Chapter 03 The Secretary

4.2K 115 2
                                    

General POV

Pagkapasok ni Karylle sa opisina nya nakita nya si Anne

"Hey.. Girl ngayon ka lang na late sa work.. Ah partida galing pa ako sa opisina ko.. Anyare sayo last night? Hindi ka na bumalik noong kinausap mo si Echo" Naupo si Karylle sa swevil chair nya at tinignan si Anne. Napansin ni Anne na namumula ang mga mata nito at mukhang kakagaling lang sa pag iyak. "What happened?" Lumapit sya sa kaibigan.

"We broke up" usal ni Karylle. Nabigla si Anne sa narinig. "Remember Vice" Napakunot naman ang noo ni Anne sa narinig.

"Don't tell me may relasyon sya kay Echo"

"Wala.. It was just.. Sya yung kasama ko last night..and" tumingin sa gilid ang dalaga.

"What?!!! Paano?!!" Di makapaniwalang tanong ni Anne.

"Binato ko yung cellphone ko sya yung natamaan.. And sya din yung umalalay sakin kagabi dahil lasing na lasing ako.. At wala ka na daw actually wala nga akong matandaan eh.. And alam mo yung drunken hobbit ko diba na mag sleep drunken walk" nanlaki ang mga mata ni Anne.

"Oh my gosh!!!! May nangyari sa inyo!!" Histerikal na sabi ni Anne. Dahan dahang tumango si Karylle. "Wait.. So How does he taste?" Mapagbirong sabi ni Anne. Binato sya ng tissue ni Karylle. "Why?.. Alam mo Bi sexual si Vice.. His hot and sexy.. Model nga sya eh.. Ang ganda at sexy kasi ng katawan nya.. And his yummy diba.." Sabay tingin ng makahulugan sa dalaga. Namula si Karylle ng maalala ang eksena nila kaninang umaga.

"Alam mo Anne it was just a night of mistake.. Lasing lang ako kaya may nangyari sa amin...at isa pa isa syang aroganteng lalaki.. Mayabang sya!! Walang modo!.. Hindi katulad ni Jericho" tinitigan ni Anne ang kaibigan. Nababasa nya na nasasaktan ito ng banggitin nito ang pangalan ng ex boy friend.

"Bakit ba sya nakipag break?"

"Nahihirapan na daw sya.. Sa set up namin, hindi na daw nya kaya" naluluha na naman si Karylle dahil nararamdaman naman nya ang sakit.

"Wow.. Ha eh hindi nga sya nag e effort na makita ka.. Tapos sya pa yung nahihirapan.. Try nya kayang tingnan kung sino sa inyong dalawa ang mas dumadalaw sa isa't isa.. Banatan ko sya.. Tarantado sya ahh"

"Sobra Sobra ba yung pag kukulang ko bilang girlfriend nya? Diko ba sya na satisfied?"
Tuluyan ng naluha si Karylle. Dinamayan naman sya ng kaibigan.

"Karylle wag mo na syang isipin.. Here's the thing kung mahal ka nya talaga hindi ka nya iiwan.. Okay.. Hindi mo sya deserve okay"

"Mahal ko sya eh"Kumuha nitong sambit.

"Tama na..yan Karylle Hindi mo sya deserve" inakap nya ang kaibigan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Naalimpungtan si Vice sa sunod sunod na doorbell sa pinto ng unit nya. Bumangon sya at tiningnan ang monitor na nasa gilid ng pinto ng unit nya. Napairap sya dahil nakikita nya ang dad nya. He enter the code para mag open ang pinto.

Nag lakad sya patungo sa loob na hindi man lang nilingon ang ama.

"Jose Marie!!!" Sigaw ng Tatay nya.

"What Dad?!!" Pasinghal na sagot ni Vice na sinuot ang black nya na sando.

"Kelan mo matutunang tumulong sa kumpanya?!!" Galit na sigaw ng matanda. Umirap lang si Vice. At pasalampak na naupo sa sofa.

"Dad boring sa company" sabi nito na parang bang inip na inip sa topic.

"Kelan ka magiging responsable? Get a life Jose Marie your 31 at puro gimmick lang ang nasa utak mo!! Pasarap sa buhay!!"

"Dad Ayan na naman kayo" Vice said while scrolling to his phone. Napabuntong hininga ang ginoo at parang gusto ng sukuan ang anak.

"Listen to me Jose Marie I freeze all of your accounts"

I'd Still Say YESWhere stories live. Discover now