Chapter VII

19 1 0
                                    

Nagsalin ako ng tubig galing sa pitcher para sa baso ko. "Uy. Sabi nga pala ni Roger, dun na lang daw sa kanila tayo gumawa ng report."

"Ahh. Okay ^u^" Mukhang masaya ata siya?

"Oh? Anong sira ba talaga meron sa utak mo? Kanina galit ngayon naman ang saya-saya. Baliw." Panunukso ko sa kanya.

Inirapan nya ako at confident na nagsalita, "Ganyan talaga ang magaganda." Uminom ako ng tubig pero bigla ko itong napabuga na parang nagka-fountain kami dito sa canteen.

Maganda din naman siya ha? tanong ng isang parte sa utak ko.

Oo nga. Aish!

"WHAT THE! Bakit ka... Uggh!" Kumuha sya ng tissue at pinahiran ang mukha nya at ilang parte sa braso nya na nabasa.

"Arte mo naman. Ako na nga." Pinahiran ko na ang mga nabasang parte nya gamit ang puti kong panyo.

Pinupunasan ko lang siya nang magtama ang mga mata namin. Andito na naman 'tong puso na 'to. Kumakabog na naman, tangna.

Yung mga mata nya, parang...may hinahanap yung mata nya. Di ko rin naman alam kung ano.

Umiwas na ako ng tingin. Baka ano pang magawa ko. Yung mga mata nya, parang nagpapawala ng wisyo. Sht!

Tinigil ko na ang pagpupunas at inantay na lang syang matapos kumain. Nauna rin kasi ako matapos. "Ella."

Napaangat naman ang mga mata nya at tinignan ako, "Bakit?" bago siya sumubo ng kanin.

"Yung...tungkol sa plano sana natin? Pwede bang..." Shete. Ang hirap magsalita!

"Ah yung...Moving on thingy?" tumango na lang ang naging tugon ko. "Wag kang mag-alala, tutulungan kita. Kahit mahirap, tutulungan kita." Nakita ko pang nangiti siya at tinapos na ang pagkain nya.

Anim na buwan na rin akong nalulungkot at nagmamahal kay Thania, pero ni isang tawag o sulat, wala akong natatanggap. Siguro, ako na lang mag-isa ang kumakapit pa.

Siguro nga nakalimutan nya na ako. Madami rin namang mas matatangkad at mas mayayaman dun kesa sakin. Pero gwapo pa rin ako. He-he.

Siguro nga, tuluyan nya na akong kinalimutan. Kung kami, edi kami. Bahala na ang tadhana! Kahit nakakabakla at nakakaisip-bata mang isipin, naniniwala ako sa tadhana.

Sana nga. Sana nga matulungan mo ako Ella. Dahil satingin ko, mapapatagal pa bago ko makalimutan si Thania.

Nang natapos sya kumain, naglakad lang kami nang bigla siyang nagsalita, "You know hat? That Roger. Gwapo sya. Kaso..." Totoo din naman siya. May itsura din naman si Roger-- Oy! Di ako bakla o anu pa mang ibang sekswalidad jan! Mas gwapo pa rin naman ako dun sa ugok na yun.

"Kaso?"

"Kaso turned off ako sa pananalita niya. Alam mo yung kanina? Nabigla talaga ako, ganun pala yung pagpo-pronounce niya. Tsk" nanghihinayang nyang sabi. "Di talaga mawala sa utak ko yung, Whatch da prablim? Hhahahaha.hahaha." Ginaya niya pa ang boses at pananalita ni Roger. Baliw na talaga.

Binatukan ko nga. "Ano gusto mo? yung ini-english ka din? 'To talaga. Mabait din naman yun. Nakakaloko lang pag nainlove." Napapatawa ako 'pag naaalala ko nung Hayskul, niligawan nya dati si Thania, di nya alam kami na pala ni Than. Sinabihan na sya na di pwede, wala pa rin sa kanya. Nung una, gumagawa talaga siya nung mga sulat at iba pang surpresa para sa babae. Masipag eh. Pero sa huli, natanggap na rin niya.

Naglakad at kwentuhan lang kami ni Ella. Pagkarating namin sa may quadra, Nagpaalam na kami, at naghiwalay ng daan. Hindi kasi pareho ang schedule namin.

Habang naglalakad, biglang pumasok sa ulo ko yung mga panahong magkasama pa kami ni Thania. Yung panahon kung paano nagsimula ang kwento namin. Nagsimula nung 2nd year kami.

"Oy Bostin! Para kanino yang bracelet na yan? Ang kyut naman! *u*" Tinuro nya ang bracelet na gawa ko gamit ang bulaklak na santan. Yung kulay pula at dilaw.

"Ah...Para" napakamot pa ako sa batok ko, "Para sayo." umiwas ako ng tingin. Nahihiya ako. Pakshet.

Crush ko pa lang si Thania 'nun. Pero alam nyang crush ko sya. Mabuti nga, walang iwasan na nangyari kung hindi, masasapak ko talaga yung isa kong kaklase na yun. Sabihin ba naman kay Thania. Tsk

"Talaga?" Pagtatanong nya ng nakangiti at iningatang kinuha ito sa palad ko.

Tumango ako at napangiti. Shet. Ang ganda nya talagang ngumiti. "Thank youuu!" sagot nya.

"A-Ako na lang magsuot sayo. S-sayang naman pag nasira." Kinuha ko ito ulit at marahang isinuot sa kanang kamay nya.

Tinignan nya ito at tinaas-baba pa ang kamay nyang may bracelet"Ang ganda talaga. Next time, yung necklace din uh! Hehe"

"Sige. Pag-aaralan ko. Hehe" Sa sagot kong yun, nagsimula ang pagiging magkalapit namin.

"Ouch!" sigaw ng isang babae. Nabangga ko ata nung naglalakad ako.

"Sorry miss. Di ko sadya. Sorry talaga." Pinapatayo ko siya pero... ANG BIGAT NYA! Tangna. Nagpapabigat ata eh.

"Oww. I-It's okay. Can you just bring me to the clinic? Mejo masakit ang left foot ko eh." Nalukot pa ang mukha nya. Masakit talaga siguro.

Pero may klase kasi ako. Pano ba 'to?

Pinatatayo ko siya, "Ano kasi...may- Ayun!" Nakita kong napadaan si Roger. Timing nga naman.

"Roger! Roger!" Tawag ko at napalingon din sya. Tumakbo siya sa direksyon ko at ng babaeng 'to.

Nakita ko naman ang di mapakaling mukha ng babaeng 'to. "Miss, okay ka lang? Masakit ba talaga? Wait ah."

"Uy pre. Pwede bang pakidala 'to sa clinic. May quiz kami ngayon eh." paghihingi ko ng pabor kay Roger.

"Sigi. Wala na rin kaming klasi. Aku na bahala dire." Kinuha nya ang braso nung babae pero tinanggal nito ang braso nyang hawak ni Roger.

"I'm okay na. Thank you Bostin. At... Mr. MMS." Tumingin naman sya sakin at nagpakilala, "I'm Megan, by the way." Nginitian nya pa ako at akma na sana syang aalis pero pinigilan sya ni Roger. Akala ko ba masakit ang paa niya?

"Hinde. Ihahated kita sa clinec. At anu namang Mister im-im-is (MMS) yan ha?"

"Mr. Matigas Mag Salita. Psh. Gwapo sana, T.O. na lang ako.- And ah, good bye Bostin, see you soon." pagpapaalam nya, pero pinigilan na naman siya ni Roger.

"Anu namang Ti-u (T.O.) yan?" pagtatanong na naman ni Roger. Mukhang naiirita na si Megan. Hahaha!

Iniwan ko na lang sila dun. Mukhang crush ata ni Roger yung Megan. Kawawa naman.

Mauubos lang oras ko. Pagtingin ko sa relos ko, 1:49 na. Alas dos pa naman kami magkla-klase.

Naalala ko, ba't pala BOSTIN tawag sakin nung Megan? Eh di naman ako nakapagpakilala ah?

Ganun na ba talaga ako kagwapo at kilala na ako?

Wag conceited.- sagot ng kanang parte ng utak ko.

Feeling mo lang yan.-sagot naman ng kaliwa.

Mga traydor. Psh.

---

Bonjour! :) xx

Je t'attendraiDove le storie prendono vita. Scoprilo ora