Chapter 33 - Reminiscing the Lost Memories

3.8K 58 1
                                    








"Mama? Saan po kayo pupunta? Bakit ang aga niyo naman po?", tanong ko kay mama. All I know is that she was supposed to be resting for now dahil sa sakit niya.



"Somewhere anak. Eh ikaw Bianca, bakit ang aga mo?", bakit nga ba? Hindi ko rin alam. I just shrugged. "May bumabagabag ba sayo anak?", sabay lapit ni mama sa akin at hinaplos ang pisngi ko. I just like my mom's affection for me. I feel at ease. I shook my head. "You better rest anak. You need to. I want you to get better as soon as possible para makalabas tayong dalawa.", tapos ay hinalikan niya ako sa noo at ngumiti sa akin. I smiled back. I'm different when it's just my mom and I.



"Gusto niyo po bang ihatid ko na kayo, kahit hanggang labas lang?"



"Hindi na anak. Kaya ko na. I'll be okay. You better go and rest. Go on, or would you like to drink hot milk to help you go back to sleep?", I nodded. "Alright then, wait by the table. I'll be right back.", tapos ay dumeretso na siya sa kitchen. Nandito lang ako sa dining room at nakatulala sa kawalan. And suddenly, random thoughts invaded my mind.



• • •



"Bianca, tara! Laro tayo!"



"Hindi pwede eh. Binawalan tayo ni mama Yvette at ni mama mo na lumabas diba?", sumimangot naman 'siya'.



"Takas tayo. Dali na, once lang 'to. Promise.", napaka-B.I. talaga ng lalaking 'to. Haynako! Pero nagpaimpluwensya naman ako.



"Sige na nga. Promise ha?", at saka kami magkahawak-kamay na tumakas palabas ng front yard namin. Shunga ng guard namin eh, nakikipagdaldalan sa ibang guard kaya hindi kami napansing lumabas.



Nakarating kami sa isang ice cream shop. Nilibre niya ako. Pareho kami ng favorite flavor. COOKIES AND CREAM. Yum!



"Uy, after nito, babalik na tayo sa bahay ha? Baka hinahanap na tayo eh. Hindi tayo pwedeng magpahuli.", sabi ko sa kaniya.



"Oo naman. Wag kang magalala. Sige na, bilisan na natin."



Pagkatapos namin kumain ay umuwi na kami and luckily, wala namang nakapansin na nawala kami sa loob ng ilang minuto. Napatawa nalang kami sa sarili namin.



• • •



Happy days... I want those happy days back.



"Anak?", that snapped me out of my thoughts. "Oh, why are you crying sweety?", huh? Kinapa ko naman ang pisngi ko at tama nga si mama. Umiiyak ako. Bakit nga ba? Umiling nalang ako. "Hay... Anak, namimiss mo ba 'siya'?", diretsong tanong ni mama na nagpatahimik sa akin. Nanatili akong tahimik. I just couldn't speak at the moment. Too many things are invading my mind. "Kahit hindi na sumagot eh alam ko naman na. He's okay anak. You don't have to worry. Okay? Basta anak... Trust me. Things will be okay. Babalik din ang lahat sa dati. Okay?", tumango nalang ako at niyakap niya ako. I hugged her back and cried.



Pagkatapos kong inumin ang hot milk ko ay nagpaalam na sya para umalis at saka naman ako nagtungo sa kwarto ko at humiga na muli sa kama.



• • •



"Bianca... Umiiyak ka na naman. May umaway ba sayo? Sino? Dali! Bubugbugin ko.", sabi niya sa akin.



"Wag. Okay lang ako. Lilipas din 'to.", naiiyak kong sabi.



"Basta Bianca, nandito lang ako. Papahirin ko lagi ang mga luha mo pag iiyak ka. Ako lang ang gagawa nun ha?", tapos ay hinaplos niya ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko gamit ang thumb niya.



"Wag na wag kang matatakot ha? Kasi nandito ako... Para protektahan ka."



"Yey! My prince charming!", sabay yakap ko ng mahigpit sa kaniya.



"Hehe, your prince charming, miss, at your service.", sabay bow niya sa akin. Nag-bow rin ako, animo eh parang mga royal people kami.



• • •



My prince charming... He still is. I can never deny the fact that I'm still yearning for him all this time. He has always been the one.



So many random thoughts came in my head and I barely remember having spent my childhood in such ways. Lost memories? I don't know. Maybe?



• • •



Naglalaro kami ngayon sa playground malapit sa may bahay namin kasama ang mga yaya namin. Sina kuya naman ay nandoon sa may bench. Nakaupo lang sila habang nagbabasa ng comics. Tss! Hindi nalang maglaro. Ang boring magbasa eh.



Nagulat naman ako dahil bigla 'niya' akong iniharap sa kaniya. "Bianca, paglaki natin, tayo pa rin ang magkasama ha?"



"Oo naman! Forever na tayo no! Hindi na yan magbabago kahit kailan."



"Pinky promise?", sabay abot nya ng pinky sa akin. Natawa ako ng mahina at isinabit rin ang aking pinky sa kaniya at pinagdikit ang thumbs namin.



"Pinky promise.", At saka niya ako niyakap. Napangiti nalang ako.



Naglaro kami ng naglaro sa park hanggang mapagod. Pero alam nyo, kahit pagod na kami ay hindi pa rin ako matigil sa pakikisama sa kaniya. Masaya na ako basta nandyan sya para sa akin.



"Bianca! Kain ulit tayo ng ice cream.", tapos ay lumapit siya sa mga yaya namin. "Yaya, please come with us to the ice cream parlor.", pumayag naman sila. We ordered the same thing as usual. Pagkatapos naming kumain ay umuwi na rin kami sa bahay namin. Nandoon rin si tita Pearl. Best friends sila ni mama Yvette, ever since maging best friends rin kami ni Karl.



"Karl, sleep over ka nalang dito."



"Teka, magpapaalam ako kay mama.", tapos ay lumapit sya kay tita Pearl. Nakatingin lang ako sa kanila mula sa malayo. Nasa living room ako eh, nasa dining room ang moms namin. Nakita ko namang ngumiti si tita Pearl at gano'n din si Karl. So pinayagan siya?! Agad naman syang tumakbo pabalik sa akin. "Pinayagan niya ako! Yey!"



"Yey!"



Sumapit na ang gabi at nandito na kaming dalawa sa kwarto. May unan sa gitna namin. Nilagyan ni mama eh. Tahimik lang kaming nakatingin sa kisame habang magkahawak ang aming mga kamay.



"Bianca... Thank you...", mahinang tugon nya pero sapat na para marinig ko.



"For?"



"For keeping up with me. Nabuksan ko na ulit ang mundo ko dahil sa tulong mo. Thank you.", tapos ay tumingin siya sakin. Ngumiti nalang ako at napangiti rin naman siya. Hindi ko alam ang sasabihin ko eh. Parang bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Or was it just me? Ay ewan. Basta masaya kami. That's all that matters.



• • •



So many wasted memories. Yet, I just came to remember my childhood days. How could I forget the happy days? Just what the heck happened to me?



"Hime? Are you awake?", inalis ko naman ang blanket at hinarap siya. "Oh you're up. How are you feeling?"



"I'm not okay" was what I really wanted to say but I decided to force myself to say that I'm doing great. "If you need anything, just call me ok?", tumango nalang ako st saka siya lumabas ng kwarto ko.



Nagmuni-muni ulit ako. Pero sa tuwing magmumuni-muni ako ay dahil lang sa isang tao. Ang aking long time best friend. I just happen to miss him so bad... To wanna see him so bad... To talk to him so bad... But I pretty know that he wouldn't wanna see me nor talk to me so I'll just watch him from a far distance. But... Where is he?

Arranged Marriage With An Assassin (Fin - UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon