Ang Pang-Apatnapu't Lima

Start from the beginning
                                    

"Hi, Mang Yulio!" bati ko sa aming driver na sumundo. He saluted back as I sank into the seats.

Nagkanya-kanya na kami pagkatapos. Dahil sa pagod ay nagkawayan na lamang. Nakarating kami kaagad sa bahay at pagod kong inaakyat ang aking mga gamit katulong sina Tigris.

I showered and had a long sleep on my bed. Nang bumaba ako ay malapit nang bumaba ang araw. Nagutom ako kaagad sa naamoy na nilulutong carbonara.

"Narito na po ba si Papa, Nanang?" Nahihipnotismo ako habang sinusundan ang amoy.

"Nagising na pala ang prinsesa!" Hinarap ako ni Nanang Thelma atsaka tumango at tinuro ang itaas.

"Kadarating lang din at halatang pagod. Alam mo naman si Gov, parang ikaw na hindi mapirmis ng bahay. Mag-ama nga kayo!" halakhak ng matanda.

Napailing na lamang ako sa kaniya. Dinungaw ko ang kaniyang niluluto. Sobrang saya ko nang makitang patapos na iyon. Doon na ako kumain atsaka naghanda ng merienda para dalhin sa itaas.

I ascended to the house office, balancing the tray on my hands. Waves of nostalgia hit me and my whole body shook. 

Nagpakita sa aking isip iyong mga panahong waitress ako sa isang luma ngunit sikat na sikat na bistro. Palagi iyong puno lalo na kapag Biyernes, at tuwing gabi naman ay laging may ingkwentro. Naalala ko sina Japeth, Ivan, at Mirna, at kung gaano ba kalapit ang lugar na iyon sa puso ko.

I...I'd like to visit there sometime. 

Maybe, before classes start once again. Just to see how it turned out after all these years. 

Maybe, I can arrange something...

Hasang-hasa na ang aking mga kamay para balansehin ang tray sa isang kamay. Kumatok ako sa pintuan at binuksan iyon kaagad. Sumilip ako at nakita si Papa na nagbabasa ng mga papeles niya.

"Why are you always working? I hate to see you working," sabi ko atsaka maingat na iniluwa ang laman ng tray sa kaniyang desk. 

"Nagbabasa lang ako and you call this working already?" ani Papa habang iniispekto ang carbo at juice. Proud na proud ako sa sarili ko kahit na hindi naman ako ang nagluto.

"Oh, please. You worked even harder that the president. I bet that you will eventually die working when you win the elections."

"Aba, mukhang gusto mo na yata akong mamatay ng maaga," halakhak niya ngunit kumunot ang noo ko. Umiling ako kaagad.

I take it back.

"I have a present for you. You can have it now if you want," I said changing the subject.

Nang tumango ito ay hindi ako nag atubiling tumakbo patungong kwarto. Kinuha ko ang isang maliit na box. 

"What's this?" Papa inspected it like there was a bomb inside. I laughed like a maniac.

"Its a present so you have to open it!" 

I stayed a couple more minutes with my father. He appreciated the fleur de lis cufflinks I got for him. We talked some more and there's where I learned that he'll be out for a business trip. Isang linggo iyon mahigit at kaagad akong nanlumo. Umalis na rin ako pagkatapos niyang pangakuan ng Jimmy Choo. 

Days passed by and I always hope I wouldn't ran out of summer days. Napagod at napagastos ako sa birthday ni Sean kaya naman sa bahay lamang ako naglalagi. Sa aking hammock kung saan umiidlip at nakikipag video call sa aking mga pinsan.

When my energy was spilling and I was so dead bored, tumungo ako kila Kuya Ishmael. His 90's style villa made it more homey.

"Kulang yata kayo?" ngisi sa aming tatlo ng may bahay.

The PristineWhere stories live. Discover now