first kiss :*

23.5K 398 10
                                    

(Chapter 3)

LIAM'S POV

Papauwi na ako galing sa palengke nag biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"Anubayan! 'diba titigil ang ulan na to?" maktol nung isang babaeng nakasabay kong mag lakad dito sa palengke.

Napalingon ako sa may bakanteng lote. Nakita kong may isang pamilyar na babae ang naka-silong doon.

Hindi iba't siya yung Lia? Lia nga ba ang pangalan nito? Siya yung friend ni Venice. Ewan ko, bahala na, iibigay ko na ngalang itong payong kong dala sa kanya. Kawawa naman at mukhang kanina pa naghihintay sa pagtila ng ulan. Siguro ay tatakbo nalang ako pauwi.

Nakayuko siya nang lumapit ako sa kanya. Ramdam ko na nagulat siya nang bigla akong sumulpot sa harapan niya at abot-abot ang payong ko.

"Oh, gamitin mo na ito, tatakbo nalang ako pauwi," sabi ko sa kanya sabay abot ng payong ko.

Nadinig kong tatanggihan niya ang alok kaya naman 'diko nalang pinansin yung sinabi nya. Tumakbo nalang ako nang mabilis papaalis sa kanya.

Ewan ko ba, magaan lang ang loob ko sa babaeng iyon.

Pagdating ko sa bahay ay nagulat si mommy nang makita niyang basang basa ako.

"Bakit basang basa ka? 'diba't may dala kang payong?" Nagtataka niyang tanong pag ka pasok ko sa bahay.

"Pinahiram ko po doon sa babaeng nakita ko kanina, mukha po kasing kanina pa siya naghihintay sa may bakanteng lote, nakakaawa," sagot ko kay mommy habang hinuhubad ko ang basang damit na suot ko.

"Hay nako, anak, saksakan ka talaga ng bait, halika ka nga dito at mayakap ka ng isa," nang iinis na sabi ni mommy na may panlalambing pa ang tono. Ang Korni!

"Hindi na po ako bata para lambingin ng ganyan," inis kong sabi, ayoko kasi nang bine-baby pa ako. Ang korni talaga nang dating saakin nun.

"Ikaw naman anak, minsan lang mag lambing si mommy mo eh"

Hindi ko nalang siya pinansin at tumuloy na ako sa kwarto ko. Agad akong nagpalit ng damit. Pagkatapos nun ay nahiga ako sa kama ko.

Bigla naman sumagi sa isip ko yung nangyari nung nakaraang araw sa palengke.

*FLASHBACK*

Habang nasa palengke ako at namimili ay nakita kong inaasar at pinariringgan si Lia nang mga tindera at mamimili doon.

"Ayan nanaman 'yang babaeng kasuklam suklam ang itsura!"

"Oo nga! Ang lakas pa ng loob lumabas ng bahay. Pag ganyan ang itsura ko ay! buburuhin ko nalang sa bahay!"

"Oo, nga! Grabe! Ba't ganyan istura nyan? nakakadiri!"

Revenge Of Lia (Available on Ficfun)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon