004

51 2 1
                                    

Kinabukasan ay maaga akong bumangon kasabay sila Anton,Mark, at Miguel para mag-ayos na ng mga gamit at ng aming agahan at inayos ko na rin ang mga dapat ayusin dahil uuwe na rin kami pagkatapos ng agahn.

Mark : Good Morning madla.Hayyy~

Miguel : Okay Good Morning.. uhm tara na magluto na tayo ng pwede nating almusalin.Para naman maaga tayong maka-uwe.Baka mayari na tayo sa parents ni Nichole.Tsk..tsk...

Anton : Tama ka.Mabuti pa nga.

Agad na kumilos sila Anton,Migul, at Mark para sa aming agahan,ako naman ay inayos ang mga tent nagtaka lang ako pagkasilip ko sa tent ni Nichole ay wala siya doon.Nagtaka ako kaya nagtanong agad ako sa kanilang tatlo. " Mga tol.nakita niyo ba si Nichole?Wala siya dito sa kanyang tent eh ? " tanong ko sa kanila.Pero umiling lang sila sa akin.Kinabahan na ako dahil baka kung ano na ang nagyari sa kanya.Kung anu-ano na rin ang tumatakbo sa isipan ko.Kinain ng mabangis na hayop,kinidnap, o kung ano pa man.. Diyos ko wag naman po sana.Naisipan ko ng umakyat sa isa sa mga burol na naroroon at baka sakaling makita ko siya doon na nagpapa-araw lamang.Nagpaalam ako sa kanila para silipin si Nichole sa taas ng burol at nang paakyat na ako ay may bigalng sumigaw sa amin..

Nichole :  Panget ! 

Sigaw ni Nichole sa akin.Napatingin kami sa kanya habang kumakaway siya sa amin ay biglang natumba si Nichole mula sa kanyang kinatatayuan.....Parang iglap at wala man lang agad akong reaksyon sa nangyari....Nakita ko si Anton at Mark na tumakbo sa itaas para puntahan si Nichole isang malaks na batok at sigaw...mula kay Miguel

Miguel : BASCONES !!! SI NICHOLEEE!!!!

At parang nangaling ako sa isang malalim na tubig na nalunod na ewan at natauhan ako sa kinatatayuan ko at agad kong sinundan sila Anton at Mark at nakita namin si Nichole na nakahan-dusay at may dugo ang ilong..

" Nichole !! Nichole !!!! " sIgaw ko habang tinatakip ko ang kanyang mukha at inaalog ang kanyang balikat..Pero agad akong pinatayo ni Mark at sinabing buhatin siya at dalhin agad namin sa malapit na Hospital.Binuhat ko agad si Nichole para madala sa malapit na Hospital,isinakay namin siya sa napara naming taxi..

Mark : Bro samahan mo si Jay ar sa Hospital.... susunod agad kami ni Miguel okay?

Anton : Oo... s-sige... tara na bilis...!!

Halos hindi ko alam ang gagawin ko habang tinitignan ko si Nichole na nakasandal sa balikat ko.

" Sir paki bilisan ninyo lang po at kailangan po namin siyang madala agad sa Hospital." Wika ko sa driver ng taxi na nakuha namin.Agad naman itong naunawaan ng Driver kaya hindi kami masyadong natagalan at agad kaming nakarating sa Hospital of Del Pilar.Imus Cavite.Agad namin siyang tinakbo sa emergency kung saan agad din kaming inasikaso.Pero di na kami pinayagan pang makapasok sa loob ng kwarto kung saan siya dinala...

" Sir,hanggang dito na lang po.. "

 "Dok,gawin niyo po lahat...please! "

Pumasok na ang doktor at sinarado ang kurtina ng pinto.At doon ko napansin na dumating sila Miguel at Mark kasama ang magulang ni Nichole at agad kaming tumayo ni Anton pero bigla akong hinawakan ng Tatay ni Nichole sa kwelyo ng suot kong damit.

" Oras na may mangyari sa anak ko,humanda ka sa akin gago ka ! Tandaan mo yan ! "

Nauunawaan ko ang nararamdaman ng ama ni Nichole ng mga sandaling iyon kaya hindi ko siya masisisi sa nagawa niya sa akin.. " Sorry po..  " tanging salitang nasabi ko at sabay alis sa loob ng Hospital.Hinabol ako nila Anton,Miguel at Mark pero hindi ko na muna sila pinansin sila sa mga oras na iyon.Ang kailangan ko lamang ay ang mapag-isa habng ang taong minamahal ko ay nasa gitna ng isang kalagayan na hindi ko alam kung ano.Masakit kasi di ko man lang nagawang tulungan agad siya,tanging tunga-nga lamang ang aking nagawa sa oras na iyon.Ang Tanga koo!

                              ---------------------------------------------------------------

Kinabukasan,araw ng lunes September  20,2010.

Isang tahimik na araw para sa akin at punong-puno ng kalungkutan sa paligid ko at guilt feelings na rin.Nasa Hospital pa rin si Nichole ng arw na iyon at mula ng huli kko siyang dinala sa Hospital na iyon ay wala na akong balita mula ngayon.Hanggang matapos ang klase namin ay tahimik lang ako.At maya-maya pa ay biglang sumulpot ang tatlo sa likod ko.

Mark : Pre,kanina ka pa tahimik ha?

Miguel : Tol.pwede mo naman siyang dalawin eh..Na mi-miss ka na ni Nichole.

Anton : Tama..gusto mo samahan ka namin?

" Ano pa ang mukhang maha-harap ko sa kanya?sa pamilya niya? Sa tingin ninyo ganun lang kadali ang sinasabi ninyo sa akin? " tugon ko sa kanila at umalis na ako sa kanila.

Anton : Huwag kang tanga.

Tumigil ako sandali sa sinabi ni Anton sa akin.

Pero agad din akong umalis palayo sa kanila at tinakpan ang dalawang tenga ko ng earphone.

NP : Rainbow -David Archuleta

Huling ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon