005

35 1 0
                                    

September 21,2010

 ( JAY AR's POV )

Nagpasya akong di muna papasok ng araw na iyon upang dumalaw sa Hospital kung saan si Nichole ay aking dinala.Mula sa amin papunta ng Hospital ay aabutin ng 30 minutes,Kaya agad akong dumeretso sa Desk info. para kung anong room number si Nichole at medyo natagalan sa paghahanap si Ateng Nurse kaya sandali akong naghintay at sa di sinasadyang pagkakataon ay nakita ko ang magulang ni Nichole na pumasok sa isang kwarto kasama ang isang doktor.Nagtaka ako kung ano yun kaya sandali muna akong sumilip doon at dahil di iyon masyadong nakasara ay narinig ko ang usapan ng mga magulang niya at ng doktor. 

 " Misis at Mister Fernandez gusto kong tanggapin ninyo itong sasabihin ko sa inyo.Alam po natin na iilan lamang ang mga tao o pasyente ang nakaka survive sa ganitong uri ng sakit and it's only a miracle na lamang ang tanging makakapag-pagaling sa kanya. " 

at umiyak ng umiyak si Mrs.Fernandez sa sinabi ng doktor.Nasaktan din ako nung makita ko ang matiding hinagpis ng magulang ni Nichole dahil alam kong di ko na kaya ay umalis na ako at pumunta muli sa desk at saktong nakita na ng nurse ang hinahanap ko at ito ay Rm. 128 bandang 3rd floor ng building.Umakyat ako agad sa taas madaling-madali ako sa pag-akyat dala na rin ng sobrang pagka0miss ko kay Nichole at halos mapa-luha ako.Kumatok ako nsa pintuan.

*KNOCK KNOCK *

Tuloy po.... "

 Pagka-bukas ko ng pintuan ay agad kong nakita si Nichole..kasama ang isang batang babae na nasa edad 10.Sinalubong niya ako ng isang napaka-gandang ngiti na sa pagkakataon na iyon ay muli kong nakita..Ang ngiti na akala mo ay walang masamang nangyari. " Jay ! ! " sigaw ni Nichole sa akin.Kulang na lamang ay tumayo siya sa kanyang kinahihigaan upang salubungin ako ngunit agad siyang pinigilan ng kanyang kasama na bata.Dahil doon ay agad  na akong lumapit para sa kanya para yakapin siya.Pero nahiya naman ako dahil nandun yung bata kaya nagkatinginan kami ni Nichole sabay tawa siya bigla.

Hahaha !! Ayt nakalimutan ko pala sabihin sayo na may kapatid ako.. "  Sabi niya sa akin habang hawak ang ulo nung kapati niya.Nagulat ako sa nalaman ko dahil wala naman siyang nasasabi sa akin tungkol sa kanyang kapatid at sandali niyang binulungan ang kanyang kapatid na sandali munang lumabas upang makapag-usap kami ng kami lamang at agad naman lumabas ang kapatid niya." Uhm may kapatid ka pala di mo man lamang nasabi sa akin?Ang daya-daya mo talaga... Haist  " wika ko sa kanya.

 > ___________  <

!! Sorey na ...  ikaw naman atsaka di ka naman nagtatanong about sa akin ha?Kaya di na ako nagkwento pa sayo kasi kung sabihin ko sayo na wala ka namang pakialam.. napahiya pa ako.Hmp. " tugon niya sa tanong ko.At maya-maya pa ay napansin kong naging seryoso na siya yung sa mukha pa lang ay makikita mo na ?At dahil doon ay yumuko na lang ako...

Jay.may iba ka na ba? " tanong niya sa akin ng deretsahan na akin namang kinagulat.                       " Teka.anong pinagsasabi mo diyan na may bago?? Teka .. teka .. Wala naman ah? " sagot ko na halos mataranta ako na hindi ko alam ang gagawin.Ano kayang pumasok sa isip nito at na-isipan niyang itanong sa akin iyon?

 .......  Bakit ngayon mo lang ako na-isipan dalawin?Simula nung isugod ako dito wala ka ng paramdam? " wika niya na may halong lungkot.Napayuko lang ako sa tanong niya na iyon sa akin    " Sorry.. naduwag kasi ako .... naduwag ako sa mga magulang mo,Kasi alam kong ayaw nila sa gaya ko wala akong kayang ipamagmalaki sayo..Alam mo naman ang katayuan namin sa buhay diba? " tugon ko. " Bakit sila ba ako ...  sila ba yung mamahalin mo ... diba ako naman.Ako naman diba ?! " sigaw niya sa akin na ikinagulat ko.At tumulo na ang luha sa kanyang mga mata. Sa unang pagkakataon ay umiyak sa akin ang babae at ito yung ayaw kong  mangyari ewan ko kung bakit pero isa lang masasabi ko.Nasasaktan ako.

Huling ArawWhere stories live. Discover now