Chapter 02 Alak

4.2K 118 7
                                    

General POV

Bumaba ng sasakyan sina Anne at Karylle. Sabay sila nag lakad papasok ng Valkyrie.

"Matagal mo na bang kakilala ang lalaki na yun?" Tanong ni Karylle sa kaibigan.

"Yeah.. Alam mo K.. Masungit talaga si Vice at may pag ka arogante pero mabait yun, siguro kaaway nya yung jowa nya kaya ganun sya.. Yun nga lang may topak kanina"

"Anne, I'm Ana Karylle Tatlonghari, at alam mo na Ayoko na tinatalikuran ako .. Aba bastos sya ah"

"I know that girl" umorder sila ng cocktail drink. They saw Vice, mag isa lang ito. Napadako ang tingin nito sa gawi nina Karylle, na noon ay nakatingin sa kanya. Umirap lang ang dalaga sa binata. At naglakad naman palayo sa kanila si Vice. Nag patuloy sa pag uusap sina Karylle at Anne habang umiinum ng alak. Medyo madami na ang nainum nila dahil sa kasiyahan ng maramdaman ni Karylle ang pag vi vibrate ng phone nya nag excuse sya Kay Anne at lumayo sa dahil tumatawag si Echo. Lumabas sya panandalian at tinungo ang tahimik na bahagi ng lugar.

"Yes.. Babe hello" tuwang tuwa sabi ni Karylle dahil na mi miss na nya ang boy friend.

"Karylle" sagot ni Echo. Seryuso ang tinig. Bahagyang napakunot ang noo ni Karylle base sa tinig nito. Oo madalas silang mag away, ngunit kapag mga ganitong tawag kadalasan ay nilalambing sya ng boy friend. Ngayon lamang hindi.

"Hey what's the matter?" Narinig nya ang pag buntong hininga ni Echo sa kabilang linya.

"K.. Let's end this" nanlaki ang mga mata ni Karylle sa narinig. "Let's break up" he said. Parang isang patilim na itinarak sa dibdib ni Karylle ang mga salitang yun. "Hindi ko na kaya ang relasyon na meron tayo away bati.. Away bati.. Halos hindi na nga tayo nag kikita dahil sa mga trabaho natin nahihirapan na ako. Ayoko na napapagod na ako"

"Paano naman ako.. Hindi ba ako napapagod? Kahit ako pagod iniisip kita..hindi mo na ba ako mahal?!" Umiiyak na sambit ni Karylle. Dahil narin sa epekto ng alak, mas lumalala ang emosyon ng dalaga.

"Karylle.. Bye.. Till we meet again" he ends the call.

Tiningnan ni Karylle ang cellphone at galit at ibinato kung saan sabay sigaw ng,

"Tarantado ka Jericho!!!" Nasasaktan at nahihirapan nyang sambit.

"Tarantado ka rin bakit mo ako binato" galit na sambit ng natamaan ng cellphone. Pag kakita ni Karylle sa lalaki lumapit sya na galit dito, at pinag hahampas ito. "Aray.. Ano ba?!! Ano bang problema mo kanina kapa ah!!" Galit na Tugon ng binata habang hinawakan ang magkabilang kamay ng dalaga upang pigilan ito. "Nakaka dalawa ka na ha!!"

"Lahat kayong mga lalaki manloloko kayo!! Parati nyo na lang akong iniiwan at sinasaktan pinapaasa sa mga pangako nyong walang kwenta.. Ano ba kami sa inyo laruan?" Ibinuhos nito ang lahat ng emosyon sa pag iyak, napaawa naman ang binata sa dalaga.

"Hindi ako lalaki.. Just to correct you" he just simply said. Tumigil na rin si Karylle na nakasubsub ang mukha sa dibdib ng binata habang umiiyak. Tiningala nito ang binata bago tila ba nahilo at nawalan ng malay. "Ay.. Lintik!!" Binuhat nya ang babae. "Nasaan na ba si Anne?!! Ang bigat nya grabe"

He saw his car, kaya dinala nya muna ang dalaga sa kotse nya at pinaupo sa passenger seat. Pinag masdan nya sandali ang babae. Maganda. Kulot ang buhok. Matangkad. Makurba ang katawan. At sa palagay nya ito yung tipo ng babaeng pina pangarap ng lahat ng lalaki. Hinawakan nya saglit ang mukha nito. Ngayon lang ulit kasi sya nagandahan sa babae. His attracted to both men and woman at may boy friend sya ngayon.

"Hi.. I'm Jose Marie Borja Viceral or call me Vice.. Sorry if I'm being arrogant to you.." Sambit ng binata habang nakatitig parin sa mukha nito. Binuhay nya ang aircon ng kotse at lumabas upang hanapin si Anne. Pag kapasok nya sa loob. Hinanap nya sa buong paligid sa Anne. Ipinagtanong narin nya ito sa mga kaibigan nila and he found out na kakaalis lang nito kasama ang kasintahan na si Erwan.

I'd Still Say YESWhere stories live. Discover now