After a long drive nakarating narin kami sa Batangas. Hindi ko parin siya iniimikan hanggang sa nakarating kami sa isang mukhang rest house.

''Anong ginagawa natin dito?''

''Come I'll let you meet the caretakers.'' Pinagbuksan ako ng pinto.

''Sandali ano nga ginagawa natin dito kasi.''

Hinuli niya ang palad ko saka kami pumasok sa malaking bahay.

''Aling Norma, Mang Roman'' Narinig kong tawag ni Eric.

May lumabas na may edad ng babae.

''Nakow Ser Eric. Napaaga ka rine??''

''Medyo po'' Sagot ni Eric dito.

''Si Sue po!'' Pakilala ni Eric sa akin.

''Kaganda namang bata e''

''Salamat po!'' Sagot ko kay aling Norma.

''Ililibot ko lang si Sue Aling Norma!''

''Ay mabuti pa nga Ser hinde pa kase ako nakakaluto''

Ngumiti lang si Eric sa matanda saka niya hinuli ulit ang mga palad ko at hinila palabas ng bahay..

''Hoy sagutin mo nga ako,, ano ang ginagawa natin dito?''

''I am showing you this lovely place and take it as my way of courting you too''

Bigla naman akong kinabahan. At di mapigilang magblush.

''You're turning into a tomato again Ladybug.''

''Ano ito bribery? Siguraduhin mong maganda ang lugar!''

''You'll love it Ladybug. Trust me''

Malawak ang bakuran, rather ang lupain kung saan ay naroroon kami. On going pa ang renovation pero pagkatapos naming lumabas sa exit sa likod bahay ay tumambad sa akin ang isang Fish pond. at tanaw ko ang dagat sa di kalayuan.

Bakit may fishpond dito? Tanong ko.

''Mahilig sa isda si Mummy'' Tipid niyang sagot sa akin. May floating hut din ang fishpond halatang bago, ang ganda pa ng pagkakagawa. 4 sections ang fishpond. medyo malaki ito.

Doon  inaalagaan ni Mummy ang mga Japanese koy niya. Tinuro sa akin ang isang  pang parang secret garden na may mga hedge pa na nakaarko sa kabilang dako. pinuntahan namin ito

''Ang dami!'' Tuwang tuwa kong sabi ng makalapit kami. May fountain pa ito sa gitna.

''Tara I'll show you the pond.''

Each section ng pond ay iba ibang uri ng isda ang naroon.

''Tara sa floating hut!'' Yaya pa sa akin ni Eric.

Para naman akong bata na naexcite sa paanyaya niya.

Ang ganda! Di ko maiwasang sabi pagkapasok namin.

''Dito tayo maglulunch mamya!''

Namilog ang mga mata ko.

''I don't know how Filipinos court but I want you to be happy with what I planned for you today ''

''Just please enjoy my company Sue. Not because we have a sociology subject to think about but because you are with me and I am with you.''

Titig na titig siya sa mga mata ko para akong natutunaw. ''Nginitian ko siya kasi hindi ko alam kung pano ko itatago ang kilig ko''

Tumingin si Eric sa relo niya. ''Let's go fishing!''

''F.fishing?'' Ulit ko..

''Yes Fishing.!'' Tara na, galaw galaw Ladybug! Loosen up a bit. I am not going to rape you or something.''

Finding Duology  Book 1- Finding Mary SueWo Geschichten leben. Entdecke jetzt