Chapter 30: A Trip to Hell

2.1K 65 9
                                    

Selene's POV

"Alam mo ba Selene ang galing nung ginawa nung mga Dolphins blah blah blah" hindi naman ako nakikinig kay Casper dahil ngayon ay iniisip ko parin ang sinabi ni Aelius sakin.

Buong akala ko mga Grim Reapers lang ang gustong pumatay samin, pati din pala ang mga tao. Hindi naman kami masama ah? Bakit kailangan kaming saktan ng mga tao at higit sa lahat sino 'yung taong 'yon na gustong pumatay samin?

"Selene?"

Pero sigurado akong may rason ang taong 'yon. Pero ano naman 'yon? Sabi sakin ni Aelius na dapat palagi akong handa hindi pa kasi niya alam kung sino ang taong 'yon, ang tangi lang naming magagawa ngayon ay ang mag-ingat.

"Selene?" natauhan naman ako ng bigla akong tawagin ni Casper.

"H-huh?"

"Is there a problem? Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka sumasagot, nakatulala ka lang diyan. May nangyari ba?" He asked.

"Ah w-wala naman medyo nahihilo lang ako" I lied.

"Ah ganun ba? Ito kumain ka ng candy para mawala kahit papaano ang pagkahilo mo" may inabot naman siya saking candy. "Than"s" I said.

"Wala 'yon. Magpahinga ka na muna, malapit na rin naman tayo sa last destination natin eh"

"Saan nga pala ulit ang last destination natin?" I asked. Nawala kasi yung book guide ko, siguro nahulog 'yon nung tumakbo ako sa may ocean park.

"Sa Tagaytay, matulog ka na muna. Gigisingin nalang kita kapag naandoon na tayo" sabi niya.

Nginitian ko naman siya. "Sige, salamat ulit Casper"

I closed my eyes and fall a sleep.

***

"Selene?"

"Selene *Poke* wake up nandito na tayo. Selene *Poke*" hmm~ sino ba 'yun? Ang sarap-sarap ng tulog ko eh. "Ayaw naman niyang gumising eh"

"Let me handle it" sino ba 'yung mga maiingay?

"Hey, Idiot! Just wake up already!"

Bigla naman akong napamulat ng may sumigaw. "Buti naman at gumising ka na kanina pa kita ginigising eh" tumingin naman ako sa taong gumigising sakin it was Casper and he's with Aelius

"Bakit ba?" tanong ko habang nag-uunat.

"We're here sleepyhead" walang emosyong sabi ni Aelius.

Tumingin naman ako sa labas ng bintana, nandito na nga kami.

Lumabas na ako ng bus at sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin. "Idiot, before anything else take this" may binigay naman sakin si Aelius na isang keychain na half moon.

"Para saan 'to?" taka kong tanong

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Para saan 'to?" taka kong tanong.

"May button 'yan sa likod" tinignan ko naman ang likod nito at may maliit nga itong button. "Kung sakaling kailanganin mo ang tulong ko just push that button" seryoso nitong sabi.

La Luna Academy [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon