Chapter 55 Till I met YOU

3.1K 118 30
                                    

Vice's POV

Hiniling ko sa kanya na magtagal pa kami sa roof top. Para kasing ayokong matapos ang sandali na  kasama ko sya. Kaya lang mukhang pagod na sya. Kaya umakbay ako sa kanya at humilig sya sa leeg ko. Ang dali nya ngang nakatulog. Siguro pagod na pagod sya. Pinag masdan ko sya. Sobra na siguro ang pag papahirap ko sa kanya. Hinawakan ko ang pisngi nya.

"Alam ko may malaki kang parte sa buhay ko.. kahit diko maalala.. and I'm sorry if I can't remember you.. ito na lang. Masaya ako kapag kasama ka.. diko maiintindihan yung nararamdaman ko kapag katabi kita at higit sa lahat gandang ganda ako sayo alam mo ba.. I'm glad that your here" hinalikan ko sya sa buhok nya.

Never nyang sinabi kung ano sya sa buhay ko. Basta parati lang syang nandyan sa tabi ko. Hindi rin sya nag re reklamo sa lahat ng pag tataboy at pag susungit nya sa akin. Parati syang nandyan para alagaan ako. Napangiti ako dahil doon.

"Sleep well baby"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Karylle's POV

Naka idlip ako sa tabi nya. Simula noong nalaman ko na may sakit sya at nandito sya sa ospital hindi na ako nakatulog ng maayus. Ngayon lang na katabi ko sya. Pag ka dilat ng aking mga mata. Madilim pa rin at madami paring butuin sa langit. I just smile upon seeing that. I look at him.

"Vice.. gusto mo na bang pumasok na sa loob?"

Umiling sya at ngumiti.

"Dito muna tayo"

Pakiramdam ko may iniinda syang sakit. Kasi pilit ang mga ngiti nya.

"May masakit ba sayo?"

"Wala... okay lang ako Karylle"

Tinawag nya akong Karylle ibig sabihin naalala nya ako. Kapag Ms. K ang tawag nya sa akin ibig sabihin nun hindi nya ako naaalala. Tinitigan ko sya.

"Tara na pumasok mukhang may masakit sayo"

"Wala nga" ngumiti lang sya sa akin. "Ang ganda mo pa rin"

"Vice!! Kilala kita."

"Yun naman pala eh.. so Alam mo rin na matigas ang ulo ko"

"Vice naman eh tara na sa loob" bakit ganito kabilis yung tibok ng puso ko? Bakit ako kinakabahan.?

"Ayoko nga" matigas nyang sambit na may kasama pang pag iling. "Dito lang tayo Karylle please... Baby" nag papacute nyang sambit. Natawa pa ako bahagya kasi na miss ko yung ganito, yung nag lalambing lang sya sa akin. I really miss him. The old him. Kung paano nya ako mahalin at lambingin.  I would never find another Jose Marie Borja Viceral again cause his the only one.

"Gusto kung itanong kung bakit mahal na mahal mo ako Karylle? Kahit na pinapalayo na kita? Ang kulit mo.. pinalaya na nga kita bumalik kapa."

"Simple lang kasi Mahal mo rin ako... at hindi ko kailangan ng napakaraming dahilan para lang mahalin ka.. kasi ikaw na ikaw na lang sapat na" sagot ko sa kanya.

Mag kahawak kamay kami. At sya na ngayon ang nakahilig sa balikat ko.

"Ang tigas ng ulo mo.. dika ba nasasaktan sa akin?"

"Nasasaktan.." sagot ko sa kanya.

"Bakit dika pa lumalayo?"

"Kasi nga mahal kita.. okay lang na masaktan" sagot ko sa kanya. "At saka mas matimbang yung pag mamahal ko kesa sa sakit na nararamdaman ko"

"Ayoko na nasasaktan ka ng dahil sa akin diba" seryuso nyang usal.

"At ayoko rin na lumayo sa piling mo . Ikaw yung matigas ang ulo sinabi ng mahal kita.. Sira ulo ka ah"

I'd Still Say YESWhere stories live. Discover now