Chapter III : Qui êtes-vous?! (Sino Ka?!)

69 3 4
                                    

Tandaan: Dedicated sa kanya, kasi mas maganda ako. XD Jk Ate EC! Wala lang. XD Mabait "daw" ho kasi siya! Djk, mabait talaga yan. Namimigay ng libreng reviews sa mga new stories ;) :** Hhaha! Anyways! Tuwing Week-ends lang po ang chance kong maka-update :33 Surreh! Pero sana magustuhan niyo itech! xoxo, uglytooooot :*

------

3rd P.O.V.

Nabigla si Bostin sa nakita. Eh ikaw ba naman lumingon at walang kamalay-malaya na makakita ng tao sa harap mo! Oh, aber? ano reaksyon mo? Tingin ng naka-pokerface? Pwede ba yun?

"SINO KA?!" pasigaw na tanong ng dalaga. At sa pangalawang beses, nabigla na naman ang binata. Eh siya nga kasi ang nauna sa lugar na yan, tapos yung hindi-kakilalang-baguhan ang magtatanong niyan sa kanya? Aba!

"Alam mo miss, ako ata dapat magtanong niyan. Sino ka?" mahinahong pagtatanong ni Bostin, pero halata naman sa boses niya ang pagkak-irita niya.

"Eh ba't gusto mong malaman? Kaanu-ano ba kita? at ba't andito ka?!" di makapaniwalang tanong na naman nung dalaga kay Bostin. Hindi na ata kinaya ng binata kaya,

"Nakng! Eh ang kulit mo naman pala, p*ta! Ako nauna sayo dito! Kaya kung sino ka man, tandaan mo, ako parin ang nauna sayo dito!" Napamura na lang si Bostin ng wala sa oras. Simula kasi nung naging sila ni Thania, pinigilan niya na ang dating gawi- ang pagmumura. Kaya't nabigla din ang binata sa nasabi niya.

"Aba! At ano namang pake ko kung ikaw ang nauna dito?" pagtatas ng kilay ng dalaga habang nakapameywang. Napa-isip din si Bostin, "Oo nga. Ay basta! Ako nauna dito!"

"Di ka ba maka-intindi Miss? Ako nauna dito, kaya may karapatan akong magtanong kung sino ka, at kung anong ginagawa mo dito!" Iritang tanong ni Bostin.

"Hoy ikaw!" pagtuturo sa kanya ng dalaga, at nagpatuloy, "WA-LA A-KONG PA-KE-ALAM kung sinong nauna dito. je ne m'inquiète pas! Comprendre?" pag-sasalita ng dalaga na ikinabigla na naman ng binata. Makulit din pala talaga 'to! Ano ba kasi yung pinagsasabi ng dalaga?

"Miss, ano namang yang pinagsasabi mo? Alam mo, siguro, alien ka. Pwes, hindi ako alien, kaya wag mo akong kausapin niyang salita mo." pagsasagot ni Bostin.

Bigla namang may nagsalita sa isip ng dalaga, "Ay! Masyado ata akong nasanay mag-french. Loko ka talaga!" sabi sa sarili niya.

"Oh, ano Ms. Alien? Nata-meme ka ata? Ganun na ba ako kagwapo?" Nakangising tanong ni Bostin. At napabalik naman sa ulirat aniya ang dalaga. Tawagin ka ba namang , Ms. Alien? Nata-meme? At ganun siya kagwapo? Pero, gwapo naman talaga si Bostin ah? Hmm.

"Hoy Mister! Alam mo kanina ka pa ah! F.Y.I. My name is Ella! I'm not an alien, so don't call me, Ms. Alien. Comprendre? At aba ah! Ang concieted mo naman, po." pagfi-flip pa ng buhok nito papuntang right side. Nagmamala-mataray si Ella. Pabayaan. Hhaha!

Napangisi naman si Bostin, "Eh sasabihin mo naman pala pangalan mo. Pinahirapan mo pa ako. Ella? Ang pangit naman ng pangalan mo. Masyadong common. Psh." pang-iinsulto ng binata pero sa totoo niyan, nagbibiro lang siya. Titignan niya lang ang pasenysa ni Ella.

"A-aba! Sumusobra ka na ah! Kanina ka pa! Maganda ang pangalan ko! Ella Monique Santiago. Oh diba? Baka pangalan mo ang pangit! Wag mong ikukumpara sa pangalan mo!" pagre-react ni Ella.

"Isip bata pala 'to eh. Tch" Sabi ni Bostin sa sarili.

"Pangit ba ang Bostin? Tsk-" Napahinto ang binata sa pagsasalita ng biglang narinig ang napakalakas na tawa ng dalaga na nasa harap niya. Naguluhan naman ang binata.

"HAHAHA! Pft- B-Botin? A-ang panget! HAHAHAHAHA!" matawa-tawang sabi ng dalaga. Pandinig niya ho kasi, BO-TIN. hindi BOS-TIN. O'diba? Tsk. Pero nagulat ang dalaga ng may tumwa din at yun ay ang kaisa-isang kausap niya kanina pa.

"HAHAHA! Hindi ka lang Alien, bingi ka rin! HAHAHA!" sabi ni Bostin habang nakahawak pa ito sa may tyan niya. "Hi-Hindi Botin! Ang laswa naman nun! HAHAHA! BOS-TIN! Yan ang pangalan ko! AHAHAHA!" Bigla namang tumahimik si Ella, pahiya siya dun ah!

"A-ay! Che!" Pag-iirap ni Ella at bigla na lang umalis.

Napahinto naman ang dalaga nang tawagin siya ni Bostin, "Oyy! Ms. Alien!" pero pinag-patuloy nito ang paglalakad. Ms. Alien daw kasi -___-"

"Psh! Hoy! Ella!" at dun, napahinto ang dalaga at lumingon na naka-poker face. Pero kahit anong gawin niya, bakas parin ang kahihiyang dinanas niya kanina. *Facepalm*

"Wala lang. Hahahaha!" pagsasabi ng binata. "Aba! Nangti-trip lang pala tong kumag na 'to eh!" Inis na pagkausap ng dalaga sa sarili.

Habang naglalakad palayo, napahinto na naman 'to ulit dahil sa sinigaw ng binata. "Nga pala! Bostin! Bostin John Macrohon! Hindi Bo-tin! Hahaha" and with that, naka-alis ang dalaga na may di malamang ngiti sa mukha niya. Victory? I don't know. Pero kung oo, bakit? Tch.

*****

Patapos na ang bakasyon. Well, kung tinatanong niyo kung naka-graduate si Bostin, ang sagot ay oo. Di ko rin nga alam eh, kasi nga diba, madalas na siyang umabsent simula nung umalis si Thania. Siguro matatas naman ang grades niya nung una, kaya nakapasa parin kahit puro 75+ at less than 80  na lang ang mga grado niya sa Card nung grumaduate siya.

Balik tayo sa sitwasyon, patapos na ang bakasyon. Kaya napag-pasyang pumunta ni Bostin sa Wishing well. Ilang minuto din ang lumipas at nakarating din ito, pero di na siya nabigla sa nakita. Si Ella.

Andun si Ella, nakatayo sa harap ng Well. Hindi alam ni Bostin pero napangiti na lang siya nung maalala niya ang nangyari sa kanila kahapon, oyy! yang mga pag-iisip niyo! Baka ano iniisip niyo dun sa sinabi ko ah! Nangyaring pangti-trip ni Bostin! Kayo talaga.

"As usual. Sana bumalik na si Xavier." pag-hihiling ni Ella at hinulog na ang piso dito. Nagulat si Ella nang biglang may nagsalita sa tabi niya. "Sana, umuwi na rin si Thania" paghihiling ni Bostin at sa nakagawian, naghulog rin siya ng piso.

At ang mag kagulat-gulat duon ay ang pagbati ni Ella ng "Hi" kay Bostin. Yeaah, nag-Hi siya, at bumati din si Bostin. Parang wala lang nangyari kahapon. Mga abno talaga sila. Tsk, tsk.And with that, na-usap na ang dalawa na parang matagal ng magka-kilala.

"San ka pala nag-aaral?" pagtatanong ni Ella. Nakaupo sila ngayon sa may open-field na malapit sa well. Yung pinag-dramahan dati ni Bostin? Ah basta! Dun yun! XD

"Actually, magfe-first year college pa lang ako. Pero jan lang ako may malapit na Public Hayskul nag-aral." sagot naman ng binata habang nakatingin sa kawalan at naglalaro ng mga damo.

"Ahh, edi san mo balak mag-college?" - Ella

Na caught off-guard naman dun si Bostin. Di niya alam ang isasagot niya. Kasi nga may isang unversity talaga na gustong pasukan si Bostin...kasana si Thania. Ang Bataan University. Ewan, pero dream school talaga yan ng mag-syota dati.

"A-ah. Sa Bataan University" nakayukong sagot ng binata kay Ella. Nahalata naman ng dalaga ang lungkot sa tono ni Bostin, kaya pinili na lang nitong wag na munang pag-usapan.

Alam niya na rin ang tungkol kay Thania. Ang tungkol sa break-up ng magsyota at iba pang tungkol sa kanilang dalawa.

"Ako din! Sa BU (Bataan University) rin ako mag-eenroll!" Masiglang sabi ni Ella kay Bostin, na binigyan naman ito ng ngiti. Hindi siya napakasayang ngiti, pero sapat na para magkaroon din si Ella.

Je t'attendraiWhere stories live. Discover now