Chapter 9 : Akira Yuske Santiago Lee

Start from the beginning
                                    

"Nguyain mo yan. Pag hindi mo yan nginuya lagot ka sa akin"

Nakita ko naman na nginuya nya. Good boy. Kain lang ako ng kain ng napansin kung ubos na ni Akira ung kanya.

"Gusto mo pa ?"

Tumango lang siya. Kita muna nasarapan siya. Kahit ako din nung una ayoko pero nung natikman kuna hindi kuna tinigilan.

"Nanay sampung kwek kwek pa po !"

"Sige iha saglit lang"

*after 30 mins.*

*buuuuuuurp !

Napalingon ako sa kanya ng walang sa oras.

"Ops ! Sorry !" ^.^V

Tsss ! Alam nyo bang naka bente siyang kwek kwek. Ibang klase ang tyan ng mga lalaki. Samantang sampu lang ung nakaya kung ubusin.

Tumayo na kami at iniwan nalang namin sa mesa ung bayad namin.

"Nanay alis na po kami !"

Sigaw ko habang paalis na kami.

"Babalik po ulet ako dito nanay ! Promise !"

Sigaw naman ni Akira. Aba nasarapan ang loko.

Naglalakad lang kami ng sabay ng bigla niya akong hinila. Hinayaan ko nalang siya.

Nagulat nalang ako ng asa tabi na kami ng dagat. Kala ko ba ngaun lang siya nakalabas ?

"Naamoy ko kasi ung dagat kaya kita dinala dito"

Huh ? Mind reader ba itong nerd na ito ?

"Hindi ako mind reader. Alam ko kasing nagtataka ka"

Nilingon niya ako at ngumiti siya. Tsss ! Ang gaan ng pakiramdam ko sa lalaking ito. Haaaaaay !

"Alam mo ba Akira Yuske Santiago Lim ang tunay kung pangalan"

Huh ? Lee ? Hindi ba ung isa sa mga sikat na kompanya sa asya ?

"Nagtataka ka siguro no ? Ung parents ko kasi sinisisi ako sa pagkamatay ng ate ko. Nung bata palang kasi ako kasama ko ung ate ko na naglalaro sa park malapit sa village namin. Tapos gumalong bigla ung bolang nilalaro ko kaya ayun sinundan ko sa gitna ng kalsada. Tapos bigla nalang may sasakyan na paparating. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko nun. Then the thing I knew is asa may tabi na ako ng kalsada habang ung ate ko asa gitna. Puro dugo. Hindi ako makakilos nun. Anong aasahan mo sa isang 5 years old na bata. Nakita kung may bumama sa sasakyan na nakabangga sa ate ko. Binuhat niya ito papunta sa sasakyan niya. Tapos ayun nawalan na ako ng malay"

Napatingin ako bigla sa kanya. May nakita akong parang krystal na kumikislap sa gilid ng mata niya. Isang luha. Un agad ang naisip ko LUHA. Hinayaan ko nalang siyang mag kwento dahil alam kung matagal na niyang kinikimkim un.

"Paggising ko asa hospital na ako. Tapos nakita ko ung nurse. Tinanong ko kung asan ung ate ko. Sabi niya asa ICU daw siya. Sabi ko ihatid na niya ako papunta dun. Pagkahatid niya sa akin nakita ko ung mama at papa ko umiiyak. Tumakbo ako papunta sa kanila ng biglang tumayo ung mama ko, akala ko yayakapin niya ako hahalikan at sasabihing "Buti nalang ligtas ka anak" pero akala kulang pala un. Alam ko ba ang ginawa niya ? Sinampal niya ako. Bata pa ako nun pero may isip na ako. Alam kuna ang nangyari. Sinampal niya ako ng sinampal. Si papa ? Ayun nakaupo parin hindi niya pinigilan si mama. Sasampalin na naman sana niya ako ng biglang dumating sila lola. Parents ng papa ko. Sinampal nila ung mama ko habang ako yakap yakap lang ni lolo. Nakita kung tumayo si papa at inawat niya si lola. Nagsagutan sila dun, sabi ni mama sana ako nalang daw ung nasagasahan, sana ako nalang ung nag aagaw buhay, sana ako nalang daw. Ang sakit, na sa halip na matuwa sila na ligtas ako eh may gugustuhin pa nila ako ung asa kalagayan ni ate. Ang sakit sinampal ulet ni lola si mama. Pagkatapos nun binuhat na ako ni lolo at inuwi sa bahay nila. Hindi ko nadalaw si ate, dahil sa tuwing pumupunta ako dun sinasaktan ako ni mama, nung tumagal pati papa sinasaktan na din ako"

Tumigil siya saglit at pinunasan niya ung krystal sa mata niya. Mas malala pa pala ang inabot niya sa akin. Bakit ? Bakit ganun ganun ang mga magulang ngaun ? Napaka walang kwenta nila.

"Tuwing andun ako kasama ko palagi sila lola at lolo para protektahan ako. Minsan nga iniisip ko kung anak ba talaga nila ako oh ampun lang eh. Hanggang sa nalaman kung patay na si ate. Patay na siya na hindi ko manlang siya nadadalaw, nakaka usap, nakakamusta. Hindi man lang ako nakapag pasalamat sa kanya. Hindi ko man lang nasabi na ang swerte ko at naging ate ko siya, ang dami kung gustong sabihin ang dami. Bata pa ng ako nun pero may muwang na ako sa mundo. Alam kuna ang mga nangyayari dahil tinuturuan ako ni ate. Si ate *sniff* Hanggang sa burol niya kinailangan ko pang hintayin na umalis sila mama para makapunta ako sa kanya *sniff* Ang dami kung sinabi kay ate nun. Iyak lang ako ng iyak *sniff* Tapos umulan bigla, tapos nahimatay ako. Nagising ako na asa kwarto na ako sa bahat nila lola *punas luha* Sila lola sila na ang nagpalaki sa akin. Hindi ako kinuha nila mama, hindi nga nila ako kinamusta or dinalaw man lang eh. Hanggang sa mag sampung taon na ako. Dun ko nalaman na nagka anak ulet sila mama. Babae siya at ipinangalan nila iyong bata kay ate. At alam mo ba umalis sila. Iniwan na talaga nila ako, pumunta sila sa U.S para magbagong buhay. Na hindi ako kasama *sniff* Ang sakit sakit lang alam mo ba un ? Anak din naman nila ako diba ? *sniff* Sa kanila din naman ako nanggaling diba ? *sniff* Ba-bakit sila ganun ? Hanggang sa nag HS ako. Dun naman nawala sila lolo at lola. Namatay sila ng sabay ng papunta kami ng ilocos, dun sana nila ako balak pag aralin. Tumatanda na din kasi sila kailangan nila ng preskong hanggin. Kaso *sniff* nabangga ung sinasakyan namin *sniff* Ako lang nakaligtas. Ako lang *sniff* Bakit hindi pa ako kinuha ni lord ? Bakit ? *sniff* Mula noon sa akin na napunta lahat ng ariarian nila lolo at lola un kasi ung asa last will and testament nila *sniff* Mula pagkabata sila na ung anjan para sa akin *sniff* Kaya mula pagkabata si ate lang naging kaibigan ko *sniff* U-ung bahay nila lola ? Dinadalaw ko nalang un every weekends at pinapalinis araw araw. Mula nung first year ako, lumipat na ako sa condo natin, sa unit ko. Ung kompanyang naiwan nila lola ung attorney niya muna ang nag aasikaso. Siya na din ang nagbabayad sa condo ko at school. Teka nga"

Pinunasan niya muna ung luha niya bago nagsalita ulet.

"Dada ako ng dada dito sorry ang. Ngaun lang kasi ako nagkaroon ng kaibigan na mailalabasan ng lahat ng ito"

Ngumiti siya. Ngiting malungkot. Ang hirap ng binagdaanan niya. Buti nakaya niya. Hindi na ako nagsalita. Bigla nalang akong tumayo at pumunta sa likod niya. Niyakap ko nalang siya. Ung sa leeg pero ung tipong hindi nakakasakal.

"Shhhh ! Ok lang yan iiyak mulang yan Aki. Andito lang ako"

Sinabi ko sa kanya yan habang yakap yakap ko siya. Then hinawakan niya bigla ung braso kung asa leeg niya at humagulgul siya. Tama yan Aki iiyak mulang. Andito lang ako hindi kita iiwan. Hindi muna mararanasan ulet ung mag isa. Pangako.

"Riri salamat. Salamat talaga. Alam kung ngaun lang tayo naging maging magkaibigan pero salamat. Riri salamat"

"Riri ?"

"Oo ikaw si Riri. Tinawag mo kasi akong Aki kaya naisip kung tawagin kang Riri. Ok lang naman kung-"

"Shhh ! Ok lang Aki. Pwd mo akung tawaging Riri at ikaw naman si Aki. Hindi kita iiwan Aki. Pangako"

Not So Ordinary GirlWhere stories live. Discover now