07 : SO GLAD TO MEET YOU

85 2 2
                                    

Napaayos sa pagkakaupo sa Mina nang makitang si Justin ang katabi nya.

"Nagising ba kita?" Nakangiti pa din si Justin.

"Ah. Eh. Hindi hindi. Malapit na din naman tayong dumating sa airport e." Nakatingin sa relong sabi ni Mina.

"Nagulat kasi ako nung nakita kong ikaw yung katabi. Nung pagsakay kasi nakatulog ako agad kaya hindi ko napansin na may katabi na pala ako."

"Ah ganun ba. Okay lang hindi mo naman talaga ako nagising." Pagsisinungaling ni Mina dahil ang totoo ay nagising talaga sya dahil naramdaman nyang may nakatingin sa kanya.

"Good to hear. Hehe. On vacation ka nyan?" Sabi ni Justin.

"Ah no. Mag sasite visit ako sa isang project ng company na pinagtatrabahuhan ko." Paliwanag ni Mina.

"Oh I see. So engineer ka din like Matt?"

Tumango si Mina at ngumiti.

"Yah. I remember sabi mo nga pala nung star ball bestfriends kayo ni Matt since college." Napapalakpak pa si Justin ng isang beses dahil sa pagkakaalala nyang yun.

"Oo." Sagot ni Mina.

"So, talaga palang iba ka sa mga babaeng kilala ko. Hindi ka nagsusuot ng high heels. Ang trabaho mo is panglalaki."

"Hindi naman panglalaki ang pagiging engineer ah."

"Yah tama ka. Pero karamihan lalaki. At ikaw lang ang babeng engineer na kilala ko." Paliwanag ni Justin.

"Talaga ako lang?" Tanong ni Mina at tumungo lang si Justin. "Ah by the way, ikaw ba? May shooting?" Usisa ni Mina.

"Wala. Personal matters yung ipinunta ko."

"Ah ganun ba."

Inaannounce na ng pilot na malapit na sila sa Caticlan Airport.

Makailang minuto ay nakalapag na ang eroplano at nagbabaan na ang mga pasahero.

Bago bumaba ay nagsuot na muli ng sumbero si Justin. Nagshades din ito at isunuot ang hood ng suot nyang jacket. Matapos ay sinabayan nyang maglakad si Mina pababa ng eroplano hanggang sa baggage carousel.

"May susundo ba sayo?" Tanong ni Justin matapos makuha ang mga bagahe nila.

"Yes. Nag paarrange ako ng sundo sa hotel na tutuluyan ko. Ikaw ba?"

"May susundo din sakin."

"Good. So paano una na ako." Pagpapaalam ni Mina kay Justin na tumango lamang.

Naglakad na si Mina palabas ng arrival area ng tumakbo papunta sa kanya si Justin. Hinarangan sya nito. Napahinto si Mina at nagulat.

Inilabas ni Justin ang cellphone nya.

"Pwede bang malaman number mo? Baka pwede tayong magkita habang andito tayo. Pag may free time lang." Tanong ni Justin.

Napangiti si Mina. Kinuha nya ang cellphone ni Justin. Itinype nito ang number nya tsaka sinave.

"Just call me." Pagkasabi ay nakangiting ibinalik ni Mina ang cellphone nito. "Pano una na talaga ako ha." Muling naglakad si Mina. Pero hindi pa ito nakakalayo ay tumigil ito ay lumingon kay Justin. Kinawayan nya ang binata at muling naglakad papalayo.

Paglabas ng arrival area ay nakita ni Mina ang isang lalaki na may hawak ng papel na may pangalan nya. Nilapitan nya ito at nalamang ito ang susundo sa kanya.

I Love You From The StartWhere stories live. Discover now