006 ( GOODBYE )

62 2 3
                                    

Kulay puting pintura mula kisame hanggang pader at sa bandang right side ng kama ay isang bintana at makikita mo ang papa-sikat na araw saktong ala-sais na ng umaga iyon kasabay ng tunog ng mga huni ng ibon ang ingay ng mga tricycle at jeep ng buksan ko ang bintana.Pinagmasdan ang paligid at ang ganda ng langit na nasisinagan ng araw kasabay ng pagsamyo sa sariwang hangin.

Huminga ako ng malalim at muling bumalik ng tingin sa loob ng silid kung saan naka-higa at himbing na natutulog ang isang anghel na aking nakilala ilang buwan na ang lumilipas.Hanggng ngayon nandon pa rin kami sa hospital na iyon at patuloy pa rin ang kanyang paglaban sa sakit na Leukemia kaht alam na namin na malabo ng makaligtas pa siya.Isang katok mula sa pintuan ang aking narinig at agad akong lumapit .Pagkabukas ko ay si Mrs.Fernandez pala ang Mommy ni Nichole  

" Magandang umaga po,Maam. "  bati ko sa kanya pagkapasok niya ngumiti siya sa akin.

" Hijo alam mo,wag mo na akong tawaging Maam nakakahiya naman.. kahit Tita na lang tutal tagal na kitang kilala at ganun din si Nichole diba ikaw ang Boyfriend niya ? sagot naman niya sa akin.

" Pero ... isa po iyon sa pag-galang ko sa.. "  hindi ko natapos ang sasabihin ko ng gumalaw si Nichole.

Agad niyang nilibot ang mata niya sa paligid at agad kaming lumapit ng mommy niya

" Mom... " sambit niya sa boses na ramdam mo yung hirap na meron siya ngayon..

" Anak..Nichole ano na ang pakiramdam mo ? Okay ka lang ba may nararamdaman ka ba? " tanong ng Mommy ni Nichole sa kanya habang naka-upo ito sa tabi niya.Ngumiti lang si Nichole at umiling lang.Napabuntong hininga naman ako dahil sa wakas at wala siyang anu mang nararamdaman nung araw na iyon.

" Nagugutom ka ba anak ko? May dala akong pagkain ngayon.. ito oh. " nilabas ng MoMMY ni Nichole ang mga dala nitong pagkain at prutas sa supot na binili niya sa isang convinience store.Alam kong kailangan din ng mag-ina ang  mag-usap ng sarilinan kaya nagpasya muna akong lumabas pero nung pagka-talikod ko agad tinawag ni Nichole ang pangalan ko. 

 " Jay.san ka pupunta.Di ka ba lalapit sa akin at kakausapin man lang ? Kahit nagyon lang pagbigyan mo naman yung hiling ko na dito ka muna sa tabi ko kahit sandali.. maramdaman ko na hindi ako nag-iisa na lumalaban sa sakit ko kasi alam ko,nandiyan ka kasama ko. " wika niya sa akin di siya nahiyang umiyak para  sakin sa harap ng kanyang ina masakit marinig ang mga salitang iyon na kanyang binitiwan sa akin.Hindi ko alam kung hanggang kailan ko makikita ang kanyang mga ngiti at ang malambing niyang mukha,di ko alam kung kakayanin ko na kung isang araw wala na siya.Pinahid ko ng pa-simple ang luha ko sabay harap na naka-ngiti at lumapit.

" Ano ka ba naman,wag ka ngang umiyak diyan.hahaha.di bagay sayo.loshang ka na. " biro ko s kanya.

Tumayo si Tita Anne Mommy ni Nichole para sandaling makapag-usap kami ng sinsinan ni Nichole.Bumukas at sumara ang pinto hudyat na nakalabas na si Tita Anne.nabalot kami ng katahimikan sa loob ng silid na iyon.Walang nagsalita at tanging tunog ng aircon lamang ang ingay.

" Jay, paano kung isang araw di na ako magising?Anong gagawin mo? " tanong sa akin ng deretsuhan ni Nichole na ikinagulat ko na halos di ako maka-sagot.

" Anong klaseng tanong ba yan Nichole ?ilang beses ko bang sasabihin sayo na di mangyayari na mawawala ka ! " sabi ko na medyo nainis sabay tayo sa upuan na kina-uupuan ko.Tumingin siya sa akin ng may luha sa kanyang mga mata.Hindi ko alam kung paano ko masasabi sa kanya na hindi ko siya kayang mawala sa buhay ko.Hindi ko masabi sa kanya even na sa maikling salita lang.

"  Nich.Alam mo naman kung gaano kita kamahal diba ? Sa lahat ng bagay na meron ako pinag-palit ko para sayo,alam mo yan.At sana naman alam mo kung gaano kasakit sa akin ang mawala ka sa piling ko.. Hindi ako magsasawang manalangin kay God na bigyan ka pa niya ng chance for the 2nd life.Mabait siya.. mabait siya. " Sabi ko sa kanya at tumulo ang luha sa aking mga mata.Pilitin ko mang pigilin ngunit di ko kaya ayaw ko man pakita sa kanya na umiiyak ako pero di ko kayang pigilan lalo na sa kalagayan niya ngayon.Tumingin siya sa akin at ngumiti kahit na alam kong sa ngiti niyang iyon ay punong-puno ng sakit,lungkot at hirap na dinaranas niya ngayon sa buhay niya.Ngumiti siya at sumenyas na lumapit ako sa kanya at agad naman akong lumapit habang nagpapahid ng luha na parang bata sa harapan niya.

Huling ArawWhere stories live. Discover now