Chapter 19 - Going Crazy Because Of Her

5.5K 83 1
                                    








Karl's POV

Tatlong araw na... Tatlong araw na ang nakakalipas... Wala pa rin kaming balita kay Bianca. Hindi siya nagpaparamdam sakin ni sa mga kapatid man niya o sa mga magulang niya. Ganoon din naman sa mga kaibigan niya. For some unknown reason, pakiramdam ko ay may malaking parte sakin na nawala... Masyado ka lang nagiisip Karl. Get a hold of yourself. Tch!

Monday na nga at nandito ako sa pangalawang klase ko. Wala akong maintindihan sa lesson namin. Kung saan-saan gumagala ang utak ko. Bwiset! Hindi ko mahabol ang utak ko eh. =____= Umub-ob nalang ako sa desk at pilit kong inaalis si Bianca sa isipan ko. Pero the more na sinusubukan ko, the more naman na iniinvade niya ang utak ko. Pucha naman oh! =____=

Ang boring ng science. Nakakainis lang kasi wala talaga akong maintindihan! Isa pa naman 'to sa mga dapat kong ipasa dahil bumagsak ako sa subject na ito noong nakaraan. Nakakahiya no! =___= Pero unti unti kong naiintindihan ang lesson noon dahil kay Bianca. Minsan kasi tinuturuan niya ako. Pero ngayon... Wala siya... Wala yung taong gusto ko ay nandyan para sakin, para turuan niya ako. Dahil alam kong siya lang ang may kakayahan na mapaintindi sakin lahat ng ito. Shet! Ang drama lang, ha, Karl? =___=

30 minutes later...

*DINGDONG DINGDONG*, pagka-bell na pagka-bell ay inayos ko na agad ang mga gamit ko at tumakbo papunta sa locker ko. Nakalimutan ko kasi ang cellphone ko sa bag ko kaya naman kukunin ko na. Baka biglang tumawag si Bianca eh. Or baka may tumawag sakin at balitaan ako na nagbalik na si Bianca. Nagtataka pa rin talaga ako. Saan naman kaya siya nagpunta at wala man lang nakakaalam. Hindi kaya... sinisikreto lang nila sakin? Naaah, hindi naman siguro nila magagawa sakin yun.

*bzzzt bzzzt---* Pucha! Nagulat naman ako sa vibration ng phone ko. =___= *---bzzzt bzzzt---*

Calling... Kuya Jake

Slide to answer...

"HELLO?! KUYA JAKE!"

(Aray naman Karl =___= Kailangan talaga nakasigaw?! Geez...)

"Heheh, pasensya na. Ano..."

(Wala pa rin kaming balita kay Bianca. She had never contacted us ever since she left. Actually, hindi na nga rin namin siya nakita bago umalis eh. She just left a letter in my parents' room.), I felt so hopeless when he said those things. Bakit... Bakit biglang nawala si Bianca..?

"Sige kuya. Salamat. Basta balitaan mo nalang ako. Let me know if may plano kayo. Okay?"

(No worries. Sige!)

*doodoo*. Napagisipan kong pumunta muna sa rooftop. Mahangin... Payapa... Dito lang naliliwanagan ang pagiisip ko. Mapayapa akong nakakapagisip ng kung ano-ano. Pero isa lang talaga ang napasok sa utak ko ngayon... Si Bianca. Ang weird no? Hindi ko maintindihan kung bakit pero basta! Ang weird.

Naghalungkat lang ako ng kung ano-ano sa cellphone ko. Tapos napansin ko ang folder ng pictures namin ni Bianca. Nung mga panahon na lumabas kaming dalawa. Lamang ang kaniyang mga seryosong pictures pero may konti rin namang pictures na nakangiti siya. Her angelic smile never failed to make me feel fine. Yung mga ngiti niya... Hindi ko malaman kung totoo ba o peke. Pero pakiramdam ko naman ay totoo. Diba nga? Hindi na siya ngumingiti simula nang mamatay... scratch that... simula nang patayin ang nanay niya sa harap pa niya mismo... sa mismong kaarawan niya pa. Kaya naman, lubos kong iniingatan ang kaniyang mga ngiti. Nawa'y hindi ito maglaho.

Arranged Marriage With An Assassin (Fin - UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon