Chapter 5: In Memory Lane

Start from the beginning
                                    

"Emergency? Ayos lang ba siya?" Si Karen ang isa pa nilang kasama sa grupo at siyang matalik na kaibigan ni Samara.

"Oo, ayos lang siya. Alam mo naman 'yong baliw na 'yon. Hayaan mo na, keri nating matapos 'to tapos siya na ang mag-present dahil siya ang wala," Samara chuckled.

Sumakay na sila at dumeretso sa bahay ng mga Fuentes. It was their main mansion. Mansyon din naman ang bahay nina Rainne pero higit na mas malaki ang tahanan ng mga Fuentes.

"Tuloy ka," anyaya ni Samara. Binati sila ng mga katulong sa bahay at nginitian ni Rainne ang mga ito. "Do'n tayo sa kwarto ko gagawa para sure na walang mang-iistorbo." Pumayag si Rainne at dumeretso sa pink and gray pastel theme na kwarto niya. It was modernized and appealing to the eyes.

"I like your room," sabi ni Rainne sabay ngiti.

"Thank you."

Umupo sila sa may study table ni Samara. May litrato ng mag-anak nila sa isang frame. "Kailan kinuha 'tong picture na ito?" tanong ni Rainne sa nag-aayos ng gamit na si Samara. Lumingon ito at ngumiti.

"Two years ago. Nung paskong umuwi ang bunso namin. International student kasi ang peg niya kasama ang jowa niya para raw makapag-travel sila kahit na bagets pa."

"Wow. Buti pumayag ang parents n'yo."

"Yeah. Supportive naman sila as long as alam daw na kaya. Saka naka-base siya sa U.S. ngayon kasama ang grandma and auntie namin kaya ayos lang," paliwanag ng dalaga. Biglang nag-ring ang cellphone ni Samara na ipinatong niya sa kama. "Oh, wait lang Rev ah. Si Ben kasi tumawag."

"No problem, Sammy. Go take it."

Alam ni Rainne na may boyfriend si Samara na senior na Ben ang pangalan. Hindi niya ito personal na kilala at kung tutuusin, wala siyang plano makipagkilala maliban na lang kung wala nang choice dahil may history ng pagiging isang chick boy ang binata.

"Sige, Rev. Kukuha na rin ako sa baba ng mamemeryenda natin."

Dali-daling lumabas na si Samara at naiwan si Rainne sa kwartong iyon. Napasapo siya sa sariling noo nang maalalang may dala nga pala siyang mga cookies at pastries na binake niya kanina. Kinuha niya ang lalagyan sa bag na dala at lumabas ng silid. Nasa isip niyang sayang kung maghahanda pa ng bago kung marami silang makakaing dala niya.

Sa pagmamadali niyang bumaba ng hagdanan ay natisod siya at muntik nang matumba. Isang natural na lampa.

She was ready for that loud and painful hit on the face... But one... two... three seconds have passed at wala siyang naramdamang kahit anong sakit. Bagkus, may isang kakaibang pabangong bumalot sa ilong niya. A masculine scent she smelled for the first time.

"Mind opening your eyes now, miss?"

Isang malalim na boses ang naalimpungatan ng kanyang mga tainga. Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata. Nagulat siya sa taong nakabalot ang braso sa baywang niya at nakatitig sa kanyang mga mata.

It was her crush Ysiquel Fuentes for goodness sake!

The Ysiquel Fuentes na CEO ng Fuentes Corporation!

He was wearing a three-piece black suit and his hair was swept behind. Ang hairstyle na madalas niyang nakikita sa mga magazines at interview ni Ysiquel.

"Ah-eh..." Walang salitang mabuo sa kanya.

Rainne's mind totally went blank that moment. Tinulungan siya ni Ysiquel para makatayo nang maayos. Tiningnan ni Ysiquel ang suot ng dalaga at napagtanto ang unipormeng suot nito.

"Are you a classmate of my siblings?" tanong nito na nakatitig sa mata ng dalaga. He had a heavy and intimidating aura around him. Na sa isang pagkakamali ay kakainin ka niya nang buhay. He had those pair of tantalizing dark brown almond eyes that could sweep you off your feet.

"O-opo. C-classmate ako ni Sammy," utal at nahihiya niyang sagot.

"Oh. Welcome. Are you lost?" His aura changed into a lighter shade of seriousness. Hindi na ang lalamon-nang-buhay na aura.

"No. Ibibigay ko sana kay Sammy 'yong binake ko bago siya magpagawa ng meryenda but I forgot to give her kanina."

"Is that so? Then I'll go ahead. The kitchen is in this hallway." Tinuro niya ang hallway sa kaliwa ng hagdanan. "Mag-ingat ka sa pagbaba." A soft chuckle came from him. "Baka wala ako kapag nahulog ka." Nilisan na ng binata ang hagdan palabas ng bahay giving her one simple wave.

Napahawak si Rainne nang mahigpit sa lunch box na dala at niyakap ito. His words gave her mind an illusionary meaning. Her heart was beating crazily. It was her first time meeting him and it was nerve-wracking.

'Would you catch me if I fall deeper?' bulong ni Rainne habang nakatitig pa rin sa pintuang nilabasan ng binata.

***

P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0

JO ELLE

FNGT 1: The CEO's Marriage ContractWhere stories live. Discover now