Chapter Twenty One

Começar do início
                                    

"Pasok muna tayo ate."

"Sabihin mo sa akin kung saan ako nagkulang at pupunan ko."

"Wala kang pagkukulang ate mas gusto lang siguro niyang makasama ang tunay niyang pamilya keysa sa atin."

"Hindi pa ba tayo sapat para magkaroon siya ng pamilya?"

Tinulak siya ng kapatid niya papunta sa loob ng bahay. "Magpahinga ka muna ate Monica baka magkasakit ka dahil nagpaulan ka."

"Emman tawagan mo si Aycie sabihin mong hindi ako galit sa kanya pauwiin muna siya." Utos niya sa kapatid pero malungkot na tinitigan lang siya nito at tumango.




"MISS Garcia." Bigla nalang siyang pinatawag ng principal dahil may gustong kumausap sa kanya, kanina pa siya wala sa mood, kanina pa siya walang ganang magtrabaho pero kailangan niyang gawin ang trabaho niya. Palagi niyang sinasabi na ang problema sa bahay ay iwanan sa bahay at huwag dalhin sa working place. Pero bakit kahit saan ay hinahabol siya ng problema niya? Pati ba naman sa school? "Kami ang mga magulang ni Aycie." Kumunot ang noo niya at tumalikod. Wala siyang balak makipag-usap sa mga ito. "Miss Garcia alam namin na nasasaktan ka sa nangyari."

Nasasaktan? Pinapatay niyo ako. Iyon ang gusto niyang sabihin.

"Alam namin kung ano ang nararamdaman mo dahil iyan ang nararamdaman namin sa loob ng labing-anim na taon ng mawala sa amin ang anak namin." Mama ni Aycie ang nagsalita.

"Nawala? Baka naman sinadyang iwanan." Sarkastikong sagot niya.

"Maniwala ka man o hindi, nawala sa amin ang anak namin. Hinanap namin siya, silang dalawa ng kuya niya ang nawala, si Chad. Mas nauna lang na mahanap si Chad, nakita namin siya anim na taon na ang nakakaraan at si Aycie naman ngayon. Hindi namin gustong masaktan ka dahil pareho nating mahal ang anak ko."

"Kapatid ko siya legal na kapatid sa totoo lang wala kayong karapatan na angkinin siya dahil sa amin naman talaga siya." Humarap siya sa mag-asawa wala siyang pakialam kung nandoon man ang principal sa silid na iyon. "May hawak kayong ebidensya na nagpapatunay na anak niyo nga si Aycie pero gaano kayo kasiguradong totoo nga ang result?"

"Kahit na walang result hija makikilala namin ang anak namin." Singit ng may edad na lalaki na ama marahil ni Aycie. "Lukso ng dugo, noong una pa lang namin siyang nakita may kakaiba na kaming nararamdaman. Mahirap maipaliwanag pero iyon ang nararamdaman namin."

"Pero hindi iyan sapat na dahilan sa korte hindi ba?" natigilan ang dalawa sa tanong niya. "Hindi ako susuko dahil mas naniniwala akong may karapatan kami ng pamilya ko sa kapatid kong nasa inyo. Kayo ang pinili ni AYcie pero gagawin ko ang lahat para maibalik siya sa amin dahil kami ang pamilya niya. Kung hindi kayo dumating hindi naman magugulo ang mundo namin, hindi ako susuko sa laban." Iyon ang sinabi niya at mabilis na umalis sa harap ng mag-asawa. Magkakamatayan na pero hindi niya ibibigay ng ganoon kadali ang kapatid niya sa mga ito. Lalaban siya hanggang saan man siya mapunta.

Agad siyang bumalik sa faculty room upang payapain ang sarili, she needs to relax her senses. Kinuha niya ang cellphone niya at tiningnan ang listahan ng mga pangalan sa kanyang phonebook, tatawagan sana niya si Hexel kaya lang naalala niya ang mga sinabi niya dito noong isang araw.

Nawala sa isip niya iyon, sa totoo lang ay nakakaramdam siya ng pagsisisi sa sinabi niya. Kahit anong mangyari ay magkadugo silang dalawa and this is the first time na nagkaganoon sila, may lamat sa pagitan nila. Hindi lang talaga niya kayang marinig na sinisiraan nito si Xancho. Minsan lang siyang magmahal at minsan lang siyang magtiwala, ang gusto lang naman niya ay suporta mula sa mga ito at hindi paninira. She loves her friends, kahit na mali na ang mga ito ay iniintindi niya at hindi nalang siya nagsasalita, ilang beses ng hindi niya nagustuhan ang mga ginagawa ni Hexel but still she tried to understand her because she loves her so much and she saw all her pain... her pain... Hexel's pain...

ZBS#9: Blue grasshopper's Lesson Learned (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora