Kabanata 12

Mulai dari awal
                                    

"It wasn't Kyo."

Agad na kumunot ang noo nito habang palipat-lipat ang tingin doon at sa aking mukha. Pagkakuan ay tumayo siya ng tuwid at saka humalukipkip.

"Alright. Who did? Kira?" Tanong nito sabay nguso sa direksyon ng kinatatayuan ng pinsan who immediately shifted his weight pagkarinig sa kanyang pangalan.

"It wasn't me, Yuujin. I swear!"

"It wasn't Kira, either," sagot ko matapos magbuntong ng hininga.

"Then who? Hindi mamamaga ang mga iyan ng ganyan kung walang pumalo diyan!"

Hindi ako umimik. Pinagmasdan ko lang ang pagdaan ng frustration sa kanyang mga mata habang naghahanap ako ng magandang idadahilan nang hindi madadamay ang kanyang mga pinsan.

"Aya naman," may pagsusumamo nitong sabi bago ako tinabihan sa aking kama, "Pwede bang bigyan mo naman ako ng pagkakataong ipaglaban ka sa mga taong nananakit sa iyo? Hindi pwedeng ganitong mananahimik ka lang. Magsumbong ka. Rely on me. Ako na ang bahalang—"

"I was trying to rearrange some things in my room last night when a large frame abruptly fell on my fingers. Hindi ko na lang sinabi kasi kasalanan ko naman. I should have asked for your help pero naisip ko kasing I'm a big girl now. I shouldn't rely on you much and start learning to do things on my own," kaagad kong usal nang hindi siya tinitingnan.

"I should have known better. I'm sorry," dagdag ko bago itinuon ang paningin sa aking mga kamay.

Narinig ko ang malalim na paghugot ng hininga ng aking katabi. Unti-unti ko siyang sinilip and saw his tired figure. Kinuha nito ang aking mga kamay at marahang inilapit sa kanya.

"I know you're a big girl now, Ayana. You're growing up so fast that I wish I could do something to stop it."

Hindi ako nagsalita at pinanatili na lang ang paningin sa mga nakabendang daliri.

"Pero hindi rin naman masama kung hihingi ka ng tulong sa akin. I'm your father, Ayana. I will do everything in my power to give what's best for you. Alam mo naman iyon, hindi ba?"

Dahan-dahan akong tumango bilang pagsagot dito.

"Next time when you need help, call me okay? I'll be there as soon as I can."

"Okay," mabilis kong sagot dito.

"So you're starting to rearrange stuffs in your room? May ililipat ka pa—"

Hindi niya natapos ang sasabihin dahil biglang tumunog ang kanyang telepono. Saglit niyang tinignan ang ID ng tumatawag bago marahas na nagbuntong hininga.

"It's from the office. I should take this," anito bago tumayo at mabilis na lumabas ng silid leaving me and his smiling cousin alone in the room.

"A large frame fell over, huh?" Bigla nitong usal. Matalim ko lang siyang pinagmasdan.

"You're covering up for Kyo? Why?"

"I—"

"Did you think you'll earn his good side just because you spouted some lies for him?" He suddenly said, cutting me off. This time, his smile was slipping off.

"No, cursed one. These little white lies of yours won't be enough to earn our respect. There's nothing you could say or do that will ever change our opinions of you. So save yourself from the effort."

Pinagmasdan ko lang kung papaano napalitan ng isang matalim na ekspresyon ang kanyang mala-anghel na ngiti.

"Wala rin namang magbabago kahit pa malaman ni Yuujin ang mga pinaggagawa namin sa iyo," makabuluhang pahayag nito.

Paper Stars (Self-Published)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang