KARIBAL!

24.6K 326 18
                                    

(Chapter 4)

LIA'S POV

Halos hindi ako nakatulog kagabi simula nang mangyari 'yun saamin ni Liam. Nakakahiya! Nasampal ko pa tuloy siya.

"Hey ate Lia! Bakit ba tila malalim ang iniisip mo at kanina pa tila tulala?" Untag bigla ni Jamaica at talagang kinalampag pa niya yung lamesa para magulat ako.

"W-wala kasi akong tulog kagabi. Nagka-insomnia ako," pag sisinungaling ko. Ayokong ipaalam sa kanya na aksidenteng nag ka kiss kami ni Liam kagabi. Nakakahiya! Aasarin lang niya ako at baka kumalat pa at makarating 'yun kay Liam. Baka isipin nun pinagkakalat kong nakahalikan ko siya.

Pero Shit! Si Liam ang first kiss ko. Akalain mo yun! Si crush ko pa ang unang kong na kiss sa talambuhay ko. Hindi ako makapaniwala.

"Tignan mo! Ngayon naman ngingiti-ngiti ka naman. Hay, naku Ate Lia, mabuti pa ay mag pa tingin kana at baka mamaya nababaliw ka na, hindi pa namin alam..." pang aasar ni Jamaica.

Bigla namang tumunog yung doorbell namin. Nagkatinginan kami ni Jamaica. Hudyat 'yun na kung sino ba ang tatayo saamin para tignan kung sino ang taong nasa labas.

"Sige, ituloy n'yo lang pagkain n'yo, ako na ang mag bubukas ng pinto," sambit ni manang.

"Ano ang sadya niyo?" narinig kong sabi ni manang doon sa taong nag doorbell.

"Goodmorning ho, invitation po para po kina Jamaica at Lia." Narinig ko namang sagot nung taong kausap ni Manang.

"Salamat! Mag-ingat ka," sagot ni manang. Kahit talaga kanino ay napaka bait ni manang.

Agad namang iniabot ni Manang saamin ang invitation na hindi namin alam kung kanino galing.

"May invitation kayong dalawa," sabi ni manang sabay abot ng tag isang envelope saamin ni jamaica.

"Anong invitation ito? Wala naman saating mag babarkada ang nababalitan kong mag b-birthday ahh?!" nag iisip na sabi ni Jamaica.

"Mabuti pa Jamaica ay buksan nalang natin." Sagot ko kay Jamaica.

"Tama ka diyan."

"18 Birthday ni Venince?!" Sabay naming sabi ni Jamaica pag ka buklat namin sa invitation.

"Wow! Ang ganda naman ni Venice dito sa picture nya. 18 Birthday pala niya bukas. Sinuprise tayo ah! Hindi manlang sinasabi na mag b-birthday na pala siya," masayang sabi ni Jamaica. Ako naman medyo nag aalinlangan.

Revenge Of Lia (Available on Ficfun)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon