Chapter 05 Real Heart

3.9K 120 6
                                    

General POV

Karylle was looking at her laptop when Vice enter.

"You have a meeting with Ms. De Castro at 1 pm today sa shangrila hotel" napatingin sya sa binata pagkatapos binalik muli ang atensyon sa laptop.

"Okay" sagot nya sa binata. Hindi naman sanay ang binata na ganoon ang pakikitungo ni Karylle sa kanya, kaya lumapit sya dito at tiningnan ang pinag kaka abalahan nito. Napakunot noo lang sya ng makita ang instagram, facebook at twitter account ni Jericho.

"Bakit mo sya ini stalk?" Masama nyang tinitigan ang dalaga.

"Pwede ba.. I miss him" masungit na sagot ng dalaga. Dahil sa sagot ng dalaga, nainis si Vice.

"Akala ko ba kapag nasa opisina trabaho lang, itinuturo mo sa akin yan noong isang araw.. Tapos ngayon your mending your personal matters at your work.. Paano ako maniniwala sayo na ganoon ka talaga ka professional?"

"He was happy with out me in his life" malungkot na sambit ng dalaga. Malungkot ang mga mata nito maging ang mga ngiti nito.
Nakakaramdam ng awa si Vice sa dalaga. Gag* ka Jericho, You break her heart.

"Hey.. Stop stalking him, paano ka makaka move on kung everyday mo syang ini stalk" hinila nya patayo ang dalaga.

"Vice.." She look at him with disagreement.

"Halika.." Hinatak nya ang dalaga palabas ng opisina.

"Hey where are we going my meeting pa ako ng 1 di ba" sabi ni Karylle na nakatingin sa mga kamay nila mag kahawak.

"Today is your day off" deklara ng binata na hinila papasok ng elevator ang dalaga.

"What?!! I don't do day offs ahh!!" Sigaw ni Karylle.

"Yun na nga ang problema sayo eh!!! Hindi ka nag d day off!!" Sigaw pabalik ni Vice. Buti na lamang ang tanging sila lang ang tao sa elevator. "Makinig ka sa akin ha.. Puro ka kasi trabaho at hindi mo na alam kung paano mag enjoy sa buhay mo!! Tao ka Karylle hindi robot. Di mo ba naisip na kaya iniwan ka ni Jericho ay dahil wala ka na talagang time sa kanya.. Na parang wala syang girlfriend.. Kaya ayan wag kang mag taka kung bakit ka nya iniwan!!" Natahimik naman si Karylle dahil sa sinabi ng binata. Bahagyang na guilty si Vice dahil sa sinabi nya sa dalaga. Kitang kita nya kasi kung paano nasaktan ang dalaga. "Karylle.. Lalaki si Jericho.. And they need some one na makaka fulfill sa lahat ng pangangailangan nya"

"At hindi ako sapat para sa kanya" hinila ni Vice ang dalaga upang maakap ito yung mahigpit na yakap. Yung yakap na parang hindi mang iiwan. At that moment nakaramdam ng security si Karylle kay Vice.

"Today don't think about him" Masuyo nyang bulong sa tenga ng dalaga. "Don't think about the work.. Don't think about the world..Don't think about anything and everything.. Just think about me" napatingala naman si Karylle sa tinuran ng binata at bahagyang napangiti.

"Baliw" napangiti din si Vice.

"Much better" tugon nito. Pagkarating nila sa ground floor hinawakan ni Vice ang kamay ni Karylle sabay tumakbo. Napatakbo din ang dalaga. Nakikita sila ng lahat ng empleyado ni Karylle. Kilala si Karylle na may pag ka istrikta pero mabait. Kaya nagulat ang lahat dahil tumatakbo ito sa lobby nila na parang bata. Pagkarating sa parking lot.

"Hey.. Crazy..!!" Reklamo ni Karylle habang humihingal sa tapat ng itim na mustang.

"Boss hop in!!" Inopen nito ang kotse. Sumakay naman si Karylle. "I already cancelled your appointment to Ms. De Castro. Today is your day off...were going to have some fun" nakangiti sya sa dalaga.

I'd Still Say YESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon