003

34 1 0
                                    

Kinabukasan sa aming klase kararating pa lamang ng Teacher ko ng bigla niya akong hinanap kung sino daw si Jay-Ar Bascones agad namn tumingin sa akin ang mga kaklase ko.Ako naman ay nagtaka kung ano ang gagawin ng teacher sa akin.Ngunit laking gulat ko ng biglang sinabi niya na...

Mrs. Roxas : Pwede ka ng umuwe..excuse ka muna sa klase ko.Tumawag ang kaibigan ng lolo mo inatake daw siya sa puso.

At halos huminto ang mundo ko ng marinig ko iyon mula sa kanya. kaya agad akong tumayo at lumabas para puntahan si Lolo sa kanila.

Habang pauwe ako kay Lolo ay sumabay pa ang kasagsagan ng malakas na ulan kaya nahirapan akong sumakay.Ilang oras ang lumipas ay nakarating na ako at gad na pumasok sa loob

" Lolo! lolo... " sigaw ko ngunit ng ako' y nakapasok na sa loob ay nakita ko si Lolo na nakatayo sa harap ng bintana at malayo ang tingin at mukhang may malalim na problema o nangyari na hindi maganda.

" Lolo naman eh.akala ko naman na totoo yung tawag ninyo sa school kaya ito agad akong pinauwe at napa-sugod dito.Ano bang nangyari Lolo? " Tanong ko kay Lolo pero wala akong nakuhang sagot bagkus siya ay tumingin lang siya sa akin.at uminom ng Can Beer.

Lolo Oscar : Natatandaan mo ba dati yung na kwento ko sayo dati,yung first love ko?

Napa-isip ako at inalala lahat iyon.. " Uhm... ahhh! yung babae na nakilala ninyo nung panahon pa ni Kopong-kopong? wahahahaha Opo Lolo tandaan ko na...Bakit po ?

Napayuko si Lolo at huminga ng malalim para humugot ng lakas ng loob

Lolo Oscar : Wala na siya apo.wala na yung babaeng minahal ko ng sobra,yung babaeng nagpabago ng buhay ko..Yung babae na akala ko siya na yung pang-habang buhay ko yun pala hindi...  

At bumuhos ang luha sa mata ng aking Lolo agad naman akong lumapit sa kanya para damayan siya niyakap ko si lolo sa gitna ng kanyang kapighatian.

Matapos iyon ay umupo muna kami at binigyan ko siya ng tubig na maiinom.Kasunod noon ay ang biglang dating ni Nichole sa bahay at dala niya yung bag ko.

Nichole : Nakalimutan mo yung bag mo oh?kaya dinala ko na..Kamusta nga pala si Lolo mo ayos lang ba siya?

" Uhm Oo...Nagkaroon lang ng konting problema...konti.. " wika ko at narinig iyon ni LoLO  kaya lumabas siya at sinilip kung sino ang kausap ko.Tumingin siya sa amin ni Nichole.

Lolo Oscra : Siya ba yung tinutukoy mo apo?Hahaha.. ang ganda naman ng Kasintahan mo.

" Huh?! Lolo hindi ko po siya kasintahan....Lolo naman. "

Tumingin sa akin si Nichole.Lumapit si Lolo sa amin para ayain kaming umupo na dalawa at inabutan niya kami ng Can beer pero sabi ko di kami umiinom pero inabot iyon ni Nichole.

" Waaahh?!!! "  sigaw ko sa sarili ko.Di ko akalain na iinomin iyon ni Nichole at matapos iyon ay nagtanong si Lolo kung gusto namin malaman ang kanyang buhay noon.Ang kanyang First love.

Sumang ayon agad si Nichole kay Lolo samantalang ako ay nag-aalangan pa sa mangyayari.Bahala na.

Lolo Oscar : Ganito yun.. taong 1972.Nagkaroon ng matinding kaguluhan sa bansa natin..Maraming gulo at karahasan.Ngunit kahit ganun pa man hindi iyon naging hadlang at ito pa ang naging daan para makilala ko si Carmen.Isang matapang,simple,matalino,at higit sa lahat ay napaka-ganda.Walang inuurungan na kahit anong laban..Akala ko nung una hindi ako mahuhulog sa kanya,sa madaling salita mai-inlove kay Carmen.Pero kinain ko lahat ng iyon...

Habang patuloy sa kwento si Lolo ay lalo kong nararamdaman ang sakit na pinagdadaanan niya noon at ngayon halos durugin ang puso ko habang nagkwe-kwento siya tungkol kay Carmen.Akala ko noon malakas at matapang si Lolo pero mali pala ako ng akala,ngyon ito si Lolo nasasaktan sa nangyari sa taong mahal niya.

Lolo Oscar : Pero dumating ang panahon kung kailan nagmamahalan na kami...Tsaka siya umalis at lumayo,kinailangan nilang lumayo ng kanyang pamilya dahilan na rin sa banta sa kanila...Masakit sa akin,sa amin na magkalayo kami ni Carmen ginawa ko lahat upang ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya kahit ang magulang niya ay ayaw sa akin..di ako sumuko.Hanggng sa ngayon siya pa rin ang mahal ko.....

Di na natapos ni LOlo ang kanyang kwento ng muling bumigay ang kanina niya pa pinipilit  pigilan ang kanyang mga luha.Humagulhol si Lolo sa pag-iyak at nilapitan namin siya ni Nichole at dinamayan.Kita ko at dama ang tangis ng sakit na nararamdaman ni Lolo na ngayon ay wala na ang taong mahal niya.

Kinabukasan ay nagpasya ang tropa na magkaroon kami ng munting kamping sa isa sa mga lugar dito sa amin.

Mark : Yehey,sa wakas at makakatikim  din ng kamping.. yohoo!!!

Anton : Grabe ka naman Par.para namang di ka naging Boy Scout..Di mo pa naranasan ang kamping?

Miguel : Oo nga naman Mark.Hahahaha 

Nagtawanan kami kay Mark at inaayos namin ang tent na gagamitin namin sa overnight camping namin.Samantala si Nichole ay naka-upo sa isa sa mga malaking bato doon kaya nagtaka ako baka may problema siya kaya agad akong lumapit sa kanya.

Nichole : Ang payapa ng dagat noh,sana naging dagat na lang ako...

Nagtaka naman agad ako sa sinabi niyang iyon. " Anong ibig mong sabihin? " Tanong ko.

Nichole : Wala.hahahaha... ikaw naman masyado kang seryoso di ka mabiro.

Anton : Hoy ! Kayo diyan punta na kayo dito ng makakain na...baka maubusan kayo tandaan niyo kasama natin si Miguel.wahahaha

Ngumiti si Nichole at tumayo para pumunta na doon hinila niya ako patayo at sabay kaming nagpunta doon.Maraming pagkain ang naka hain sa lamesa inihaw na liempo,isda,mga seafoods prutas at kung ano-ano pa.Matapos iyon ay kanya kanya kaming ligo sa dagat at parang bata ulit kami sa nangyari nung araw na iyon.

Mga 5:00 P.M na ng medyo tumigil kami sa pagligo sa dagat dala na rin ng kanina pa kami babad nag-ayos na si Miguel at mark ng pagkain para sa hapunan samantalang nagpahinga muna si Anton sa sandali. " Nichole,ikaw ayaw mo ba munang magpahinga?baka napagod ka sa maghapon mabuting matulog ka muna at gigisingin na lang kita kapag kakain na tayo. " Sabi ko sa kanya pero ngumiti lang siya sa akin.Tumingin siya sa karagatan sa papalubog na araw.

Nichole : Jay alam mo ba na ang buhay ng tao ay parang papalubog na araw ? Lalo na kapag ang taong iyon ay may karamdaman?

" Talaga ? " Sagot ko.

Nichole : Unti-unting nawawala.Gaya ng nangyari ngayong maghapon masaya tayo at habng tumatagal ay nawawala ang kasiyahan na iyon at sa dulo noon ay kapighatian.Gaya ng nagyari kay Lolo Oscar..diba? 

Tumingin lang ako sa kanya at ngumiti at kinurot ang pisngi at agad na tumakbo at hinabol niya rin ako.Napunta kami sa lugar doon na may lumang bahay,dahil ako ay may kakulitan pinasok namin iyon ni Nichole at pinagmasdan ang bawat paligid.At tumagal pa kami doon.

Madilim na ang paligid kaya sinindihan ko ang isang lumang lampara mula doon at si Nichole naman ay nakatingala sa langit at pinagmamasdan ang bituin habng kumakanta at biglang umulan ng hindi namin inaasahan.

Nichole : Kainis naman,kumanta lang ako umulan na? Hayyy ~

" Hahaha.. okay lang iyan...titila rin yan at di ikaw ang dahiln ng pag-ulan noh? " Wika ko sa kanya at tumingin ulit siya sa labas at kumanta.

 Nichole : Tama,makinig ka sa kanta ko ha..tutal umuulan ito ang bagay diyan..

                        ( Thunder - Princess )

To be Continued......

Huling ArawWhere stories live. Discover now