"Ilan taon ba ang mga magulang mo?" tanong naman ni Kris.

"Forty? hindi ko alam." sagot ni Jade.

"Oo nga pala dalaga palang si Tita na pinanganak nila yung Kuya mo." sabi ni Left.

Ilan taon ka na Jade? tanong ko kay Jade.

"Twenty five na yan." si Left ang sumagot.

"Twenty one pa lang ako! grabe ka naman sa twenty five." napangiti ako sa kanila.

"Akala ko twenty six ka na." nakisali din si Kris.

"What the heck? Mukha na ba akong matanda?" tanong ni Jade pero sakin nakatingin. Umiling lang ako. Akala ko nga eighteen lang sya eh.

"Oo wag ka na kumontra. Anyway, ilan taon na si Michael? sixteen? seventeen? ang laki ng agwat ng sunod nilang anak." tanong ni Left.

"Hindi na daw nila ako pwedeng i-baby kaya naisipan nilang magkaanak ulit." sagot naman ni Jade.

"Bakit hindi si Michael yung bina-baby? ang tanda mo na para i-baby 'no." pang asar talaga 'tong si Left.

"Matanda na ba talaga ako?" muling tanong ni Jade.

"Paulit-ulit? Sa tingin mo baby pa din ba ang age of twenty one?" sabi ni Left.

"Oo, dumdede pa nga ko sa bahay eh." napanganga si Left kay Jade habang kami ni Kris napakunot ang noo.

"Are you kidding me?! Dumedede ka pa?!"

"Oo nga, bear brand pa nga eh." napa-face palm si Left sa kaibigan nya.

"Hindi ko alam na may side ka pa pala na mas ikagagago mo, Jade." sabi ni Left at lumabas ng kusina.

"Sa bahay ko lang naman yon ginagawa!" pahabol ni Jade kay Left. Sumigaw lang na 'whatever' si Left. "Ay oo nga pala! Kaliwa!" sigaw ni Jade at hinabol si Left sa taas.

Naiwan na lang kami ni Kris dito sa kusina. Nililigpit na ni Kris ang pinagkainan nila. Nilapitan ko sya at tinulungan na maglinis ng pinagkainan nila dahil gawain ko talaga yon.

"Nissan." napatingin ako kay Kris na tawagin nya ako. "Free ka ba ngayon?"

Napaisip naman ako kung may gagawin ba ako sa bahay. Lagi ko naman nililinis ang bahay ni Left kahit na malinis na ito.

Tinignan ko sya na nagtatanong kung bakit nya naitanong yon.

"Yayayain sana kitang lumabas." sabi ny pero hindi nakatingin sakin tapos kamot kamot nya ang pisngi nya.

Sumilip sya sakin saglit pero iniwas din agad. Napangiti ako sa kacute-an nya. Kinuha ko ang whiteboard ko at sinulat na 'okay'.




Left's POV

"Hays! Ang daming tao ngayon. Maya't maya may dumadating. Dinaig pa ang Mcdo at Jollibee na laging napupuno." sabi ko at binigay kay Gia ang order ng customer.

"Mas marami nga kahapon, nabawasan lang ng isa ngayon." sinamaan ko ng tingin si Gia. Mukha bang nabawasan yung isa na yon? Sana ginawa nya ng dalawa na para naman mukhang kapani-kapaniwala.

"Naks kaliwa nangunguna ka sa top waiters ah. Hindi ka pa nagtrabaho kahapon pero ikaw pa din nasa unang listahan." dating ni Veron habang nakatingin sa bulletin board na kung saan makikita kung sino ang top waiters ng Boys Cafe. Katulad ng sabi ni Veron nangunguna ako, sumunod si Jade tapos si Fin the rest yung limang boys na.

"Kahit babae ako mas gwapo pa ako sa gwapong lalaki dyan." sagot ko.

"Kapal." sabi ni Gia. Inirapan ko lang sya.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon