Ang Pang-Apatnapu't Pito

Magsimula sa umpisa
                                    

Pagkatapos kong magkwento ay tumayo na ako para ilagay ang mga pinaggamitan sa sink. 

"Chrissy! Are you going to leave me na?" ngawa ng isang Sean sa loob ng aking cellphone.

"Ano ka ba? Ilalagay ko lang ito sa lababo. Stupid." Nagtungo na ako ulit sa cellphone but chineck ko muna ang oras. Ito ang kalimitang panahon na nagti-text na si Arjuna kung may lakad ba kami. 

Lumagpas na iyon so I shrugged. Lazy day, then. Its Chrissy's me-time day, and finally free of the world's illness.

"And where are you going now? Where are you taking me? Bathroom, please!" Ngumisi nang kay sama si Sean kaya naman halos hampasin ko ang screen. 

I showed him the view of our estate outside so he'll know that this was far from bathroom. Kumaway ako sa aming mga tauhan na bumati sa kain. Tinapat ko sa aking mukha ang screen.

"You should get up, Sean. Its getting late already atsaka maglilinis ako ng kotse," sabi ko habang patungo na sa aking kotse. Pinalabas ko na iyan mula sa garahe dahil dito talaga ako naglilinis. Baka kasi matalsikan iyong ibang nakaparada.

"Oh! Hi, Nanang Thelma! Nanang ayaw akong kausapin ng alaga niyo." Sean waved at my back and there I saw Nanang Thelma. 

Napanguso ako sa kaniya at umiling ngunit kumaway ito kaagad kay Sean. Madaya dahil magkakilala na iyang dalawa! Pati si Papa ay kaniyang barkada na rin! Sipsip!

"Naku, e bakit ayaw mo namang kausapin itong poging binata? Ang pogi-pogi, e!" Tinampal ako ni Nanang Thelma sa balikat atsaka ngumisi sa screen. Umikot ang aking mga mata at tumango. 

Sean was cheering in my phone, his fist pumping up and down in the air like he'd won the lottery. Nanalo siya dahil kinuntsaba niya si Nanang Thelma. Umalis na rin ang matanda pagkatapos akong tanungin kung nag-almusal na ba ako.

"I hate you, do you know that?" biro ko rito habang pinupwesto ang aking phone sa hindi matatalsikan ng tubig. Kumaway ako sa kaniya kung sakaling nakikita niya pa ba ako.

"Yes, I do. Now, start the carwash," he exclaimed like a little boy about to open his presents.

Namura ko ito ng ilang beses habang binabasa ng hose ang aking pulang sasakyan. Sean wasn't a bit quiet the whole time but I was enjoying my time. Kawawa naman itong sasakyan ko dahil kung hindi kay Arjuna ang gamit ay kaniya-kaniya kami. Puros alikabok at putik na.

Being at the front of our house gave me a majestic view of this huge estate. The sun was pouring down his happy sentiments on our oldest pine trees, down to Nanang Thelma's newly planted seeds. Different types of bricks formed as our driveway and it stretched until I could see no more.

Bukod sa aking santuwaryo sa pool, naririto naman ang rebulto ng kasaganaan. This was the second grandest view from our estate, and the first one was from the highest wing. From up there, I could see our great walls.

Naging busy ako sa pagmumulti-tasking kaya naman napatalon nang kalabitin ako ni Tigris kasama nang isa pa naming tauhan. Bago pa man siya makapagsalita ay kumunot ang aking noo sa dalawang kotseng paparating.

"Si Papa ba iyan?" Sumingkit ang aking mga mata sa itim at puting kotse. Alam kong iyong puting SUV ay kay Arjuna.

Surely, I'd know if its Papa's car but this one was foreign...

"Naku hindi po, Ma'am Chrissy. Iyon nga ho ang pinunta ko rito. Bibisita raw ang pinsan niyong si Arjuna," ani Tigris sabay duro sa pumaradang sasakyan.

Arjuna's white SUV was the first one to drop the engine. I was right when he came into view through the driver's seat. Beth and Ramona got off the car next.

The PristineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon