sana siya pero bigla siyang tumakbo papunta doon sa isang grupo ng mga lalaki at pumasok na sa building.

Is he avoiding me? Probably. No, definitely. Naramdaman ko na naman na nanunubig yung mga mata ko pero pinigilan ko na lang. Instead, nilabas ko yung phone ko at tinext ulit siya.

  

Nilabas ko yung phone ko at nagtext ulit ako kay Andrew.

Wag mo naman akong iwasan oh? Please?

Tapos binulsa ko na at naglakad-lakad ulit. Umupo ako doon sa bench sa tapat ng building na pinasukan ni Andrew. Bigla ko namang naramdaman na nagvibrate yung phone ko kaya agad-agad kong kinuha.

 

Lei! San ka na? Kakain na ako ha?

Napabuntung-hininga na lang ako. Si Alleine lang pala! Umasa pa man rin akong si Andrew. Paasa ‘tong Alleine na ‘to! Ibubulsa ko na sana ulit yung phone ko pero nagvibrate na naman. Chineck ko kaagad kung sino and this time, si Andrew na talaga.  

 

Tigilan mo na ako.

Pagkabasa ko nun, sumakit na naman yung puso ko. Simpleng text lang niya, sobrang nasasaktan na ako. Paano pa kaya kung personal niya ‘tong sinabi? Hindi ko maimagine kung paano ko itetake yun. Pero nagreply pa rin ako sa kanya.

No way. Hindi kita titigilan. Hindi ako susuko!

Kahit magmukha akong tanga at desperada, okay lang. Basta balikan niya lang ako. Basta mabawi ko siya. Basta maging akin ulit siya. Hinding-hindi ako susuko kasi mahal na mahal ko siya.

Bahala ka sa buhay mo. Wala na akong pakialam kung masaktan ka pero hinding-hindi na kita babalikan. At ito na rin ang huli nating pag-uusap. Papalitan ko na number ko. Kaya tigilan mo na ako. 

After ng text niya na yun, nagreply ako pero hindi na ulit siya nagtext. Fi-nlood ko rin siya ng “I hate you Andrew! Nakakainis ka!” na text. As in sobrang dami pero hindi na talaga siya nagreply. Feeling ko in-off na niya yung phone niya o kaya nagpalit na talaga siya ng simcard.

Dahil mukha na akong tanga dito, naglakad na ako pauwi sa apartment dahil feeling ko ay anytime tutulo na naman yung mga luha ko. Pagdating na pagdating ko, humiga agad ako sa kama ko at nagtalukbong ng kumot.

“Lei, umiiyak ka na naman ba?”

Naramdaman kong umupo si Alleine sa gilid ng kama ko at lalo lang akong naiyak nung sinabi niya yun. Humagulgol na talaga ako at napayakap na lang ako sa kanya.

“Alleine, sobrang sakit na. Mahal na mahal ko siya eh. Pero ayaw niya na talaga sa akin. A-anong gagawin ko?”

“Lei,” tapos naramdaman kong humigpit yung yakap niya sa akin, “You should learn to give up the things that are not meant for you,” pagkasabing-pagkasabi niya nun, lalo lang akong naiyak. So, Andrew is not meant for me? N-no way.

Getting Over You (Over, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon