Chapter 2 Winx Fairies

Magsimula sa umpisa
                                    

Sabi ko tapos ipinakita ko sa kanila.

"Hala! Humanda ka! One of these days, makakatikim ka dun! Di'ba? sabi niya, papatulan ka na sa susunod!"

Worried na turan ni Kiray.

"Malakas naman ang powers ko. Hehe. I can handle any situation with the aid of the WIND!"

I laugh! Natawa na lang din sila. Laughing at ourselves. Bahala na!

Daniel's POV

MONDAY

4th Year Room A. . . 

"Kumusta pare?"

Tanong sa akin ni Neil.

"Not ok!"

Sagot ko..pumasok si Sam at naupo sa tabi ko

"Hindi ka pa maka- get over sa pagkakasuntok sa'yo ni Kath 'no?"

Tinakpan ko yong bibig ni Sam. Ang daldal e, kung sino pa ang makarinig.

Yang boses mo!

"I like that girl huh!"

Si Diego...busy sa paglalaro ng PSP.

"I will kill her!"

Naiinis kong sabi. Siya pa lang ang babaeng gumawa sa'kin ng ganun.

"Cool ka lang dude!"

Tinapik tapik ni Neil ang likuran ko.

Hinihintay pa namin ang teacher namin sa last subject. Ang tagal naman! Naiinip na ako! Inip na inip! Gusto ko nang gantihan si Kath! Sadya yata siyang nagtatago dahil hanggang ngayon ay hindi pa nagtatagpo ang aming landas!

"Pare, anjan na ang mahangin mong girlfriend!"

Sabi ni Sam sabay turo sa babaeng nasa pintuan.

"Hi Erika!"

Hindi nito pinansin si Neil. Worried ang itsura nito. 

"Totoo bang sinaktan ka ni Kath?" 

Ang lakas naman ng boses nito! Lumingon ako sa paligid. Obviously, narinig nila. Bad trip naman! Tumayo ako at hinila siya palabas. Lumingon muna ako sa paligid...kunti lang ang tao. 

"Hey Babe, did she?"

Halata sa boses niya ang pag-aalala pero naiirita talaga ako.

"Oo, kaya break na tayo!"

"Ha? ? ?"

halatang gulat na gulat siya.

"Narinig mo naman ako di ba?"

Tumawa lang siya. Lalo akong nainis. Anong gusto niyang palabasin?

"You must be kidding!"

Sabi niya habang tatawa tawa.

"I'm not! Kapag sinabi kong break na tayo! Break na tayo! Naiintindihan mo?"

Natahimik ito at nagsimula nang umiyak. 

"How dare you?!!!"

Sigaw niya. Tss. Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad na pabalik sa room.

"DAMN YOU!!!"

Pahabol pa niya.

"SHUT.UP"

Iniwan ko na lang siya ng tuluyan. Baka kapag hindi ako nakapagpigil, siya ang mapagbuntunan ko ng galit ko.

Kathryn's POV 

"Kathryn! come here!"

Tawag sa akin ni Ma'am Juvy. Nakarating na ba dito ang ginawa ko? Wag naman sana.

"Ano po yon ma'am?"

Tanong ko tapos lumapit na sa kaniya.

"Dalhin mo ito kay Mrs. Vister, sa office niya."

Sabi niya sabay abot ng isang folder. Napalunok ako. Lalabas ako? Alone? Gosh! Lagot na kapag nakita ako nina Daniel.

"A. a..ko po?"

"Depende kung hindi ikaw si Kathryn."

She smiled. panu pa ako tatanggi sa favorite teacher ko?

"Ayaw mo?"

Tanong ulit niya.

"Hindi ma'am, I mean, akin na ma'am. And I'll go."

Kinuha ko na ang folder at lumabas. Bakit pa kasi ang layo ng office ni Mrs. Vister!?

Tinalasan ko ang aking pakiramdam. Baka kasi ma-meet ko ang grupong Winx. Inutusan pa kasi ni ma'am ang tatlo. Yan tuloy, wala akong kasama. Bibilisan ko ang paglalakad hanggang nasa harap na ako ng office ni Mrs. Vister. Nakahinga ako. Pagkatapos kong maibigay ang folder ay agad din akong nagpaalam

Pinagpawisan ulit ako, babalik pa kasi ako! Torture! Binilisan ko ulit ang paglalakad.

 Daniel's POV

"Wala yatang balak siputin ni Ma'am ang klase ngayon, labas pa tayo!"

Yaya sa'min ni Neil.

Lumabas nga kami. Kinukwento ko ang break-up namin ni Erika na hindi kinayanan ang nangyari kaya hayun, umuwi!

"Nakikita nyo ba ang nakikita ko?"

Putol ni Diego sa mga sinasabi ko. Sinundan ko ang kanyang mata at nakita ko ang pinakahihintay ko!

The Magic Kiss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon