Ang PangApatnapu't Tatlo

Start from the beginning
                                    

"What's up? Ang aga mo yatang nagising," pambungad niya.

Buti pa ang isang ito ay nakukuha ang aking morning schedule.

"I need you, Beth. That's why I came here. I want to make a confession." Kumapit ako ng kay higpit sa kaniyang braso ngunit pilit niya iyong inalis. I pouted. 

"Do I look like a nun? Do I look like I go to church?" pag-irap niya sa akin. 

"Bethlehem!" Pinandilatan ko ito ng mga mata.

Parehas kaming nagulat ni Beth nang biglang bumukas ang kaniyang pinto. Pumasok ang si Ramona na hawak ang kaniyang paboritong coffee habang may katalakan sa telepono.

"Who was that? President Clarence?" Nag-indian seat ako. Kaninang papunta ay tinext ko siya na magtungo rito kina Beth.

"Is it obvious?" nag-aalala niyang tanong. Tumango naman ako. Nobody irked her like that boy. Marahil opposite na opposite silang dalawa ng kaniyang ex.

"Ugh! I fucking hate him! He's acting like a psycho ex-boyfriend! Hindi nga kami nagtagal ng dalawang buwan dahil hindi ko matagalan ang kaniyang nerdy glasses!"

"Didn't you confess that his glasses turned you on---"

"Off!" 

Itinaas ko ang aking mga kamay bilang pagsuko. Although, naalala ko talaga sa isang club noon. Tuwang-tuwa raw siya dahil ala pa siyang naging boyfriend na studious. Hindi ko na lang sinabi dahil magiging dragon nanaman iyan, sus.

"So, why are we here? Bakit ka nag-text na kikitain mo ako rito? What's up?" Ibinaling ni Ramona ang atensyon sa akin, and at the same time, Beth too looked serious.

Mas lalo lamang akong nilabasan ng butil-butil na pawis. I may have let them catch on just snippets about my past, why I came here, but that's it. Hindi nila alam ang buong kwento and I wanted it to stay like that. But right now...

"You look like you've seen a ghost, Chrissy. Oh god, ano na?" Ramona shrieked and made it worse.

"Okay! Okay! Damn it, Ramona!" gigil ko itong inirapan. They huddled towards me like I'm some piece of Black Nazarene. 

Lutang na lutang ako pagkatapos kong ikwento sa kanilang dalawa ang nangyari noon.

"I'm so going to crush his face! Dapat idinemanda mo, Chrissy! He made you his mistress! You should've manipulated Tito Nick to do something! God!" Ramona kept flinging her hands infront of my face.

Tinabig ko iyon at pinandilatan ko siya.

"Hindi ganoon kadali, Ramona. My broken state couldn't think straight that time. It needed so much planning and my sister would never survive that trauma," dipensa ko.

"And you would?"

"I already did..." matama kong sagot. 

Somehow, it made my heart roar in pride. I did this. I did all of these.

"Kung sinabi mo sa amin iyan noon pa lamang, matagal nang burado sa mundo iyang apelyidogn Donofrio! Ang kapal ng mukha niyang kalabanin ang isang Cajucom! Major asshat!"

The PristineWhere stories live. Discover now