"Ganun ba? Oh, sige anak, kunin mo nalang doon sa kabinet sa kwarto ko."

VENICE'S POV

Ang saya saya ko ngayon. Dalaga na ako. Nakaayos na ang lahat, pinaubaya nalang ni Mommy ang lahat sa baklang organizer na kinuha nya. Dito lang naman sa bahay namin gaganapin ang birthday ko, tutal ay malawak naman yung likod ng bahay namin at may swimming pool pa.

Ang ganda nga nang pag kaka-ayos. Kumuha din si Mommy nang mag mamake-up saakin. Pinabongga talaga ni Mommy ang lahat.

Maya-maya pa ay nakita ko si kuya liam na papalapit saakin kaya tinanong ko siya.

"Inimbita mo ba si Ate Sharmaine?"

"Oo, pinadalhan ko din siya ng invitation mo," sagot niya.

"Mabuti naman. Sige, kuya maiwan na muna kita at mag papaayos pa ako, malapit ng mag 3pm. Syempre, kailangan beauty na beauty ako sa araw na ito," nakangisi kong sabi sa kanya.

"Ikaw talaga! Enjoy your day and happy birthday!" Nangiting sabi niya at talagang niyakap pa ako.

LIA'S POV

"Ayan! Hindi na masyadong kulot ang buhok ko. Mukhang manipis na siya, thank you po, momm."

"Medyo nangawit ako dyan ah! Ang hirap plantsyahin ng buhok mo," wika niya habang minamasahe ang nakangawit niyang kamay. "Anyway, ako narin ang mag mamake-up sayo para perfect na ang lahat."

"Sige po mommy, thank you po ulit. At saka pasensya na po kayo kung nangawit ang kamay nyo."

Agad-agad ding bumalik si mommy sa kwarto para make-upan ako. 20 minutes lang niya akong inayusan at okay na.

Nakaharap na ako ngayon sa salamin. Nangitim ata lalo ako sa suot kong violet cocktail dress Haha! Napansin kong medyo umuuinti narin yung mga pimples ko. Effective 'yung pinapahid ko ngayon. Hahaha! Malapit na talaga akong gumanda! Charot!

Pag labas ko nang kwarto ko ay sigaw ni Jamaica ang sumalubong saakin.

"Wow! Ang taray ni Ate Lia! Ang ganda! Bagay sa'yo ang straight hair, ang sexy mo pa dyan sa violet cocktail dress mo. Pag nakita ka mamaya ni Liam, tiyak maiinlove un!" Masayang sabi ni Jamaica. Anubayan! Pinaalala pa nito yung lalaking 'yun. Pero, sana nga diko sya makita mamaya. Nakakahiya talaga.

"May problema ba? Mukhang malalim na naman iniisip mo ah? 'Wag kang mag alala, kami ng mga ljs chicks ang bahala sayo mamaya..." Sabi ni Jamaica, nakita kasi niyang ngumingiwi ngiwi ako. Pero ang totoo non ay hindi ako sa mga bisita ni venice natatakot, kundi kay Liam na ayokong makaharap.

Revenge Of Lia (Available on Ficfun)Where stories live. Discover now