Chapter 19: Trust

14.8K 576 452
                                    

Trey's POV

Napahinto ako at naitulos sa aking kinatatayuan. Tanging mga voluntary muscles ko na lamang ngayon ang gumagalaw.

Parang bigla akong nakakita ng mga palasong mabilis na bumulusok patungo sa aking direksyon at sabay-sabay na tumama sa dibdib ko. Bumalatay dito ang napakatinding sakit.

Napakasakit.

'Yan ang nararamdaman ko ngayon habang nakatingin sa dalawang taong magkahawak ang kamay.

Nag-uumpisa ng gumuho ang mundo ko. Parang pinagsasakluban ako ng langit at lupa.

Sino ang babaeng 'yon? Bakit magkahawak sila ng kamay ni Ash? Girlfriend ba siya nito?

Nang-init ang sulok ng aking mga mata dahil sa pangigingilid ng mga luha ko at sa anumang sandali ay parang tutulo na ito. I swallowed immediately before it happens.

Bakit Ash?

Bakit mo nagawa sa'kin 'to?

"May problema ba Trey?" Doon lang ako nakakilos nang tanungin ako ni Mikael.

Napansin ko ang paglapit niya sa akin. Hindi niya marahil napansin ang paghinto ko. Mabilis ko lang siyang tiningnan at bumalik sa pagkakatungo. Mabuti na lang hindi niya nakita si Ash.

"Ahh w-wala. H-Halika ka na." Pinilit kong magsalita ng maayos dahil babagsak na talaga ang mga luha ko. "L-Let's go."

"Okay."

Bago humakbang ay muli akong bumaling ng tingin sa direksyon ni Ash. I wish na namamalikmata lang ako sa nakita ko kanina. Pero hindi talaga. Sobra pa akong nadismaya at nasaktan nang makita ko ang tawanan nilang dalawa ng babaeng kasama niya.

They are happy based of how they look into each other's eyes. They are laughing now. At ngayon ko lang nakita ang pagtawa ni Ash ng ganon. He's really happy.

In first impression, kung titingnan ay may namimigitan sa kanilang dalawa. Meron naman talaga dahil magkahawak ang mga kamay nila.

Ano pa ba ang iisipin ko?

Natigil ang pagtawa ni Ash nang magtama ang aming mga mata. Sa tingin ko napasinghap siya. Mukhang hindi niya inaasahan kung sino ang nakita niya.

Yeah I'm here Ash. Si Trey ito, ang boyfriend mo, remember? I said sarcastically in my mind. I'm broken to shout it to him.

Napangiti ako ng mapakla. Bago pa lumala ang sakit sa aking puso at bumagsak ang aking mga luha ay tumalikod na ako at sinundan si Mikael.

Wrong move dahil lumandas na ang mga luha sa aking magkabilang pisngi. Nagpanik ako at mabilis iyong pinunansan. Good thing at noon lang bumaling ng tingin sa akin si Mikael para muli akong tawagin.

Nanlalambot man ang aking mga paa ay pinilit kong maglakad papunta sa kanya. Hindi na ako lumingon pa. Mas masasaktan ako. Ayaw ko ng dagdagan pa.

Ugh! Ang sakit. Ang sakit-sakit.

I wish Ash would follow and explain to me na mali lang ang nakita ko.

I don't want to put a meaning on it pero... Sinong niloko ko?

Ano pa ba ang ibig sabihin no'n? Ano pa ang ibig sabihin ng nakita ko?

Does Ash really loves me?

Bakit gano'n? Bakit niya nagawa iyon? Am I not good enough for him?

I want to cry. I want to be alone. I want to think. But this is not the right place to do all of that. Besides, kasama ko si Mikael. I'm not ready to tell him about the relationship between Ash and me.

My Kuya's Bestfriend (Book 1) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon