Chapter 18: Sorry and Confusion

Start from the beginning
                                        

Napag alaman kong high school parin pala siya at ka level ko lang. Nagulat din ako nung magkasing school lang pala kame dahil nakita ko siyang  naglalakad sa school grounds namin.

Lagi ko siyang pinagmamasdan pero sa twing nagkaka tinginan kame eh napaka fierce ng tingin niya sa akin.

Suplada.

Simula nun, lagi ko na siyang napapansin.

Hindi ko alam kung gaano na siya katagal sa school pero ngayon ko lang talaga siya napapansin.

Sa tuwing may program sa school, nakikita ko siya, kung hindi katabi ko, malapit lang sila sa amin.

Sa flag ceremony, nakikita ko na rin siya, pero alam niyo ba dati eh hindi ko siya napapansin.

Ngunit bigla akong nagulat-slash-natuwa nung ipinakilala siya sa amin ni Jicks bilang ka-member.

Weird noh? Nawweirduhan din ako sa mga naffeel ko nun eh, kaya lately, nagiging bugnutin ako eh.

Mahal ko si Mhai.

Pero natutuwa ako kay Genie.

Confusing nuh?

Kaya minsan sobrang sadista ko kay Genie kasi nga gusto ko matanggal itong pintig na toh na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya. Kaya nag dedefense mechanism ako.

Sinusungitan ko siya.

Sinusupladuhan.

Sinisigawan.

And I even made her  my slave. Sama noh?

Pero walang nangyari eh, nandun parin yung tibok na un.

 Naramdaman ko yung tibok na yun dati, pero mahina lang kagaya ng tibok ng puso ko para kay Mhaillien.

Pero ngayong araw na ito. Sumagi lang siya sa isip ko. Hindi ko makontrol yung tibok ngayon. Masyadong malakas.

*DUG.DUG.DUG*

*DUG.DUG.DUG*

*DUG.DUG.DUG*

*DUG.DUG.DUG*

*DUG.DUG.DUG*

Waaa. Nakakabaliw!

Nung nasa park ako at malakas ang ulan, isa lang ang narealize ko, masyado akong naging tanga sa paghabol at pagpilit ko sa sarili ko kay Mhai.

Alam kong hindi magiging sa akin siya dahil sa dalawang rason.

Una, dahil may mahal siyang iba...

Pangalawa, may bagong nakakuha ng attensyon ko.

Lalo na ngayong nakilala ko na yung tatay ko ngunit sa isang iglap nawala din, sa ganitong pangyayari, sa tuwing nakikita ko si Genie, parang naffeel ko ung lighter version ko.

Haay Buhay. Bakit ganito kakomplikado. Bakit hindi pedeng yung mahal mo, mahal ka rin niya. At wala nang ibang mga sisingit sa buhay na:

taong mahal ng mahal mo at taong mahal mo pero hindi ka sigurado kung mahal mo rin siya.

Haay talaga.

Umuwi na ako nun kasi nga nilayasan na ako ni Genie eh. Masyado siyang vulnerable today and I might as well protect her. Kaya bago ako umuwi eh minake sure ko na nakatapak siya sa loob ng bahay.

Pagkadating ko sa bahay, dumiretso ako sa kwarto at nahiga. Yakap ko yung gitara ng daddy ko na binigay sa akin nung lamay at nag titipa ng string habang nakahiga.

Yun yung tinutugtog ng dad ko eh nung last na dumalaw ako sa kanya. Ang sarap pakinggan kahit gitara lang ang tugtog.

Maya maya’y bumukas ung pinto ng kwarto ko. Lumingon ako at nakita si Mama.

Strings AttachedWhere stories live. Discover now