11 : PRESS CONFERENCE

63 2 0
                                    

Dumating ang araw ng scheduled press conference and advance screening ng first episode ng bagong drama series nina Matt at Justin with the title "Just the way you are".

Si Justin Mendiola - maagang umalis sa bahay nila dahil aabutin ng almost two hours ang biyahe mula doon hanggang sa venue ng presscon.

Si Matt Gonzales - pinuntahan sya ng maaga ng kanyang manager na si Billy kasama ang mga stylist at make up artist para magprepare bago pumunta ng presscon.

Si Kristine Padilla - nasa isang sikat na salon. Kasama nya ang kanyang stylist dala dala ng mga damit, sapatos at accessories na pagpipilian nya at isusuot sa presscon.

Si Andrea Tagle - kasabay ng boyfriend nya producer sa saksakyan papuntang presscon.

9am pa lang ay nag uumpisa nang dumating ang mga invited na press at showbiz reporters sa hall kung san gaganapin ang presscon.

Bago mag alas diyes ng umaga ay nagsidatingan na lahat ng cast at production crew ng drama series.

Saktong 10am ay tinawag na papasok ng MC ang mga lead actors. Binati nang mga ito ang mga dumalo at nagsipag upuan na sila. Maya maya pa ay nag umpisa na ang advance screening ng first episode ng Just The Way You Are. Natapos ito ng isang oras.

Tumayo muli sa unahan ang MC at isa isang tinawag mga apat na lead roles at si direk Kath.

Nag umpisa nang magtanong ang mga reporters. Gada tanong ay sinasagot ng mga artista at ng direktor ng may ngiti sa mga labi.

"Ang tanong ko sa inyo apat ay paano kayo nakarelate sa character nyo or paano nyo nakuha na maportrait ng realistic yung character nyo?" Tanong ng isang reporter.

"Yung pagiging outgoing ni Jane. Ayun siguro dahilan kung bakit nakuha ko agad yung character nya. Parehas kasi kaming outgoing. Mahilig sa adventures." nakangiting sagot ni Andrea.

"Si Celine kasi is not your ordinary girl. Matapang pero may mabuting puso, may mga traits sya na kakaiba kumpara sa ibang girls. Siguro dun ko sya nagegets sa aspect na yun ng character nya. Ganun din kasi ako e in real life." Sabi ni Kristine na hindi nawawala ang ngiti at pagproject.

Hinawakan ni Matt ang microphone at mukhang nag isip muna ng malamin. "Ah. Pano ko pa ipapaliwanag? Si Edward, yung role ko dito, is makulit pero pag kailangang magseryoso nagiging seryoso talaga sya. Ayun. Tsaka medyo relate din ako dun sa may pagkatorpe sya." Napatawa si Matt sa sinabi nya at nagtawanan din ang mga nasa presscon. "Torpe kasi ako e." Nagtawanan ulit ang lahat.

Nang si Justin na ang magsasalita ay tumahimik na ulit at nakinig sa kanya. "Nakakarelate siguro ako sa pagkaconfuse ni Tyrone sa love. Siguro somehow parehas kaming hindi alam ang gagawin pagdating sa love."

"Ah para kay Justin, follow up question to. May experience ka na ba na nainlove ka tapos hindi mo alam gagawin mo? Kaya mo nasagot yun?" Tanong ng isang reporter.

"Yah. Yung pakiramdam na kakaiba yung nararamdaman mo para sa isang tao na sa tingin mo love na pero hindi ka sure kasi hindi kayo ganon magkakilala." Pagkasagot ni Justin ay napatingin sa kanya si Kristine ng medyo masama.

May isa ulit reporter na nagtaas ng kamay. "For Matt. Sabi mo Matt torpe ka din gaya ng role mo. Sa gwapo mong yan wala kang lakas ng loob na magconfess sa babaeng nagugustuhan mo?"

"Oo torpe talaga ako. Diba lagi nyong tinatanong bakit wala kayong nababalitaan na girlfriend ko. Ayun ang dahilan." Patawang sagot ni Matt.

"So meaning at this moment may nagugustuhan ka pero hindi mo maamin sa kanya? Ganun ba?" Pahabol na tanong nung reporter.

"Pwedeng ganun nga. Pero siguro takot lang akong sabihin sa kanya kasi baka kung anung meron kami, mawala pag nagconfess ako." Sagot ni Matt.

Matapos ang tanong sa dalawang aktor ay nagbulungan ang mga reporter nagtataka sila sino kayang piantutungkulan ni Matt at ni Justin.

Matapos ang ilang mga tanong pa at mga picture taking ay natapos na ang presscon.

Pagkalabas ay hinarang pa ng ibang reporter sina Matt at Justin para interviewhen.

"Matt, kilala ba namin yung sinasabi mong gusto mo. Nasa showbiz din ba sya o non-showbiz?" Tanong ng isang reporter habang sinasabay maglakad si Matt na palapit na sa sasakyan nya.

"Secret muna."  Pabirong sabi ni Matt at kumaway na bago sumakay ng sasakyan.

Nabalingan naman ng pansin ng mga reporter ang paparating na si Justin.

"Justin. Justin! Sa sinabi mo kanina patunay ba yun na hindi totoo na si Kristin ang girlfriend mo?" Tanong ng reporter na sinabayan din si Justin.

Hindi ito sinagot ni Justin at bagkus ay dali daling sumakay sa sasakyan at umalis na.

I Love You From The StartWhere stories live. Discover now