Napanganga ako sa huling sinabi nya. Gusto nya ako? pero bakit?

"I like you in a romantic way, Nissan. Unang kita ko palang sayo, alam kong may something na feelings na ako sayo. Alam yon ni Left dahil sinabi ko yon nung unang araw ko dito kaya nga pinagbabawalan ako non minsan sayo right?" dahan dahan naman akong tumango. "Pero hindi ko sya sinusunod dahil hindi ko naman sya amo para sundin sya. Simula bukas siguradong magiging awkward sa pagitan natin dahil sa pag-amin ko. Sana tratuhin mo pa din ako katulad ng dati. Ayoko ng magkailangan tayo dahil sa alam mong gusto kita. Seryoso ako sayo, Nissan. Please, hayaan mo akong ligawan ka nang mapatunayan ko sayong gusto talaga kita."

Hindi ako nakaimik. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kanina si Left tapos ngayon si Kris. Ano bang meron sa araw na ito at sinasabi nila sakin ito ngayon?

"I'm sorry, wag ka mag-isip masyado. Napasobra ba ako?" sabi nya at natawa. Iniligay nya sa sink yung pinagkainanan. "Don't worry, ganon pa din naman ako kaso medyo madagdagan lang dahil liligawan na kita." nakangitin sabi nya.

Napayuko ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Pero hinawakan ni Kris ang pisngi ko dahilan para mapatingin ako sa kanyan. Nginitian nya ako at hinalikan sa noo, papikit ako sa ginawa nya. Nagtagal iyon limang segundo bago sya lumayo pero akala ko hanggang don lang yon, nagulat ako na halikan nya ako sa labi. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nya.

"I'm sorry for kissing you." tapos umalis na sya at iniwan akong nakatanga dito sa kusina.


Left's POV

Pagkagising ko sa umaga iba na yung suot kong damit, siguro pinalitan ni maid. Iniimigine ko tuloy kung gaano kapula ang mukha ni maid habang binibihisan ako. Lagi naman namumula ang mukha non sa tuwing nakikita ang katawan ko. Well, I'm sexy kasi.

After kong maghilamos ng mukha at magmumog, lumabas ako ng kwarto na nakapajama lang at tshirt na maluwag. Ito yung isinuot sakin ni maid eh. Pumunta ako sa kusina dahil naamoy ko ang sinangag na kanin at for sure na hotdogs and eggs ang ulam.

Alam ninyo yung ang ganda ng gising ko pero biglang nasira dahil isang nakakasura na Kris ang nakita ko na nakikipaglandian sa maid ko. Bwisit lang di ba? pero ang nakakapagtataka na may bulaklak sa lamesa. Kaninong galing yon?

Hahawakan ko sana para tignan kung kanino at sino nagbigay kaso umepal ang asungot sa bahay ko.

"Don't touch that. Para kay Nissan yan at hindi sayo." inirapan ko sya.

"Sino nagbigay?" tanong ko kay maid.

"Ako." napatingin ako kay Kris. Hindi naman sya tinatanong bakit sya ang sumasagot. Epal talaga 'no? At ano daw? sa kanya galing? "Nililigawan ko sya kaya binigyan ko sya ng bulaklak." kumunot ang noo ko.

"You what?"

"You heard me, I don't want to repeat it." sabi nya sabay talikod sakin. Tinignan ko si maid na nagtatanong. Bakit nya hinayaan na ligawan sya ni Kris? alam nyang gusto ko sya bakit pa sya nagpapaligaw sa iba?!

"Hindi mo sya pwedeng ligawan." matigas kong sabi. Tinignan ko si maid pero nakayuko lang sya.

"At bakit naman?"

"Because she's mine." napailing sya.

"She's not yours." tinignan nya ako at siempre hindi ako nakipagtalo, nakipagtitigan din ako.

"She's mine kahit tanungin mo pa sya!" sabay naman kami tumingin kay maid. Napakamot naman ng ulo si maid.

"Nope, she's not yours." tinginan ko ng masama si Kris. Bakit ang kulit ng lahi nito? "I like her."

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon