"Hindi siguro ako makakapunta," malungkot kong sabi kay Jamaica kaya naman siyang biglang sumimangot.

"Why naman?!" Nagtatakang na tanong ni Jamaica.

"Sa itsura kong 'to, makakasira lang ako sa kaarawan ni Venice. Sigurado akong pagtitinginan lang ako nung mga bisita nya," sagot ko kay Jamaica sabay alis sa kanya. Tumuloy ako sa kwarto ko.

Agad namang sumunod si Jamaica saakin, "Ano kaba Ate Lia, kaya ka nga inimbita ka ni Venice ay gusto ka n'yang pumunta sa birthday nya. Gusto mo bang mag tampo sayo si Venice? Basta kami ang bahala sa'yo. Kapag may nanlait sayo, todo resbak kami para sa'yo," maangas na sabi saakin ni Jamaica at talagang niyakap pa niya ako.

"Kaya love na love kita eh." Napangiti siya ng sumang-ayon na ako. Nangiti narin ako kasi lumakas ang loob ko sa sinabi niya.

Matapos naming mag usap ay nagpaalam narin siyang babalik na sa hapagkainan. Hindi pa daw kasi siya, tapos mag almusal.

"Sige tapos naman na ako, dito nalang muna ako sa kwarto ko. Iidlip muna ako at wala akong masayadong tulog kagabi," wika ko sa kanya.

"Okay, sleep well Ate Lia. Maiwan na kita dito sa kwarto mong all violet," nakangising sabi ni jamaica.

Nagulat kayo sa sinabi ni Jamaica noh? Yes, all violet kasi talaga ang lahat ng bagay dito sa kwarto ko. Mapa kama, unan, dingding, kabinet, table, upuan, kurtina at kung anu-ano pa. Sobra akong adik sa kulay na ube.

Habang pinipilit kong matulog ay bigla kong naisip na malapit na pala ulit akong mag-aral. College na ako sa pasuan. Saan kaya magandang mag college? Until now, hindi ko parin alam kung ano ang kukunin kong kurso.

Naramdaman kong parang may naiwang palaman ng tinapay na kinain ko kanina sa labi ko. Kasi nalalasahan ko yun peanut tuwing didilaan ko yung labi ko. Kaya naman tumayo ako sa harap ng salamin para tignan kung may naiwan ngang peanut butter sa labi ko. Pag tingin ko sa harap ng salamin ay agad kong tinignan ang labi ko. Imbis na hanapin ko yung peanut butter sa labi ko ay bigla namang pumasok sa isip ko yung nang yari kagabi. Yung malambot, mapula at kissable lips ni Liam. Oh my gosh! Kinikilig talaga ako kapag naalala ko 'yun.

Mayamaya ay nahimasmasan ako ng maalala kong magtatagpo kami dahil sa birthday ni Venice. Nahihiya akong makaharap siya. Paano na? Oo nga pala, hindi ko pa nasasauli yung payong niya. Tapos kapag naalala kong nasampal ko siya ay lalo akong nahihiya. Anong mukha ang maihaharap ko sa kanya?

Kinabuksan ay nag abala akong gumayak para sa birthday ni Venice. Pilit kong iniisip kung ano ba ang aking susuotin.

"Mommy, pwede ko po bang hiramin yung pang straightener ng buhok mo?" Pag papaalam ko kay Mommy.

"Bakit saan naman ang punta mo?"

"Hndi ko pa po pala nasasabi sainyo na aattend po kami ni Jamaica sa 18 birthday ni Venice ngayon."

Revenge Of Lia (Available on Ficfun)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon