<12> Events...

157 2 1
                                    

Chapter 12 - Events...

---------------

JAN's POV

"September 23's only two days away..."

Kasalukuyan po akong nasa mall mga kababayan, namimili ng pwedeng ibigay sa aking One and Only My Labs para sa aming first monthsary. Huwaw lang, akala ko kasi iiwan niya ko kaagad. Talagang mahal na mahal ako ng aking irog eh.

Korny ba?! Grabe naman kayo. Lahat naman kaya nagiging corny kapag umiibig. O sadyang makata lang talaga ako? OY ANG SAMA NIYOOO. >:)

Pumasok ako sa Pink Box na shop. Pang-girl 'tong shop na 'to at sinadya ko talagang pumunta dito dahil sa bibilhin ko para kay Ace.. Pagpasok na pagpasok ko, pinagtinginan ako kaagad ng mga babaeng nasa shop. Ang pogi mo talaga Jan ohhh! *Tsk* with matching ngiting hanggang tenga.

Nawala yung ngiti ko nang marinig ko yung mga bulung-bulungan nila...

"Is he a gay?!"

"Ew, gross"

"Sayang pogi pa naman"

"Baka naman girlfriend niya yung tindera.."

Napatingin naman ako sa kung nasaan yung sinasabi nilang tinder. Napaduwal ako nang wala sa oras. Buset! Mga litsing babae, irereto niyo nalang ako dun pa sa di mo malaman kung babae o bakla! At tska para sabihin ko sa inyo, meron nang nagmamay-ari nito. *points at heart*

Parang nagdalawang isip tuloy akong lumapit sa counter para magpagawa ng ibibigay ko kay Ace. Bwiset naman kasi eh, nakangiti pa sakin yung shokeng tindera na parang asong urur!!! Sa sobrang gwapo ko ba, pati mga ganitong nilalang napapansin yun?

Habang humahakbang ako papalapit ng counter, nagtatayuan yung mga balahibo ko sa buong katawan. Nangingilabot ako! GAWD. Bat ba naman kasi may ganitong tindera dito?! Pero para sa aking labidabs, gagawin ko, kahit pa mag-pa-autograph pa sakin yang shokeng yan.

Nang makalapit ako sa counter, nanigas ako sa kinatatayuan ko. Para akong asong nabahag ang buntot dahil sa takot!!! Lecheplan. Halata naman kasing nagpapa-cute 'to eh, kala mo magandang tignan eh noh!?!!

"Miss-- Um ate?! Pwedeng patingin ako ng mga pendants niyo?" tama ba yung pagtawag ko sakanya ng ate?! Kasi parang unknown talaga yung gender niya eh! PADJ.

"Para sa necklace po sir?" nag-beautiful eyes pa talaga siya.

"Yes" ay hindi, chain. CHAIN PARA IKABIT KO SA LEEG MONG MALANDING NILALANG KA!!!

"Here it is sir"

Nangalong-baba siya habang nakatingin sakin. Nasusuka na talaga ako!! Nagkunware akong tumitingin sa mga pendants na nasa isang lalagyanan. Nakita ko yung mga pinaggagawa niya sa peripheral view ko. oha?!

"I'll take this."

"Um sir, this costs *tooot* pesos. And sir may free mini sticky note po kayo from Pink Box!" inabot niya sakin yung pink na paper bag. "Come again, sir!" PSH. Hell no. Di na! Babalik lang ako kapag napalitan na yung kahera dito!

I'll make September 23 Ace's big and unforgettable day...

.

.

.

OUR DAY...

***

"Freshmens, proceed to the Science Lab now."

Nakakatamad naman ngayong araw.  Ang dami dami ko pang pinaplano eh! Bukas nayon mga peksman! Syempre kailangan ng mahaba-habang preparation diba?! Psh. Kailangan maging successful 'to!

Pumasok na kaming lahat sa may Lab.

"Everybody, listen." agad namang tumahimik ang lahat. Lahat ng year ay nandito rin. "We're going to have Science Camp in contribution to the Inventions week."

"WOOOOOOOOOH!!!"

"Masaya yan!"

"YES OVERNIGHT!"

"AY ANG GALING!!!"

 Bawat year may kanya-kanyang hiyawan at reaksyon sa sinabi ni Sir. Ako naman, speechless. Di ko kayang mahati yung utak ko! Naka-concentrate pa din ako sa gagawin para bukas! Err.

"Magkakaroon tayo ng Fashion Show with a twist! Lahat ng gagamitin niyong materials for the apparels ay yung mga recyclable. You'll choose two representatives from your year, male and female, and sila ang magiging models niyo. We'll give you 10 mins. to decide kung sino yung magiging models niyo."

Kinabahan ako bigla. Bat ganito yung feeling? Ang eeriii. Nakakairita na ewan!

"Si Jan at Ace!"

"Oo nga mam!"

"Yes mam, sila nalang po!"

Bat ganun yung mga suggestions ng mga kaklase ko? Ang baliw lang. Hahahaha. Pero deep inside, kinikilig amptk!

"Hala?! Mam bat kami?!"

"Majority wins" nginitian ako ni mam ng alam-mo-na-look. Aish! Kaasar.

So wala na kong magawa ehh.

"OKAY! Sino ang representative niyo, first year?"

"JANACE POOOOO!"

"Sino si Janace?!"

"Tambalang Jan at Ace po!"

Paktay ka jan oh.

----------------

A/N

Maikling update! Kasi may idudugtong pa ako jan.

The B.E.S.T AcademyWhere stories live. Discover now